CPMGP_Chapter 22

75.5K 2.5K 23
                                    

"Oops, sandali." Sabi ko kaya napahinto naman siya.



"Ha? Bakit?" Tanong ni Russel.



"Ah, kasi—kahit 'wag mo na akong ihatid."



"Hm? Bakit naman?" Bigla siyang nagtaka.



"Baka makita ako nila Mom at Dad na may kasamang—alam mo na." Matapos kong sabihin 'yon bigla naman siyang tumawa. Bakit naman daw kaya? Nagtataka lang akong nakatitig sa kanya ngayon.



"Don't worry sasabihin ko naman sa kanila na magkaibigan lang tayo. So, okay na ba sa 'yong ihatid kita?"



Hays, ang tigas din ng ulo nito. Hindi naman basta basta sila Mom at Dad e. "Ah...kasi..." Ano bang palusot ang sasabihin ko sa kanya?



"Wala nang pero pero, hindi naman kita hahayaan na mag-isa ka lang umuwi, lalo't babae ka." Bigla akong pinagmulahan dahil sa sinabi niyang 'yon. "Tara na." Sabi niya sabay hila sa akin. Pero nang magkaroon ako ng pagkakataon na makatakas sa mga kamay niya, tumakbo ako ng super tulin as in walang lingunan.









RUSSEL'S POV

Bigla siyang nakawala sa mga kamay ko at pagkakita ko sa kanya sobrang bilis niyang tumakbo. Napangiti tuloy ako sabay iling. Sa tingin ko, ayaw niya talagang magpahatid sa akin. "Ibang klase siya." Bulong ko. Wala na akong magawa kundi ang tumayo nalang at tignan siya habang papalayo sa akin. Hindi ko siya mahahabol dahil sobrang bilis niya talagang tumakbo.







*****
Kinabukasan...

DAZU'S POV

"Ugh!" Parang ang sakit ng ulo ko. Bigla kong naalala na magkakasama nga pala kami kagabi nila Insan at Chimnie. Nang bumangon naman ako nagulat ako nang makita ko si Russel sa harapan ko kaya nalaglag ako sa kama. Damn. "Ang sakit." Daing ko.



"May hangover ka ba? Drink this." Sabi niya sabay tayo ko naman mula sa pagkakalaglag.



"Hays, ang sakit no'n, ah? Bakit ba kasi nandito ka sa kuwarto ko ng ganito ka aga?" Umupo ako sa kama at kinuha 'yong pinaiinom niya sa akin.



"Bakit ba Chimnie ang tawag mo kay Shimi?" Sa tanong niyang 'yon bigla tuloy akong napaso. Damn, ang init.
"Pambihira ka naman, Insan." Aniko.



"Curios lang ako."



"Oh, sige, dahil curious ka ito panuorin mo." Kinuha ko 'yong cell phone ko tapos pinanuod ko sa kanya 'yong video ni Chimnie.



"Siya ba 'to? Grabe, ang astig niya." Napapailing pa siya. "Teka lang, e ano namang kinalaman nitong video na 'to ro'n?"



Tss, curios nga siya. "Mga inutusan kong estudyante 'yang binugbog niya. Nangialam siya sa pinag-uutos ko dahilan para makatakas 'yong pinahahanap ko at 'di na ako nakaganti ro'n kaya ayoko sa kanya. Isa pa, nalaman kong 'yong boyfriend niya 'yong dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Claire, at galing siya sa Asia Academy. Pero hindi nga lang confirm kung siya nga talaga 'yan dahil hindi naman siya umaamin, tch!"



"Dahil do'n kaya mainit siya sa 'yo?"



"Oo. At ayoko sa kanya, naiirita ako, tch!" Nang bigla naman siyang tumawa. "Oy Insan? Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang?" Hindi kaya nasasapian na siya? Hindi man lang niya ako sinasagot. "Oy! Bakit ka ba tumatawa riyan?" Ulit ko pang tanong.



"Wala. Natatawa lang ako sa inyo." Nakahawak pa siya sa tiyan niya.



"Ewan ko sa 'yo, akala ko naman kung napaano kana." Ininom ko ulit 'yong coffee.



"Bumangon ka na riyan. May pupuntahan tayo." Bigla siyang tumayo.



"Pupuntahan? Saan naman?" Naibaba ko 'yong basong hawak ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya.



"Mag-iispiya tayo kay Shimi hangga't nandito pa ako sa Pilipinas."



"Anong sinabi mo?" Gulat ko.



"Mag-iispiya. Hays, 'wag ka nang maraming tanong—bilisan mo na at maligo ka na, hihintayin kita in ten minutes."



"Ten minutes? Hindi ko kaya kumilos ng gano'ng kabilis, Insan. Thirty minutes."



"Hindi puwede. Bilisan mo na." Hanggang sa wala na akong nagawa kakapilit niya kahit inaantok pa ako, dahil makulit talaga siya.








" Hanggang sa wala na akong nagawa kakapilit niya kahit inaantok pa ako, dahil makulit talaga siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon