CPMGP_Chapter 9

93.6K 3K 7
                                    

DAZU'S POV

Habang nagkakasiyahan ang mga Prince at nag-iinuman, ako, nandito sa comfort room at lumayo muna sa kanila pansamantala. Palihim kasi akong nakikipag-ugnayan ngayon sa mga utusan kong mga estudyante. Tinawagan ko ang isa sa kanila.



"Prince Dazu?" Aniya sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag ko.



"Gusto kong sundan n'yo 'yong apat na babaeng taga Asia Academy." Utos ko.



"Masusunod po."



Binaba ko na agad ang tawag lalo na nang makita kong papasok dito si Clifford.



"Oh, Dazu? Bakit nandito ka?" Tanong niya. Binalik ko agad ang cell phone ko sa bulsa at umiling ako.



"Wala naman." Sagot ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nagsalamin lang pala siya na akala ko gagamit ng banyo.



"Tara na! Balik na tayo ro'n." Hinatak ko siya papalabas. Nagpapapogi na naman palibhasa kasi maraming babae rito ngayon.



Magka-akbay kaming dalawa ng lumabas. Nang puntahan namin ang mga Prince nagsasayawan na sila habang may mga dalang alak. Pinalilibutan din sila ng mga babae.



Nang magtagpo ang tinginan namin ni Russel bigla ko tuloy naalala 'yong childhood memories namin. Nginitian niya ako at nilapitan. "Dazu, tara! Sayaw tayo!" Hinatak niya ako.



"Hays, ayokong sumayaw, kayo nalang!" Pagtatanggi ko. Uminom nalang ako ng alak.



Pero mukhang pagkakaisahan nila ako dahil nagtinginan sila sa isa't-isa. Sabay sabay nila akong hinatak kaya wala na akong nagawa pa. Nakijam na rin ako sa kanila kahit no'ng umpisa medyo tinatamad ako.










SHIMI'S POV

Habang nakasakay ako ng motor pauwi, parang may mga sumusunod din sa akin na mga nakamotor din.



Lima ang bilang ko sa kanila. Nang mapatingin ulit ako sa side mirror talagang nakasunod sila sa akin. Nang subukan kong magpaharurot, nagpaharurot din sila. Sino kaya itong mga 'to?



Naisipan ko silang iligaw. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko. Ilang minuto pa mukhang nagtagumpay ako. Napangisi nalang ako at binagalan ko na ang pagmamaneho. Wala naman pala silang sinabi sa akin.



Nang may mapansin ako bigla sa bandang kaliwa ko malapit sa isang iskinita dahil mukhang hindi kaaya-aya ang nagaganap do'n ngayon, minabuti kong ihinto ang motor ko at iparada ito sa isang tabi.



Ito na naman ulit ako. Hindi ko talaga mapigilang hindi tumulong sa mga ganitong pagkakataon. May isang grupo ng kalalakihan na may pinagti-trip-an na isang lalaki. Hindi ko ito matitiis.



"Na naman." Bigkas ko sa hangin. Nagtakip muna ako ng itim na panyo sa mukha ko.



Susuntukin na sana 'yong lalaki sa mukha pero bigla ko 'yong binato ng helmet ko dahilan para pagtinginan nila akong lahat.



"Hoy! Sino ka?!" Sigaw no'ng isa sa kanila. Galit na galit siya. Tinamaan ko kasi siya sa balikat niya.



"Bitawan n'yo siya!" Maangas kong pagkakasabi kaya maangas din
nila akong tinignan.



"Sino ba itong nagmamagaling na 'to?" Nakangising pagkakasabi ng isa pa sa kanila.



"Sinabi kong bitiwan n'yo siya!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinitigan ko sila ng masama isa-isa.



"Aba, mukhang may super hero ka." Sabi niya ro'n sa lalaking pinagti-trip-an nila.



May lumapit namang isa sa akin at tatanggalin niya sana 'yong itim na panyo sa mukha ko pero pinigilan ko 'yon. Piniga ko 'yong kamay niya.



"A-a-aray!" Angal niya. Lalo na nang mas piniga ko pa ito ng malakas. "B-Bitiwan mo ang kamay ko. Aaah!"



Sa ginawa ko sa isa sa kasama nila parang napaatras sila ng bahagya. Ramdam kong kinabahan sila dahil halata 'yon sa mga itsura nila. Pero may nagmatapang na isa at bigla ako nitong sinugod kaya naging alerto ako.









DAZU'S POV

Napahinto ako sa pagsasayaw nang biglang tumunog ang cell phone ko. Umupo ako sa isang sulok at tinignan ang message. Galing ito sa inutusan kong estudyante.



Pero ikinagulat ko ang mga nilalaman nito nang tignan ko. Iba't-ibang klase ng pictures ng isang babae na magaling sa pakikipaglaban ang mga nilalaman nito.



Kilala ko ang mga kilos niya—damn it 'yong babae sa video. Agad kong tinipa ang cell phone ko at tinanong ko kung nasaan sila ngayon nando'n para mapuntahan ko agad sila.



"Dazu? May problema ba?" Nang bigla akong lapitan ni Russel.



Itinago ko na muna ang cell phone ko sa bulsa ng pantalon. Kailangan kong umalis dito ngayon. Kailangan ko siyang makita. "Ha?" Wala sa wisyo kong sabi. "Ah, Insan, may nakalimutan nga pala akong gawin. Sandali lang ako. Babalik agad ako."



Tumakbo agad ako papalabas at hindi ko na siya nilingon pa.









RUSSEL'S POV

Nakatingin lang ako kay Insan Dazu ngayon habang nananakbo siya paalis. Napangiti nalang ako at napailing. "Hindi man lang niya talaga nagawang magpaalam sa mga Prince, tch, tch."









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon