CPMGP_Chapter 47

61.7K 2K 200
                                    

DAZU'S POV

Pagpasok ko sa loob ng restaurant agad kong hinanap si Claire. "Sir, kayo po ba si Mr. Dazu Kang?" Tanong ng waiter sa akin kaya napatitig ako sa kanya.



"Oo, ako nga."



"Please come with me, Sir." Kahit napapaisip ako sumunod pa rin ako sa waiter na nasa unahan ko. "Sir Dazu, nasa loob po niyan si Ms. Claire Ann Lopez. Maiwan ko na po kayo." Tumango na lang ako sa kanya tanda ng pasasalamat.



Napabuntong hininga naman ako ng nasa tapat na ako ng pinto. Ibig sabihin, nagpaprivate room pa siya para lang makipagkita sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa kaya pumasok na ako sa loob. At pagpasok ko nakita kong mag-isa lang siya. Pero oo mag-isa nga siya pero hindi ko alam kung bakit umiiyak siya.



"C-Claire..." Bigkas ko.



Nang mapalingon naman siya sa akin nakita ko ang mga luha sa mga mata niya kaya agad akong lumapit sa kanya. "A-Anong nangyari? Nasaan si Ross?"



Hindi siya sumagot kundi, umiiyak lang siya. "Sabihin mo sa akin, anong ginawa sa 'yo ni Ross??" Pagalit kong tanong pero umiling lang siya. "Then, why are you crying? Anong problema?" Bigla siyang yumakap sa akin at umiyak siya ng umiyak. "Claire, please, tell me. Bakit ka umiiyak?"



"Nagsisisi ako dahil iniwan kita." Pagkasabi niya no'n hindi ko alam kung anong pakiramdam mayroon ako ngayon. "I'm sorry Dazu kung sinaktan kita. Sana, sana hindi pa huli ang lahat sa atin." Bigla ko rin siyang niyakap ng mahigpit matapos niyang sabihin 'yon.



"Wag ka nang umiyak. Please, please Claire. I still in love with you."



"Hindi ko kasi alam kung bakit gano'n 'yong trato niya sa akin, Dazu." Si Ross ang pinupunto niya.



"Pssh, tahan na, 'wag ka nang umiyak. Kasama mo na ako ngayon, okay? Please, wag ka nang umiyak." Tumango naman siya at napangiti habang nagpupunas ng luha niya.



"S-Si Shimi, baka hanapin ka niya."



"Don't think about it."



"Umh." Tumango siya kaya pinunasan ko 'yong natitira niyang luha.



"D-dazu..." Bigla niyang bigkas kaya maamo akong napatitig sa mga mata niya.


"Hm?"



Nagulat ako ng bigla nya kong....











SHIMI'S POV

Hingal na hingal na kami ni Russel sa pakikipaglaban samantala itong mga kalaban namin kahit pagod na sila, pilit pa rin silang nag-aamok makipaglaban.



"Sinabi ko na sa inyong hindi ko kayo aatrasan!" Nanatili akong nakaamba ng suntok sa kanila.



"Ang mabuti pa, umalis na kayo!" Sigaw naman ni Russel sa kanila.



At halata namang hindi na talaga nila kaya pang lumaban. Nagpupumilit nalang talaga silang lumaban para magantihan ako. Mga nakahilata na sila sa lupa habang ang iba, nagpapahinga na. "Russel, ang mabuti pa iwan mo na ako rito."



"Tss, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi kita iiwan?"



"Itigil n'yo 'yan!!!" Napatingin naman kami nang biglang may nagsalita mula sa likuran namin. "Shimi." Bigkas niya pa sa pangalan ko habang nakakunot ang noo nito. Pero laking gulat ko ng si Daddy pala itong nasa harapan namin ngayon.



"Dalhin 'yang mga yan." Utos niya sa mga tauhan niya sabay dinampot nila 'yong mga lalaking nakalaban namin ni Russel.



"Freak. Alam ko na kung saan ako pupulutin ngayon." Nag-aalala kong sambit lalo na ng magkatitigan kami ni Daddy. Bigla akong kinabahan.










RUSSEL'S POV

Halos magpigil ako sa nararamdaman ko ngayon dahil pinaparusahan ngayon si Shimi ng Daddy niya. Napapakunot ako ng noo ko sa tuwing maririnig ko ang hagupit na 'yon.



At ang alam ko nakakatatlo ng hagupit ang Daddy niya sa kanya. Hindi ko sila nakikita dahil nasa kabilang kuwarto sila sa loob samantala ako nandito naman sa katabing kuwarto.



Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung paanong paghampas ang ginagawa sa kanya. Pero dahil sa malakas 'yon naririnig ko 'yon hanggang dito. Halos mamilipit ang mga daliri ko. Hindi na ko nagdalawang isip pa at pumasok ako bigla sa kuwarto kung saan pinaparusahan siya.



At nang makapasok ako rito ng tuluyan, dito ko nakita na hinahampas 'yong likuran niya ng parang latigo kaya halos matulala ako.



"Tama na po!" Sigaw ko nang bumalik ako sa ulirat ko kasabay ng pagyakap ko kay Shimi habang nakaluhod at nakatalikod siya dahilan para ako 'yong mahampas at sumalo ng ginagawa ng Daddy niya sa kanya.







"Tama na po!" Sigaw ko nang bumalik ako sa ulirat ko kasabay ng pagyakap ko kay Shimi habang nakaluhod at nakatalikod siya dahilan para ako 'yong mahampas at sumalo ng ginagawa ng Daddy niya sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon