CPMGP_Chapter 60

57.6K 1.8K 38
                                    

JAMAICA'S POV

Habang nag-uusap-usap kami rito bigla kaming nagulat nang may biglang nagkakagulo sa gate nitong Campus. Kaya nang marinig namin 'yon, kaagad kaming nagtakbuhan pero pagtingin namin sa likuran namin wala na si Shimi. Pero hinayaan nalang namin siya.



Pagpunta naman namin dito sa gate, nakita namin ang ilang media na nagkakagulo at gusto nilang pumasok dito sa loob ng Campus. Bahagya kaming lumapit doon para malaman ang dahilan. Nagpulong na rin ang mga ka-schoolmates namin.



"Anong mayroon?"



"Oo nga?"



"Ay, bakit ang daming reporter dito?" Pagtataka nila.



"Students! Puwede ba namin ma-interview ang isa sa inyo?"



"Totoo bang may estudyanteng Gangster dito sa Campus n'yo?"



Ito lang naman 'yong sigaw ng ilang reporter sa labas kaya nagtinginan naman kaming tatlo. Ibig sabihin tungkol 'to kay Shimi kung bakit sila naandito ngayon.




Mabilis nila kaming kinuhaan ng mga pictures habang kinakausap nila kami. Pero dahil nakasarado ang gate hindi nila kami malapitan ng husto. Nang bigla namang dumating ang ilang guard ng Campus.



"Mga estudyante, ang mabuti pa magsipasok na kayo sa loob ng mga classroom ninyo."



"Lakad na! Pumasok na kayo ro'n. 'Wag nang matigas ang ulo." Bahagya nila kaming hinawi papalayo sa gate pero nakatingin pa rim kami sa mga reporter.



"Guard! Pa-interview naman sa may-ari ng Campus!"



"Oo nga! Nandito kami para malaman ang katotohanan!" Hindi pinapansin ng mga Guard 'yong mga reporter.



"Para saan ang kaguluhan na 'to?!"



Napalingon naman kaming lahat nang marinig namin ang boses na nanggagaling sa likuran ng mga reporter. Papasok siya rito sa loob ng Campus at madami siyang bodyguard na kasama. Naghahawian naman ang mga reporter nang makita siya.



"Si. Mr. Ozu Kang." Bigkas ng isa sa mga reporter kaya lahat ng atensyon ay nasa kanya ngayon.



"O-Ozu Kang??" Sabay sabay naman naming sabing tatlo.



"W-Wag n'yong sabihing... ayan 'yong Papa ni Prince Dazu?" Gulat ko.



"Oh, my gulay, ang guwapo niya kahit may edad na." Sambit ni Alex.



"K-Kahawig siya ni Prince Dazu. Magtatay nga sila." Saad naman ni Ayesha.







DAZU'S POV

Pagkabasa na pagkabasa ko sa magazine nabitawan ko nalang ito ng kusa rito sa sofa. "Grabe! Totoo ba 'to?" Tanong ni Clifford.



"Tignan n'yo nakasuot siya ng uniform katulad sa atin." Saad naman ni Renzo.



"Siya nga. Schoolmate natin siya." Sambit naman ni Vince.



"Pansinin n'yo 'yong mga mata niya, kahawig niya 'yong babaeng nasa video na hinahunting noon ni Dazu." Napalingon sila kay Brent pagkatapos niya itong sabihin. Samantala napapaisip naman ako kung sino nagpakalat nito? Si Chimnie 'to.



Bigla akong nilapitan ni Jenrick. Tinapik niya ako sabay binulungan. "Paanong nangyari 'to?" Aniya.
Bigla naman akong napahawak sa ulo ko sabay pikit ng mariin. "Hindi ko alam, Jenrick." Mahina kong sagot.



Tatlo lang naman kasi kami nila Russel ang nakakaalam tungkol sa pagkatao nina Chimnie at ng mga kaibigan niya at hindi namin sinasabi 'yon sa mga Prince since utos na rin sa amin ng Daddy ni Chimnie.



"Prince Dazu!" Napalingon naman kaming lahat nang may tumawag sa akin sa pintuan. 'Yun palang mga estudyanteng utusan ko rito sa Campus, nandito sila ngayon sa teritoryo namin.

"Bakit? Anong ginagawa n'yo rito?" Tanong ko sa kanila.



"Y-Yung Papa n'yo po... n-nandito siya sa Campus natin ngayon."



"Hindi lang 'yon mga Prince, nagkakagulo ang mga media sa labas." Agad akong napatakbo sa labas na sinundan ng mga Prince dahil sa nalaman namin.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon