CPMGP_Chapter 75

54.3K 1.8K 39
                                    

SHIMI'S POV

Pagpasok ko rito sa loob ng I.C.U sa kuwarto niya, mag-isa lang siya at walang nagbabantay sa kanya. Pero gano'n pa rin siya. Nakahilata pa rin siya na akala mo walang buhay at hininga. Unti-unti akong lumalapit sa kanya.



"Dazu," Bigkas ko. Nakangiti ako kahit na nanggigilid ang mga luha ko. "Kailan ka ba magigising diyan? Alam mo bang hindi na ako puwedeng pumasok sa Campus n'yo? Pero ayon naman 'yong gusto mong mangyari no'ng una palang hindi ba?"



Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmamasdan ko ang mukha niya. "Kung malalaman mong aalis ako pipigilan mo ba ako? Marami akong tanong na gusto kong malaman mula sa bibig mo. Pero naiinis ako sa 'yo dahil hindi ka pa gumigising diyan." Hindi ko namamalayan na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko.



"Di ba magkaaway tayo? Mas gugustuhin ko pang gano'n nalang tayo kaysa nakahilata ka riyan. Hindi ba matapang ka? Masungit at mayabang? Bakit hindi mo ilabas 'yon ngayon, ha?"



"Gusto ko rin sanang malaman kung bakit ako ang niligtas mo at hindi si Claire? Alam mo bang no'ng araw na hinalikan mo ako may naramdaman akong kakaiba sa 'yo? Please sagutin mo naman ako, bumangon ka riyan!"



"Oo, aaminin ko no'ng una, si Russel talaga ang gusto ko. Pero ngayon, ewan ko ba kung bakit ikaw na 'yong laging nasa isip ko. Naiinis ako kasi, kasi, hindi ko sa 'yo 'yon nasabi ng harapan."



"Bakit ngayon pa?" Hindi ko na talaga napigilan. Pumatak na talaga ng kusa ang mga luha ko at pumapatak 'yon sa damit at braso niya. Naisipan ko namang hubarin ang suot kong kuwentas na ibinigay sa akin ni Mommy at Daddy no'ng bata pa lang ako. 'Yung lagi kong suot noon palang. May nakaukit na pangalan kong Shimi pero tago 'yon at 'di gano'ng makikita.



Ikinabit ko 'yon sa leeg niya. Nakangiti akong pinagmasdan 'yon habang nakasuot sa kanya. "Sana, kahit wala ako sa tabi mo Dazu, maalala mo ako sa pamamagitan niyan." Turan ko.










RUSSEL'S POV

Bigla akong napahinto sa pagpasok sa loob ng I.C.U room ni Dazu nang marinig kong may tao sa loob na tila umiiyak habang kinakausap siya. Pero ang boses na 'yon ay kay Shimi. Sumandal nalang ako sa pader at ipinikit ko ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.



Nang maramdaman kong papalabas na siya bigla akong tumalikod para hindi niya ako makita. Pero nang makita kong nakalayo na siya pinagmasdan ko lang ang likuran niya habang papalayo.








Shin Kai Park's POV (Shimi's Father)

Napatayo kami ni Kimi sa sofa nang makita namin si Shimi na bumalik na nang bahay. "Shimi, anak?" bigkas ng Mommy niya na kaagad siyang nilapitan at niyakap. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.



"Daddy," Tawag naman niya sa akin kaya nilapitan ko siya. "Puwede na po tayong umalis." Matapos niyang sabihin 'yon tumango ako at napangiti.



Sa tingin ko, natauhan siya nang sabihin ko ang dahilan kanina sa text kung bakit kinakailangan naming umalis dito sa Pilipinas.



"Salamat anak at naiintindihan mo ang sitwasyon natin. Tandaan mo palagi, our family are Gangster. YOU, are a Gangster. Hindi dapat malaman ng kahit sino ang tungkol sa pagkatao mo. F.O.L is one of the biggest Gang in the world na pinagtatangkaang agawin ng kahit sino. Your life is always in danger. You will be the F.O.L Great Founder when the day comes."



"Naiintindihan ko po, Daddy."



"Okay," Tumango ulit ako at niyakap silang mag-ina. "Umalis na tayo."








SHIMI'S POV

Habang papalabas kami ng bahay nila Mommy at Daddy hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Kinuha ni Daddy ang cell phone ko kaya mas minabuti kong issurender nalang din sa kanya 'to.



Pinagbuksan ako ni Daddy ng kotse kaya pumasok na ako rito sa loob. Habang nandito naman ako nakayuko lang ako at 'di ko maiwasang hindi mapa-isip. Lalo na ng umandar na unti-unti ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa bintana habang iniisip ang mukha ni Dazu sa kawalan.



Sana mapatawad mo ako. Sana patawarin mo ako kung iiwanan kita pagkatapos ng ginawa mong pagliligtas sa buhay ko. Sana maintindihan mong hindi ko hawak ang buhay ko. Ayokong iwan ka pero wala akong magagawa kundi sundin kung anong kapalaran mayroon ako. I'm a Gangster and you are a Prince.



Sana balang araw magkita pa tayo. Gusto kitang mapasalamatan dahil sa ginawa mong pagligtas sa akin. Pero ang mas gusto kong malaman ay kung gusto mo rin ba ako. Patuloy akong aasa na isang araw magkikita pa tayo...



(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon