CPMGP_Chapter 65

56.5K 1.9K 21
                                    

SHIMI'S POV

Hindi ko alam kung bakit bigla akong niyakap ni Dazu pero nang marinig ko ang isang malakas na paghampas sa kanya, dito ko nalaman na ginawa niya 'yon para hindi ako 'yong masaktan.



Nagkatitigan muna kami habang gulat pa rin ako sa pangyayari. "Dazu!!!" Narinig ko namang sigaw ng mga Prince sabay bigla siyang natumba.



"Dazu?! Dazu?!" Nilapitan kami ng mga Prince at ng mga best friend ko pero hindi na rin kinaya ng katawan ko, sabay sabay na ring pumikit ang mga mata ko.










RUSSEL'S POV

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Dapat ako ang gumawa no'n para kay Shimi at hindi si Dazu. Bumalik lahat sa isipan ko 'yong araw na sinalo ko 'yong parusa ng Daddy niya sa kanya.



At kung paano ko no'n niligtas si Shimi, gano'n din ang itsura nila ni Dazu ngayon kung paano niya siya niligtas.




Nakita kong ginigising nila si Dazu dahil nawalan ito ng malay gano'n din si Shimi. "Dazu! Shimi!" Sigaw nila. Samantala tatakas na sana ang grupo nila Ross pero bigla silang hinarangan ng mga kaibigan ni Shimi.



"Hindi namin kayo mapapatawad sa ginawa n'yo sa kanila." Maangas na bigkas ni Alex sabay pinalibutan nila ang lima.



"Hindi naman ako makakapayag na kayo lang ang lalaban sa kanila." Sabi naman ni Kazu.



At pumwesto na rin sila Brent at Clifford habang sila Jenrick, Vince at Renzo, inalalayan naman nila sina Shimi at Dazu. Lumapit ako kay Shimi at nakitulong na rin sa paglabas sa kanila rito sa lugar. "Dalhin na natin sila sa hospital." Nag-aalalang sabi ni Jenrick kaya tumango kaming lahat.









ALEX'S POV

Nagkatinginan na muna kaming tatlo nila Jamaica at Ayesha—tingin na alam na kung anong dapat gawin sa mga gung-gong na 'to. Alam naming kinakabahan na ang grupo ngayon ni Ross dahil bakas 'yon sa mga itsura nila ngayon pero—lalaban pa rin sila dahil nakaamba rin sila ng suntok sa amin.



"Kung Gangster si Shimi, malamang gano'n din kayo." Hayag ni Ross.



"Gangster???" Gulat naman na sabi nina Prince Kazu, Clifford at Brent dahil wala nga pala silang alam tungkol sa pagkatao namin.



"'Wag nang maraming dada, simulan na natin." Sabi naman ni Ayesha.



"Pagbabayaran n'yo 'yong ginawa n'yo kay Shimi!" Sigaw ni Jamaica sabay lapit kay Calvin at inunahan ito ng suntok.



Sumugod na rin ako at sinipa ko si Erick sabay mabilis na sinuntok si Ross dahilan para mapatumba sila. "Yaaa!!!" Sumugod naman si Ayesha kila Jayson at Barron. Binigyan niya ito ng tig-iisang suntok sabay pinalipit ang mga braso pero lumalaban pa rin sila.



Samantala itong mga Prince mukhang natulala sila sa nalaman nila. Habang nakikipagbasag ulo kami sa mga gung-gong na 'to bigla na rin silang nakisali sa amin nang bumalik sila sa pagkatao nila. Halos pagpawisan sila at mapagod sa ginawa namin.



"LUMABAN PA KAYO!" Sigaw ko sabay lundag at sipa kila Jayson at Calvin.



Kumuha naman ng bat si Ross para ihampas kay Ayesha pero sinalag 'yon ni Prince Kazu. Napatigil kaming lahat at nakatingin sa kanila. "Kazu, nagdudugo ang braso mo!" Nag-aalalang sabi ni Clifford. Umaagos ito pababa sa sahig.



Napatingin naman si Ayesha kay Ross at mabilis nitong nakuha ang bat sabay binawian niya ito. Hinampas niya sa binti sabay kalahig ng pako dahilan para mapaluhod ito at maduguan, kasunod nito ang malakas na pagsigaw niya dahil sa sakit na ininda.



Napakunot naman ang noo ko sabay sinugod ko ulit sila para matapos na ang laban. Pinagtulungan naming tatlo sina Calvin, Erick, Barron at Jayson habang may sugat na si Ross at hindi na makalaban pa.



"Alex!!!" Sigaw sa akin ni Jamaica sabay hagis niya ng panghampas sa akin.



Inangat ko ang dalawa kong braso habang hawak ang upuan at inihampas ko 'yon kay Calvin. At mabilis ko naman nasipa ng malakas si Barron dahilan para matumba sila.



Ilang minuto pa mga nakahilata na silang apat. Oo, natalo namin sila habang si Ross 'di na makalakad pa. "Tss, wala naman pala kayong sinabi." May pagngising sabi ni Jamaica sabay tapon namin sa bat.



Pero dahil mabait naman kami pinakawalan na namin si Claire sa pagkakagapos sa kanya. "S-Salamat." Aniya pero hinayaan lang namin siya at hindi na pinansin pa.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon