CPMGP_Chapter 28

73.3K 2.5K 41
                                    

"Shimi!!!"



Nagulat ako nang mas marami na lalo 'yong lumapit sa aking mga estudyante ngayon at pinagkakaguluhan nila ako.



"T-Teka! Ano ba talagang mayroon ngayong araw?" Bigkas ko sa hangin.



"Shimi, gusto mo bang kumain tayo sa labas?"



"Iinvite kita sa birthday ko bukas, Shimi."



"Gusto mo bang magpaparlor tayo ngayon, ha, Shimi?"



Ano bang nakain nitong mga'to?



"Ayan na 'yong mga Prince!!!" Nakaisip ako ng palusot kaya nagtinginan naman sila sa likuran nila dahilan para mawala 'yong atensyon nila sa akin kaya tumakbo na ako ng mabilis.



"Tumatakas si Shimi!!" Sigawan nila.



Nang lingunin ko ulit sila, dinaig ko pa yata 'yong celebrity na hinahabol ng mga paparazzi. At paglingon ko naman sa harapan ko bigla lang naman akong nauntog sa dibdib ng isang lalaki kaya napaupo ako. Pagkatingin ko kung sino si Prince Dazu pala. In fairness ang bango bango niya.



"Bakit ba ang hilig mong tumakbo? Tch! Halika sumama ka sa akin." Bigla niya akong hinila na siya kong kinagulat.



"T-Teka? Saan mo ako dadalhin?"



"Mamaya na ako magpapaliwanag basta sumama ka sa akin."



"O-Okay."



Pagdating namin sa likuran ng Campus nagtataka ko siyang tinignan. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.



"Kaya ka nila hinahabol dahil dito." May pinakita siyang picture sa akin.



"T-Teka! Ayan 'yong magkakasama tayo kahapon, ah?"



Yun 'yong hinatid ko silang tatlo kahapon sa sakayan. Pero ang nakakapagtaka lang bakit kami lang ni Prince Dazu ang nasa picture e apat kami ro'n nina Russel at Jenrick.



"Chimnie..." Sabi niya sabay tingin sa kawalan. "Ituloy na natin 'yong pagpapanggap natin."



NANG matapos ang usapan namin ni Prince Dazu nandito na ako ngayon sa Canteen at kasama ko na 'tong tatlo. "Nakakakilig naman 'tong picture na 'to, totoo ba 'to?" Kinikilig na sabi ni Ayesha.



"Naniniwala na talaga ko sa kasabihang the more you hate the more you love kyaaah~" saad naman ni Jamaica.



"Sabi na nga ba bagay sila ni Prince Dazu!" Kantsaw ni Alex. At tuwang-tuwa silang tatlo sa nakikita nila ngayon pero bigla akong tumayo.



"Oh, saan ka naman pupunta?" Puna nila.



"CR lang." Tuluyan ko na silang iniwanan.



Nang nandito na ako sa CR binabati pa rin ako ng lahat ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. Artista lang ang peg? Geez. Kung alam lang nila 'yong ugali no'ng hinahangaan nilang si Prince Dazu nila, tss.



Pagkatapos kong magcr, paglabas ko, nagulat ako nang makita ko si Russel na nandito. Wow, ha? Mukhang nagiging hobbies na niya yata 'yong pagpunta rito sa campus, dahil kaya 'yon sa akin? Na-iilusyon na naman ako.



"Yow!" Bati niya.



Nagkayayaan kaming dito nalang sa rooftop mag-usap. "Ano nang balita Gangster Princess?" Sabi niya. Pero 'di ko alam kung kantsaw ba niya sa akin 'yon o ano. Pero parang oo nga dahil ngumiti siya. Nakakaimbiyerna 'yong mga ngiti niya parang makakapantunaw ng diamond.



"Nagkita na ba kayo ni Dazu?" Aniya. Pero parang mas gusto ko nalang titigan 'yong mukha niya kaysa sagutin 'yong tinatanong niya.



"Oo, nagkita na kami." Bigla akong napalihis ng tingin.



"Kung gano'n, sinabi na ba niya sa 'yo 'yong plano niya?" Tumango lang ako. "Pumayag ka?" Tanong pa niya.



"Russel?" Bigla kaming napalingon ni Russel nang biglang may tumawag sa kanya.



"Dazu," Sambit naman ni Russel.



"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ulit ni Dazu habang papalapit sa amin.






(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon