CPMGP_Chapter 68

55.7K 1.8K 21
                                    

Shin Kai Park's POV (Shimi's Father)

Iniwan na muna namin si Shimi sa kuwarto at sumunod kami sa I.C.U kung saan ma-co-confine si Dazu. Nakitaan kasi siya ng injure sa right side ng likod niya at wala siyang malay.



Samantala ang anak ko, hindi siya napuruhan o kung ano mang malalang galos kaya makakalabas siya ng hospital. Pero ipagpapabukas na namin 'yon para makapagpahinga siya rito.



Pagpunta namin dito sa I.C.U naabutan naming umiiyak ang Mama ni Dazu at problemado naman ang Papa niya. Nilapitan namin sila ni Kimi dahilan para kausapin nila kami. Nandito kami ngayon sa isang kuwarto at magkakatapat kaming apat.



"What did you say? Your daughter is a Gangster? You mean your family are Gangster?" Nagulat ang Papa ni Dazu sa pag-amin ko. Tumango naman ako habang nakaharap pa rin sa kanila.




"Totoo nga ang kumakalat na balita." Bigkas naman ni Crystal.



"Don't worry, policy is a policy at susundin namin 'yon dahil kayo ang nagmamay-ari ng Campus na pinapasukan ng anak namin." Napapaisip sila at napapailing dahil sa mga nalalaman nila.



"As soon as possible i-ta-transfer namin ang anak ko sa ibang Campus. About your Son, 'wag kayong mag-alala, kami nang bahala sa mga gumawa nito sa kanila at sisiguraduhin naming hindi na mauulit pa ang nangyari." Tumango ang Papa ni Dazu matapos ko iyong sabihin sa kanilang mag-asawa.



"Okay, ipapawalang bahala namin ang lahat ng nangyari. Basta gawin mo lang 'yong sinasabi mo."



"Pinapangako ko 'yan." Mabilis kong sagot.



"One more thing..." Aniya kaya seryoso kaming nagkatitigang dalawa.


"Okay, ano 'yon?" Magkatapat na kaming dalawa ngayon.









SHIMI'S POV

Unti-unti akong nagigising at tinignan ko ang buong paligid. "Shimi, anak? Gising ka na." Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Mommy do'n.



"Anak, ayos ka lang ba, ha?" Napalingon naman ako sa kaliwa ko at boses naman 'yon ni Daddy.
Mga isang minuto bago ako bumalik sa tamang pag-iisip ko.



"Si Dazu po?" Ayan 'yong una kong binigkas at tinanong pagkabangon ko. "Nasaan po si Dazu? Ayos lang po ba siya? Daddy? Mommy?"



Hindi sila sumasagot sa tanong ko kundi biglang sumingit si Russel sa usapan na akala ko wala siya rito. "Shimi, huminahon ka lang. Nasa kabilang kuwarto lang si Dazu. Ang mabuti pa magpahinga ka na para mapuntahan mo na siya ro'n bukas."



Pagkasabi no'n ni Russel bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko dahil alam kung okay siya. Okay si Dazu. Tumango nalang ako at humiga na ulit.



NAKANGITI ako ngayon dahil lalabas na ako ng hospital. Kasama ko ngayon sina Ayesha, Jamaica at Alex. Pero hindi ko inaasahang makita ko ang isang nurse na may dalang notebook at nakasulat do'n ang pangalang Dazu Kang at pasyente siya sa I.C.U room.
Naka wheelchair akong ilalabas nila pero pinahinto ko 'yon. "Sandali lang."



"Ha? Bakit Shimi?" Tanong ni Alex.



"Hindi ba't bibisitahin natin ngayong araw si Prince Dazu?" Nagtanong ako sa kanila pero hindi sila kaagad nakakibo. Nagkatinginan pa nga silang tatlo. "Puwede ba natin siyang puntahan ngayon?" Ulit ko pa.



"H-Ha? Nako Shimi, mukhang mag-gagabi na. Kailangan na nating umuwi, bukas nalang natin bisitahin si Prince Dazu."



"Tama si Alex, malay mo nagpapahinga na 'yon ngayon. Wrong timing tayo sa pagbisita, haha!"



"O siya, tara na. Babalik naman tayo dito bukas." Sabi naman ni Ayesha.



Habang nakasakay ako sa wheelchair at papalayo kami, sinusundan ko lang ng tingin kung saan pupunta 'yong nurse pero bigla na kaming lumiko kaya hindi ko na siya nakita pa.



Pinalampas ko nalang ang gabi na 'to, dahil sabi nila babalik kami rito bukas. Gusto ko na siyang makita. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang malaman kong bukas ko pa siya puwedeng makita.





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon