CPMGP_Chapter 81

55.8K 1.7K 15
                                    

RUSSEL'S POV

I sighed. This is my last day here sa Philippines. Tumingin muna ako sa kapaligiran bago pumasok ng kotse. May party kaming gaganapin ng mga Prince mamaya kaya naghahanda na sila ngayon at papunta na ako ro'n ngayon.



Pero papasok na sana ako ng kotse nang bigla kong makita si Dazu na nasa gate at papasok dito.



"Uy Insan, saan ka galing?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. "Hay! Ayan ka na naman, ang seryoso mo ah? Bilog ba ang buwan?" Kantsaw ko sa kanya pero nakatungo lang siya.



Nilapitan ko siya. "Dazu? Okay ka lang?" Hindi ulit siya sumagot, kundi kinuha niya ang cell phone niya saka may tinawagan siya. Pero laking gulat ko nang number ni Shimi 'yong tinatawagan niya kaya tumunog ang cell phone ko. Nagkatinginan kaming dalawa at halos gulat 'yong naging reaksyon niya maging ako.



Pero kinuha ko ang cell phone ko at nagkunwaring may ibang tumatawag sa akin. Hindi ako gano'ng nagpahalata. "Tss, si Trisha tumatawag." Ngumiti pa ako pero bigla niyang hinablot 'yong cell phone ko. "Dazu!" Sinubukan ko pa siyang pigilan pero huli na ang lahat.



Nakita niya na magkapareho 'yong number ni Shimi at ang nasa screen ng cell phone ko. S*** lang dahil naging kampante ako. Akala ko hindi niya mahahalata na nagpapanggap ako bilang si Shimi sa pakikipagpalitan ko sa kanya ng mga text message pero nagkamali ako.



"A-Anong ibig sabihin nito?" Na tanong niya bigla kaya kinabahan ako.



"Ah, D-Dazu kasi..."



Biglang napakunot 'yong noo niya. "Hanggang kailan n'yo balak ilihim sa akin 'to?"



"S-Sasabihin naman sana namin sa—"



Hindi na niya pinatapos pa 'yong sasabihin ko dahil bigla nalang siyang tumakbo papalabas at naiwan ako ritong balisa kaya naisipan kong tawagan si Jenrick. Pero hindi niya ako sinasagot. "Damn!" Sambit ko.







JENRICK'S POV

Naghahanda kami ngayon para sa farewell party ni Russel dahil last day na niya ngayon dito sa Pilipinas at babalik na ulit siya sa Paris.



Nang bigla kaming mapatigil ng mga Prince sa ginagawa namin dahil parang may naririnig kaming naghihiyawan at ingay na kung ano sa labas.



Nagkatinginan muna kaming lahat saka kami lumabas para tignan kung anong mayroon, pero paglabas namin, nagulat kami nang pinagsususuntok ni Dazu 'yong mga estudyanteng lalaki na makita niya at hinahawi naman niya ang mga babaeng nakakasalubong niya.



"Ano bang ginagawa niya?" Gulat na bigkas ni Vince.



"Umalis na tayo rito!!!" Nagsisigawan ang mga ka-schoolmates namin.



"Tama na Prince Dazu!" Pagmamakaawa ng lalaking nasa harapan niya.



Halos mabigla kami dahil sa nakikita namin ngayon, at kahit na may benda pa siya sa kanan niyang braso nagagawa pa rin niya ang bagay na 'yon. "Kuya! Tama na!" Sigaw ni Kazu.



"Dazu!" Sambit naman ni Renzo.



"Dazu, ano ba? Tama na 'yan!" Sigaw ko naman. Nilapitan namin siya at pinigilan sa pagwawala niya.



"Bitiwan n'yo ako!!!" Pagpupumiglas niya.



"Kuya! Ano bang nangyayari sa 'yo? Ha?!"









ALEX'S POV

Tila may naririnig kaming nagkakagulo sa labas sa hallways ng Campus kaya nagmadali kaming pumunta rito. Pero pagpunta namin dito, nakita namin si Prince Dazu na pinagti-trip-an niya ang ilang mga ka-schoolmate namin at binubugbog niya ang mga 'to.



"A-Anong nangyari sa kanya?" —Jamaica.



"Hala! Bakit niya ginagawa 'yon?" Pagtataka ko. Nakita naming nananakbo ang mga Prince papalapit sa kanya para pigilan siya sa ginagawa niya.



"Bitiwan n'yo ako!!!" Nagpupumiglas siya.



"Kuya! Ano bang nangyayari sa 'yo? Ha?!" Hinarap siya ni Prince Kazu. Hinihintay namin kung anong sasabihin niya dahil galit na galit talaga siya.



"Sabihin n'yo sa akin, hanggang kailan n'yo ako balak lokohin?!" Halos manlisik 'yong mga mata niya sa galit.



"Ano bang ibig mong sabihin ha Dazu?" Tanong ni Prince Jenrick sa kanya.



"Si Shimi, nasaan siya???"



Matapos niya 'yong tanungin halos lahat ng mga Prince at kami ay gulat na gulat dahil sa tinanong niya. "I-Ibig sabihin alam na niya?" Ani Ayesha.



"Paano niya kaya nalaman? Magagalit talaga siya." Singit naman ni Jamaica.



Kahit na nandito kami sa malayo at nakatanaw lang sa kanila, ramdam namin na isa rin kami sa may gawa no'ng pagsisinungaling na 'yon. "Hala! Papalapit siya rito." Ani Ayesha.



"P-Patay! Panigurado magagalit siya sa atin." Bigkas ko. Gusto ko nang himatayin. Baka kung anong gawin niya sa amin.



Hinahabol siya ng mga Prince. Bahagya kaming napaatras habang papalapit siya sa kinatatayuan namin ngayon. Hindi namin kayang salubungin 'yong galit niya kahit mga Gangster pa kami. "Kayong tatlo!" Aniya.



"Dazu! Sandali, wala silang kasalanan dito." Pigil ni Prince Jenrick pero dahil matigas nga siya, tuloy tuloy pa rin siya sa paglapit sa amin.



"Ano ba?! Bitiwan n'yo nga ako!" Bulyaw niya sa mga Prince. At ngayon nasa harapan na namin siya.



"Nasaan si Shimi?! Bakit hindi n'yo sa akin sinabi ang totoo?!" Isa-isa niya kaming tinignan ng masama.



"K-kasi..."



"Kasi Prince Dazu..."



"S-Sorry, sana mapatawad mo kami kung hindi namin sinabi sa 'yo ang totoo." Sabi ko nang nakapikit.



"So, alam n'yong lahat ang tungkol dito at pinagkasihan n'yo ako?!"



"Dazu!" Napatingin lahat kami kay Russel na kararating lang. "Akong may kasalanan ng lahat. 'Wag mo silang idamay dit—" Pero nagulat kami nang biglang suntukin ni Prince Dazu si Russel kaya agad siyang inalalayan ng mga Prince.



"Hindi ko kayo mapapatawad." Mariin niyang sabi sabay alis kaya nag-aalala kaming nagkatinginang lahat.




(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon