CPMGP_Chapter 34

69.7K 2.4K 32
                                    

DAZU'S POV

May gusto ba siya kay Insan Russel? Hindi sila bagay. Kinuha niya lahat ng pagkain na nasa harapan ko tapos nilipat niya 'to sa tapat ni Russel. Pambihira. Aalukin niya akong kainin ko lahat ng gusto ko pero no'ng dumating si Insan inalisan niya ako ng makakain.



"Pahingi ako niyan, gusto ko 'yan." Tumayo ako para kuhain 'yong nagustuhan ko pero tinapik niya ako.



"Ah!" Daing ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.



"Kanina ka pa kumakain. Baka puwedeng kay Russel naman 'to." Aniya.



"Grabe ka! Hindi pa kaya ako nabubusog!" Bulyaw ko.



"Ikaw ang grabe riyan. Ang takaw mo!"










SHIMI'S POV

"Ikaw ang grabe riyan. Ang takaw mo!" Sabi ko.



"'Wag na kayong mag-away, hindi ko naman lahat 'to mauubos." Tumahimik nalang ako nang sabihin 'yon ni Russel.



Nakakainis si Dazu. Bigla niya akong binelatan ng palihim pero hindi niya alam na nilagyan ko naman ng maraming hotchili 'yong pagkain niya. Patuloy siyang kumakain nang bigla siyang mapatayo.



"Aaah! Ang anghang! T-Tubig!" Tumalon-talon pa siya habang hindi maipinta 'yong mukha niya—habang ako tinawanan ko siya. Samantala si Russel nakatingin lang sa amin pero dahil mabait si Russel siya mismo ang nagbigay ng tubig kay Dazu na agad naman niyang nilaklak.



At matapos niyang uminom ng tubig nakatingin siya sa akin ng masama. "Humanda ka sa akin sa Campus!" Pagbabanta niya. Halos mamula 'yong buong mukha niya.



"Matakaw ka kasi." Bulong ko at halata ang pagkainis sa mukha niya.



"Wala na akong gana kumain!" Sigaw niya sabay talikod at nagmamadali siyang umalis.



"Wish ko lang mahanap mo 'yong kuwarto mo kanina!" Pahabol ko pa.



"Hindi pa ako matanda!!!" Sigaw niya. Natawa ako nang marinig ko 'yon.



"Hay, ang sarap niya talagang galitin." Sambit ko. Nang mapatingin naman ako kay Russel nakatitig pala siya sa akin. "May dumi aba ko sa mukha?" Tanong ko.



"Ha? Wala. Ngayon lang kasi kita nakitang tumawa." Sabi niya nang nakangiti kaya pinagmulahan ako.



"Gano'n ba?"



"Umh." Tumango agad siya.



"Siya, kain ka na. Masarap 'yan~" Habang kumakain siya nakatingin lang ako sa kanya dahil ang sarap niyang pagmasdan.



"Ikaw? 'Di ka kakain?" Napansin niya siguro ako.



"Hindi na. Makita lang kita busog na ako." Wala sa sarili kong sabi. Pero nang mapatitig siya sa akin agad akong bumalik sa pagkatao ko. Tingin ko narinig niya 'yong sinabi ko. "Ah, wala, busog na kasi ako." Mahinhin akong tumawa sa harapan niya. Tumango naman siya.



"By the way, anong nangyari kay Dazu kanina? Bakit parang may sugat siya sa ulo?"



"Ayon, sumugod mag-isa sa Asia Academy kakahabol sa Claire na 'yon. Mabuti nalang at nagkataong nando'n din ako at natulungan ko siya."



"Tss, hindi pa rin talaga nagbabago si Dazu."



"Anong ibig mong sabihin?"



"Stick to one lang siya, kapag may gusto siyang isang babae doon nalang siya nakatuon at wala na sa iba."



Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko sukat akalaing gano'n palang magmahal 'yong Azu na 'yon. Di na rin ako magtataka dahil kung isiksik niya nga 'yong sarili niya kay Claire hahamakin niya ang lahat.



"Poor kiddo." Bigkas ko.



"Ha? Sino?" Biglang tanong ni Russel.



"'Yung pinsan mo." Sagot ko. Tapos bigla siyang tumawa.




"Tignan mo kasi, ah? Bakit kailangan niyang ipagsiksikan 'yong sarili niya ro'n kay Claire? Tutal madaming nagkakagusto sa kanya at pinagmamalaki niya 'yon kanina, e 'di maggirlfriend siya ng iba 'di ba?"



"Sinasabi mo ba 'yan kasi galit ka ro'n sa Claire?" Natahimik ako sa sinabi niya. Nakakahurt siya ng feelings.



"H-Hindi naman."



"Di ba sabi nila, kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo?"



"Pero hanggang kailan?"



"Hindi mo na ba mahal si Ross?" Nagulat ako sa itinanong niya.



"Ahm, puwede bang 'wag na natin silang pag-usapan?"



Tumango siya. "I'm sorry."



Bahagya akong ngumiti. "Ayos lang."





(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Where stories live. Discover now