CPMGP_Chapter 27

72.9K 2.5K 60
                                    

DAZU'S POV

"Maiba naman tayo ng usapan. Handa ka bang mamatay kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Shimi? She's a gangster and were Family are Gangsters."



Ako? Handang mamatay para sa Chimnie na 'yan? Hinahunting ko pa nga 'yan e. Bigla akong siniko nung dalawa kaya bahagya akong napahawak sa tiyan ko. Nakakarami na talaga 'tong dalawa sa akin. Awkward ulit akong ngumiti sa Daddy ni Chimnie.



"Siyempre naman po." Sagot ko tapos bigla akong tinitigan no'ng dalawa. Parang may sinasabi silang hindi ko maintindihan.



"'Wag po kayong mag-alala kay Shimi. Iniingatan po siya ni Dazu kapag nasa Campus po." Hayag ni Jenrick nang bigla ulit nabulunan si Chimnie kaya pinainom ulit siya ng tubig.



"Okay na po Mommy, 'wag n'yo po akong alalahanin." Aniya kaya balik ulit kami sa pag-uusap ng Daddy niya.



"Hmm, maganda kung gano'n, so, hindi ko na pala aalalahanin ang anak ko."



"S-Siyempre po 'wag n'yo po siyang alalahanin. Ako pong bahala sa kanya." Patay siya sa akin kapag may pagkakataon.



"Mabuti kung gano'n, dahil kapag mayroong nangyaring hindi maganda sa kanya, alam n'yo nang mangyayari sa taong 'yon."



"SALVAGE!" sabay sabay namang sabi nung mga katabi naming gangster.



Salvage agad? Damn it.



"Dad, naman." Saway ni Chimnie.



"Nagbibiro lang kami anak, haha!"



Biro lang sa kanya 'yon? S***! Nagtawanan pa sila.



"Nga pala, ipangako n'yo sa aking pananatilihin ninyong lihim ang lahat ng nalalaman n'yo tungkol sa pamilya ko. Lalo na sa pagkatao ng anak ko. Magagawa n'yo ba 'yong tatlo? Dazu?"



"Opo." Sagot agad ni Jenrick.



"Makakaasa po kayo." Sagot naman ni Russel.



"S-Siyempre naman po." Turan ko naman.



"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Nga pala, Dazu..."



Napalingon na naman ako sa kanya dahil muli na naman yata siyang may sasabihin. Wala bang katapusan ang mga tanong niya?



"Puwede ko bang malaman kung anong property mayroon ang angkan ninyo?"



"O-Okay po." Napabuga ako ng hininga. Akala ko kasi kong ano na naman ang itatanong niya e.



"Kami po 'yong may-ari ng pinakamalalaking limang kompanya rito sa bansa natin. Mayroon din po kaming five hundred twenty big Malls, one thousands exclusive Hotels, one hundred Resorts at malalaking sampung planta sa Korea at Paris. At 'yong Campus po na pinapasukan namin ngayon 'yong Kang Academy, kami rin po ang nagmamay-ari no'n. Pero lahat po ng 'yan ay kay Papa pa lang—wala pa po 'yong kay Mama."



"No need, that's enough, Ijo. At least, alam kong mayroong future sa 'yo ang anak ko."



"Yes po."



"Then, pasado ka na sa akin. Hindi ko lang alam dito sa anak ko. Pagbutihan mo ang mga lines mo para sagutin ka, haha! I'll give you three weeks for this."



"Sure po."



"One more thing Dazu, magiging deretso ako sa 'yo ngayon, once na nakita kong sinaktan mo ang anak ko, alam mo nang mangyayari sa 'yo. Nagkakaintindihan ba tayo?"



Nakikipagkamay siya sa akin ngayon. Pero hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Paano 'yon e kaaway ko kaya ang anak niya. Isa pa, wala namang katotohanan ang lahat ng nangyayari ngayon, tch.



Nang bigla akong tapikin nina Russel at Jenrick kaya bumalik ako sa ulirat ko. "Opo, makakaasa po kayo." Pero hindi ko alam kung bakit bigla naman akong nakipagdeal sa Daddy niya.



"Goodluck, Ijo." Tinapik-tapik niya ako sa balikat ko kaya napatitig nalang ako sa kanya. "Mauuna na kami anak. Kayong tatlo, mag-iingat kayo sa pag-uwi." Tumango nalang kami. Goodluck po talaga sa akin.



Kinagabihan...



Nandito lang ako ngayon sa kuwarto ko at nakahiga sa kama ko. Napapaisip tuloy ako sa mga pangyayari ngayong araw. Bago kasi kami maghiwalay ni Chimnie kanina, napapaisip din siya kung paano namin ipagpapatuloy ang kasinungalingang nangyari kanina sa family niya.



"Hays, ano ba 'tong napasok ko?" Wala sa sarili kong sabi sabay pikit ng mga mata. Pero biglang may pumasok sa isip ko kaya napatitig ako sa kisame sabay ngisi.








*****

Kinabukasan...

SHIMI'S POV

Nang papasok ako ng gate rito sa Campus hindi ko alam kung bakit parang pinagtitinginan ako ng lahat ng mga estudyante ngayon rito. Ano kayang problema nitong mga 'to?



Kinuha ko 'yong cell phone ko para tawagan sina Ayesha, Jamaica at Alex pero hindi sila sumasagot sa call ko kaya binaba ko na ulit 'yong phone ko.



Nagte-text nalang ako ngayon habang naglalakad at 'di pinapansin 'yong mga estudyante. Pinaalam ko sa tatlo na nandito na ako ngayon sa Campus.



"Hi, Shimi!" Nang biglang may bumati sa aking mga estudyante na nakaupo sa bench kaya nagtataka lang akong tumingin sa kanila.



Ano bang mayroon ngayon? Habang patuloy akong naglalakad pinagtitinginan pa rin nila ako. "Hi, Shimi!" Hanggang sa may mga lumapit na sa akin at pinalibutan na nila ako.



"Shimi! Ang ganda ganda mo talaga." Parang mga ewan 'tong mga 'to. Alam ko namang maganda na ko noon pa, tss.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon