CPMGP_Chapter 11

87K 3.1K 52
                                    

"Takbo! Bilisan n'yo!" Sigaw ni Alex.



Nang lingunin ko ang mga estudyanteng humahabol sa amin napakadami pala talaga nila.



"Freak!" Turan ko. Hindi naman namin sila puwedeng kalabanin dahil hindi namin puwedeng ipaalam ang totoo naming pagkatao. Isa pa, baka kapag nalaman 'to nila Dad mapalipat na naman ako ng ibang school at 'yon ang hindi na puwedeng mangyari.



Nang biglang naglaho 'yong tatlo sa tabi ko kaya natigil ako. "Asan na 'yong mga 'yon?" Tinignan ko sila sa paligid. What the heck! Magkakatabi lang kami kanina.



"HABULIN SILA!!"



"S***!" Wala na akong nagawa pa kundi ang tumakbo ulit. Alangan namang hayaan kong pagtulungan ako ng mga 'yon. Nang biglang may humablot sa akin at tinakpan niya ang bibig ko. Shocks! Sino 'to?



"Dito ka muna. Sigurado akong hindi ka nila makikita rito." Sabi niya kaya agad ko siyang nilingon. Pero bigla akong nagulat. Nanlaki pa nga ang mga mata ko. "Ha? Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.



Mabilis naman akong umiling. Napakaganda ng boses niya. Aminin ko na ring napakagandang lalaki niya at imported. Pero hindi ako makapaniwala—pinsan siya nina Prince Dazu e, si Russel.



Ang guwapo pala niya sa malapitan. As in tama sina Alex! Makalaglag panga! Ang hirap tuloy tumitig sa mga mata niya. Nilihis ko ang tingin sa kanya. "Ah, sino ka?" 'Yon nalang 'yong nabanggit ko. Kunyari hindi ko siya kilala.



"Ha? Hindi mo ba ako nakikilala?"



Binalikan ko ulit siya ng tingin na Bakit? Kilala ba kita?



Bigla siyang tumawa. "Alam kong nakita mo rin ako kahapon. Kayo ng mga kaibigan mo 'yong nakamasid sa mga Prince kahapon, am I right?"



Napaisip ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, nakilala pala niya ako at nakita niya nga kami kahapon. "Ha?" sinubukan kong magkunyari na wala akong nalalaman sa sinasabi niya.



"Never mind." Aniya at muli siyang tumawa. "By the way..." Nilapit niya 'yong mukha niya sa mukha ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.



Putspa! Ano bang gagawin niya? Napapikit tuloy ako. Naramdaman kong may kinuha siya sa labi ko kaya napadilat ako.



"Asukal?" Bigkas niya.



"Ha?" Sambit ko naman.



"Bakit may asukal ka sa labi mo?" Tanong niya.



Napaisip naman ako."Ah! Kumain kasi ako ng Potchi, e." Napalihis ako ng tingin.



"Potchi???"



Hala! Potchi lang hindi pa alam? Imported siguro mga candies na alam nito.



"By the way I'm Russel! Russel Kang Montero. Pinsan ko sina Dazu at Kazu. Nice to meet you, Miss—?" Nakikipagkamay siya sa akin.



"Shimi Park." Nakipagkamay na rin ako sa kanya.



Hindi ko alam kung bakit parang kinikilig ako ng palihim habang nakikipag-usap sa kanya. Kaya lang biglang may tumawag sa kanya sa cell phone kaya sinagot niya 'yon. Naudlot tuloy 'yong pag-uusap namin. Palihim ko lang siyang tinitignan ngayon.



"Okay, I gotta go." Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya tapos ibinaba na niya ang cell phone niya.



Muli niya akong binalikan ng tingin at nginitian niya ako. Oh my—nakakatunaw 'yong mga ngiti niya! Muntikan na akong madala.



"Umh, aalis na ako." Pagpapaalam niya.



"Puwede bang 'wag—este! Mag-iingat ka." Napangiti ako ng awkward. Muntik na akong madulas.



Tumango siya habang natatawa. Hindi ko tuloy alam kung anong reaksyon ang gagawin ko. Nakakahiya! Umalis na siya ng tuluyan kaya nanlambot ako bigla. "Napakaguwapo niya." Wala sa sarili kong sabi.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon