CPMGP_Chapter 44

61.9K 2.1K 10
                                    

"Ross!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi siya lapitan kahit nando'n pa ang mga Prince at si Dazu sa harapan niya.



"C-Claire? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin nang makita ako rito.



"Tignan mo nga naman," Sabi naman ni Jenrick na siya kong ikinayuko. Pero hindi ko dapat sila pansinin. Si Ross ang ipinunta ko rito at wala nang iba pa.



"Bakit mo ba ako sinundan?" Tinaasan niya ako ng boses na siya kong kinagulat pero hindi ko pinansin 'yon.



"N-Nakita ko kasing..."



"Hindi ba't sinabi kong 'wag kang makikialam?" Hindi ko alam kung bakit gano'n ang ipinapakita niya sa akin ngayon at sa harapan pa talaga nila Dazu.



"Halika na Ross, umalis na tayo rito." Pilit ko siyang inaalalayan kaya nakita ko ang pagkainis sa mukya niya. "Please, umalis na tayo rito." Ulit ko pa pero hindi ko inaasahang hahawakan ni Dazu ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.



"S-Shimi?" Sambit naman ni Ross kaya napatingin kaming lahat sa may bandang gilid namin.








ROSS'S POV

Nang mapatingin ako kay Shimi, nandon pa rin 'yong bracelet sa kamay niya. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang pulsuhan niya. "S-Saan mo 'to nakuha?" Tinuro ko ang bracelet niya.



"Ross, umalis na tayo." Biglang sabi ni Claire nang lapitan niya ulit ako. Pero nang hawakan niya ako sa kamay ko malakas ko siyang hinawi dahilan ng pagkakatumba niya pero hindi ko 'yon pinansin.



"Shimi, mag-usap tayo please." Pagmamakaawa ko sa kanya.



"Hoy Ross! Sa tingin mo ba makikipag-usap sayo si Shimi?" Singit naman ni Jamaica.



"Puwede ba! Umalis nalang kayo rito ni Claire bago ko pa kalbuhin 'yang girlfriend mo!" Gigil na sabi ni Alex.



"Pakibitiwan nga si Shimi." Sabi naman ni Ayesha sabay tapik niya sa kamay ko pero kahit ano pa 'yong mga sinabi nila hindi ko 'yon pinakinggan kundi, nakatingin pa rin ako sa bracelet ni Shimi.



"R-Ross, umalis na tayo rito."



"Shut-up, Claire!!!" Sigaw ko sa kanya dahilan para tumahimik siya.



"Puwede ba, 'wag kayong gumawa ng eskandalo rito?" Kunot-noong sabi ni Shimi sabay umalis na siya kasunod ng mga kaibigan niya.



"Narinig mo ba 'yong sinabi ni Shimi? Puwede ba umalis na kayo at 'wag na kayong babalik dito?" Sabi naman ni Kazu. At nang matapos ang usapang 'yon hindi mawala 'yong inis at galit ko.



"DAMN IT!!!" Sigaw ko sabay suntok sa manibela.



Nandito na kami ngayon ni Claire sa loob ng kotse ko. "Ross, bakit ka ba kasi pumunta ro'n?" Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Please, Claire, hindi ba't sinabi kong 'wag kang makikialam sa mga plano ko? Bakit ka sumunod? Damn it! Damn it!" Sigaw ko ulit sabay hubad ng uniform ko at tapon nito sa likod. Hinding hindi ko makakalimutan 'yong ginawa ng mga Prince sa akin kanina.



"Bakit ka ba ganyan sa akin?"



"Hays, hindi mo naiintidihan, Claire. Kaya puwede ba 'wag kang makialam! Naiintindihan mo?!" Matapos ko siyang sigawan mabilis kong pinaharurot ang kotse ko.








SHIMI'S POV

Pagpasok namin sa loob ng room agad akong napaisip sa ginawa ni Ross kanina. "Shimi, ano kayang nakain no'n ni Ross at gusto niyang makipag-usap sa 'yo?" Tanong ni Alex nang makaupo kami sa kanya kanya naming upuan. Magkakatabi lang naman kami.



"Nako, hindi puwede 'yong naiisip ko. Hindi siya puwedeng makipagbalikan kay Shimi." Sabi naman ni Ayesha.



"Tss, malabo namang balikan ni Shimi 'yon 'no. Pero nakita n'yo ba 'yong pagtulak ni Ross kay Claire kanina? Grabe!" Saad ni Jamaica habang nailing.



"Oo nga. Parang hindi girlfriend kung ituring si Claire." —Alex.



"Korak! At sa harapan pa talaga ni Prince Dazu." —Jamaica.



"Chimnie," Napalingon kami sa kinaroroonan ni Prince Dazu nang tawagin niya ako. Kasama niya ang mga Prince ngayon. Nandito ulit sila sa room namin. At dahil niyaya niya akong mag-usap kaming dalawa, nandito kami ngayon sa rooftop.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon