CPMGP_Chapter 52

62.7K 2.1K 55
                                    

SHIMI'S POV

Natagpuan ko lang naman na nakahilata na ang mga best friends ko sa harapan nina Prince Dazu at Russel kanina nang makita ko sila. Pero sino ba naman kasi ang hindi hihimatayin sa laki at umbok ng ano nitong magpinsan, napalunok nalang tuloy ako.



Mga nakabihis na sila ngayon. At pagkagising naman nitong mga best friends ko, nakahawak sila sa mga ulo nila. Nakatingin lang kami sa kanila. Nagulat sila nang makita kami sa harapan nila.



"So, Gangsters din sila?" Hindi makapaniwalang sabi ni Prince Dazu. Actually, paulit-ulit na nga niyang tinatanong 'yan e kanina pa. Nakailan na ba? Sampu na yata.



"Bakit nandito sila, Shimi?" Tanong naman ni Alex sa akin habang nakahawak sa ulunan niya.



"Hindi ko rin alam." Mabilis kong sagot. Kunyari wala akong alam. Ililihim ko sa kanila 'yong nangyari sa amin ni Russel kahapon kasi nga, sigurado akong kakantsawan na naman ako ng mga 'yan e.



"Amh, puwede bang malaman kung ano rin 'yong ginagawa n'yo rito?" Tanong naman ni Russel sa mga best friends ko kaya napangiti sila ng awkward.



"Magsasanay din kami katulad ni Shimi." Ani Jamaica sabay tango tango naman nitong magpinsan. Tapos no'n bigla namang dumating ang mga Oppa at Unnie.



"Young Miss, magstart na raw po tayo. Utos ni Master Shin, ang Daddy n'yo po." Saad ni Oppa Triztan nang makalapit sila sa amin.



"Dazu, Russel," Napalingon naman kami nang biglang sumulpot si Daddy sa likuran nilang dalawa. "Shimi anak, mag-umpisa na kayo." Nagtayuan kaming lahat nang iutos 'yon ni Dad.



Habang nagsasanay kami nakikita kong nakatingin sa amin sina Russel at Prince Dazu, habang nakatanaw din si Daddy at nag-uusap-usap silang tatlo.



At nang matapos 'yong pagsasanay namin nandito kami ngayon sa CR para magbihis. Nakaharap kami sa malaking salamin habang kinakantsawan ako nitong mga best friends ko. "Yiih~ Shimi~ sino ba sa kanilang dalawa 'yong nagpapatibok sa puso mo ha?"


Si Prince Dazu at Russel 'yong tinutukoy nila. "Ang haba ng hair mo ayiih~" Patuloy nilang kantsaw sa akin.



Ewan ko ba sa mga 'to. Hindi nalang ako umiimik, bahala silang magpantasya. Nang bigla namang may kumatok. "Young Miss?" Boses ni Unnie Haven (Vengeance Reaper) mula sa labas kaya napatingin kami ro'n.



Nang lumabas ako mag-isa sinabi sa akin ni Unnie Haven na pinapatawag daw ako ni Daddy kaya ngayon, nandito na ako sa tapat ng office niya. Nagdadasal muna ako bago pumasok sa loob. Actually, kinakabahan ako kasi nga 'di pa kami nagkakausap tungkol sa nangyari kahapon sa amin ni Russel. Pinagpapawisan tuloy ako.



Dahan dahan akong pumasok habang nakayuko ako pero nang tumingin na ako kay Daddy nagulat ako nang makita kong nandito rin pala sina Russel at Prince Dazu na magkatabi sa upuan. Akala ko mag-isa lang akong kakausapin ni Daddy pero bakit pati silang magpinsan nandito?



"Maupo ka anak." Bigkas niya kaya magkakaharap na kami ngayon. "Mayroon lang akong gustong malaman." Sabi ulit ni Daddy.



Ano naman kaya 'yon? Nagkatinginan nalang kaming tatlo habang kinakabahan. Halata rin naman sa kanilang dalawa e. Pare-pareho lang kaming tatlo.



"Sino ba talaga sainyong dalawa ang boyfriend ng anak ko?"



"Meeeowwwww~"



Ni isa sa amin walang nakasagot sa tanong ni Daddy. "Kasi kung si Dazu 'yong boyfriend mo anak, bakit si Russel 'yong kasama mo kahapon at pinagtanggol ka pa niya?" Nagkatinginan ulit kaming tatlo.



"Ah, s-si Dazu po talaga ang boyfriend ko Daddy." Awkward akong ngumiti. Ayokong ipaalam kasi nga malalaman ni Russel na crush ko siya.



"Kailangan ko pong protektahan si Shimi bilang bilin na rin po ni Dazu sa akin kung sakaling hindi po sila magkasamang dalawa." Nagulat naman kami nang bigla 'yong sabihin ni Russel kay Daddy kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.





" Nagulat naman kami nang bigla 'yong sabihin ni Russel kay Daddy kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon