CPMGP_Chapter 5

106K 3.6K 44
                                    

Mula ulo hanggang paa tinitignan pa rin nila ako. E ang akala naman nila papatinag ako sa kanila. Tinitigan ko rin sila mula ulo hanggang paa.


Pero dapat na nga talaga siguro akong masanay, pati rin kasi sila parang natakot sa akin bigla. Hindi na nila ako pinansin. Ang ganda ganda ko kaya!


Nang libutin ko ang tingin sa buong classroom mukhang wala ng bakanteng upuan para sa akin.


"MAY I-A-ANNOUNCE RAW ANG MGA PRINCE!!"


Nang biglang may sumigaw gamit ang megaphone. Nagmistulang dinaanan ako ng napakalakas na hanging habagat dahil lahat ng mga kaklase ko bigla nalang naglaho dahil nagsipagtakbuhan sila papalabas. 



"CAMPUS PRINCE!! CAMPUS PRINCE!! CAMPUS PRINCE!!"


Sumisigaw ang lahat ng mga estudyante rito ngayon.


Ang pagkarinig ko may announcement daw ang mga Prince kung kaya't na-curious ako. Sino kaya 'yong mga Prince na sinasamba nila rito?


Sumunod din ako sa kanila.


Kung sila nagsisipagtakbuhan ako naman naglalakad lang na parang ispiya. Sinusundan ko lang 'yong mga estudyante na tumatakbo kung saan sila patungo ngayon.


"CAMPUS PRINCE!! CAMPUS PRINCE!! CAMPUS PRINCE!!"


Hanggang sa nakita ko na silang lahat.


Pito ang miyembro nito nang bilangin ko. Hindi na rin ako magtataka pa kung bakit sinasamba sila. Bukod kasi sa guwapo ang mga ito mukhang mayayaman din.


Pero type ko 'yong isa. Ay hindi! Type ko rin pala 'yong isa. At 'yong isa pa! Ah, basta! Lahat sila may dating.


"Prince Dazu!! Prince Dazu!! Prince Dazu!! Prince Dazu!!"


"MAKINIG ANG LAHAT!! MAY I-A-ANNOUNCE SI PRINCE DAZU!!"


Mabilis na tumahimik ang lahat matapos sumigaw ng nakamegaphone na lalaki.


"Mayroon akong hinahanap na isang babae! Isang babae na komontra sa ipinag-utos ko. Kung sino man ang makakahanap sa babaeng 'to, magbibigay ako ng pabuya na kahit anong gusto ninyo."


Habang nagsasalita siya parang may pinapakalat silang kung ano na nanggagaling sa mga cell phone nila.


Tapos parang may pinapanuod sila na parang video. Ano kaya 'yon? Saka sino raw 'yong babaeng tinutukoy niya? Gusto ko rin sanang makita 'yon e.


Nang biglang may nagsipasukan na mga lalaki.


At 'yong mga lalaki na 'yon sila 'yong mga binugbog ko kahapon kaya bahagya akong umiwas ng tingin sa kinaroroonan nila. Oh, my gulay naman talaga! May binubulong sila ro'n sa Prince AZU (Aso).


"Taga Asia Academy siya? At dito raw lumipat sa school natin?" Sabi ni Asu matapos bumulong ng isa sa mga lalaking binugbog ko kahapon.


Napalunok ako ng ilang beses. Ako ba 'yong tinutukoy nila?


"Makinig kayong lahat! Gusto kong dalhin n'yo sa akin ngayon kung sino 'yong bagong mukha ang mayroon dito ngayon!"


Pagkasabi no'n ni Prince Azu na tinatawag nila bigla silang nagtinginan sa aking lahat kaya nagulat ako.


Lahat ng mga Prince napatingin na rin sa akin ngayon.


Ako? Senyas ko. Tinuro ko ang sarili ko kaya tumango naman ang mga kaklase ko. Sumenyas na rin ang mga Prince na bumaba raw ako at humarap sa kanila.


"Naku! Nagkakamali kayo. Hindi ako 'yong tinutukoy nila." Pangiti-ngiti ko pang sabi habang nailing.


Pero nakakaloka 'yong mga tingin sa akin ngayon ng mga Prince. Lalo na 'yong Prince Azu nila. Nanlilisik ang mga pagtitig niya sa akin ngayon.


Mapaparumble na naman ba ako? Hindi na puwede!


"Sandali! Mga bagong mukha lang din kami ngayon dito!!!" Sigaw nung—what the! Anong ginagawa nila rito?


Nang bigla ring nagbell kaya natuwa ako. Sa tingin ko kasi nakaligtas kami ngayon.


"Dalhin 'yang mga 'yan!"


Pero nanlaki ang mga mata ko nang biglang mag-utos si Prince Azu. Biglang may sumulpot na tatlong lalaki sa tabi ko at hinawakan din nila ako sa braso ko.


Pambihira! Akala ko makakaligtas na kami.


"T-Teka! Saan n'yo ako dadalhin?" Hindi nila ako sinagot. Bigla nalang nila akong binitbit.


Anak ka ng—sige at hinayaan ko nalang sila sa gusto nilang mangyari.


"Saan n'yo kami dadalhin, ha?!"


"Oo nga! Saan n'yo ba kami dadalhin?!"


"Katapusan na ba namin?!" Sabi ng mga bruhang ito.


Akala ko matatahimik na ako pero hindi ko akalaing susundan pa rin nila ako ngayon hanggang dito sa panibago kong magiging school.









Akala ko matatahimik na ako pero hindi ko akalaing susundan pa rin nila ako ngayon hanggang dito sa panibago kong magiging school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon