CPMGP_Chapter 45

64.8K 2.1K 50
                                    

DAZU'S POV

"Nakita mo naman siguro 'yong ginawang pagtulak ni Ross kay Claire kanina?" Ani Chimnie kaya tumango ako sabay buntong hininga ko.



"Hindi ko alam kung bakit nagagawa niya 'yon kay Claire."



"Sana hindi mo nalang sinabi kay Ross na girlfriend mo ako para anytime puwede mong mabawi si Claire sa kanya. Hindi ba't ayon naman ang gusto mo? Ang makuha mo ulit siya?"



Bigla akong napaisip sa sinabi niya.



"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Ross at pumunta siya rito. Hindi ko rin alam kung anong ibig niyang sabihin sa tinatanong niya sa akin tungkol sa bracelet na suot ko. Pero kung ano man 'yon, wala akong pakialam." Pagpapaliwanag niya.



"Chimnie..." Bigkas ko.



"Ang mabuti pa bumalik na tayo sa klase." Sabi niya sabay tayo habang nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya paalis. Napalalim naman ako ng hininga. Sa tingin ko kasi mayroon siyang ayaw naming pag-usapang dalawa, at 'yon ang tungkol kay Claire. Ayaw niya akong tulungan.








ROSS'S POV

Bigla kong na-ipreno ng malakas 'yong kotse ko nang sabihin sa akin ngayon ni Claire na pumunta sila Shimi at ang mga kaibigan niya no'ng isang araw sa Asia Academy.



"Anong sinabi mo? No'ng isang araw?" Gulat kong bigkas. Tapos bigla namang bumalik sa isip ko na no'ng isang araw lang din naman nagpunta si Dazu sa Asia Academy kung saan dito siya binugbog ng grupo ko at biglang sumulpot 'yong babaeng Gangster.



"N-Nakauniform ba sila no'ng araw na 'yon?" Sabik kong tanong dahil may gusto talaga akong kumpirmahin.



"Uhm." Sagot ni Claire kaya unti-unti nabubuo 'yong hinala kong iisa 'yong babaeng Gangster at si Shimi.



'Yong bracelet niya, 'yong araw nang pagpunta niya sa Campus namin, at kung nasaan nandon din si Dazu, at sila ng mga kaibigan niya, gano'n din ang kapareho na uniform ng babaeng Gangster sa uniform niya. Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi ko napansin noon na Gangster pala si Shimi?



"Ross, okay ka lang?" Biglaang tanong sa akin ni Claire dahilan para matauhan ako.



"Oo, ok lang. Bumalik na tayo sa Campus natin." Bigkas ko sabay paharurot na ulit sa sasakyan ko.











SHIMI'S POV

Natapos ang buong maghapon sa klase namin ngayon. Walang pasok bukas kasi nga saturday kaya malamang sa F.O.L lang kami no'n ng mga best friends ko. "Shimi, magkita nalang tayo bukas." Sabi ni Alex.



"Mauna na kami sa 'yo, ha? See you tomorrow!" Saad naman ni Jamaica at tuluyan na silang nakaalis tatlo.



Pagsasanay na ulit bukas. At siyempre kasama ko 'yong tatlo na 'yon. Sumakay na rin ako sa motor ko at in-start ito. Nagsuot na rin ako ng helmet saka ko tuluyang pinaharurot.









DAZU'S POV

Habang ang mga Prince may pinagkakabusy-han sa likod ko, rito sa teritoryo namin, ako naman nakaupo lang at tahimik dito sa sofa mag-isa.



"Ano na namang iniisip mo at tahimik ka riyan?" Tanong ni Jenrick nang tabihan niya ako pero 'di ako kaagad sumagot sa kanya, kundi napabuntong hininga lang ako. "Ang lalim ng paghinga mo, ah? Si Claire na naman ba 'yan?"



"Napaisip lang ako sa nakita kong pagtrato ni Ross sa kanya kanina." Kunot-noo kong sagot.



"Hay, Dazu. Dazu. Dazu. Hindi mo ba talaga makalimutan si Claire? Niloko ka niya, bakit hindi mo subukang ibaling 'yong tingin mo sa iba?"



"Tama si Hyung Jenrick, naandiyan naman si Shimi." Sabat ni Vince sa usapan.



"Tss, ano ba kayo." Bigkas ko naman.



"Hay ano ba Dazu! Kailan ka ba kasi matatauhan? Pati si Shimi balak mong gamitin para riyan sa kabaliwan mo kay Claire. Nananahimik 'yong tao at alam mo namang may nakaraan din sila ni Ross 'di ba?" —Clifford.



Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Napaisip nalang ulit ako. Nang biglang namang tumunog ang cell phone ko dahilan para maibaling ko ang atensyon ko rito. At nang mabasa ko ang isang text message, nagpaalam ako sa mga Prince na uuwi nalang ako at magpapahinga. Pero ang totoo? Hindi ko alam kung na wrong send lang ba sa akin si Claire o totoong gusto niyang makipagkita sa akin ngayon kaya dali dali akong umalis para puntahan siya.







 Pero ang totoo? Hindi ko alam kung na wrong send lang ba sa akin si Claire o totoong gusto niyang makipagkita sa akin ngayon kaya dali dali akong umalis para puntahan siya

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat