CPMGP_Chapter 85

57.5K 1.7K 14
                                    

SHIMI'S POV

"Puwede bang 'wag nalang Mommy?" Gusto kasi niya sa booth na 'to dahil libre 'yong rides sa may mga birthday. Eh, ang kaso nga lang takot kaya ako sa mga heigths. "Mommy, kayo nalang po." Naglakad na ako ng paatras.



"Ha? Eh, bakit ako? Ikaw ang may birthday e."



"Mommy naman!" Sigaw ko dahilan para tumingin ang lahat ng tao sa amin at parang natakot sila bigla kaya ngumiti nalang ako ng awkward. "Mommy naman po." Bulong ko.



"Sige na nga, 'wag nalang." Hinila na ulit niya ako papalabas.





DAZU'S POV

Hinihila nila ako papunta ro'n sa nakita nilang Booth daw ng may mga birthday ngayon. "Sinabi ko na ngang ayoko rito. Ang kulit n'yo." Aniko.



"Itatanong lang naman natin kung anong mayroon?"



"Oo, nga kuya kaya pumayag ka na. Malay mo may libre 'yon."



"Tss, kahit ano pang libre 'yan. Bakit kaya hindi nalang kayo ang pumila?"



"Pambihira ka naman, Insan. Ikaw kaya ang may birthday sa atin."



"Ako lang? Ayan kaya si Kazu."



"Para raw lang 'yon sa mga panganay."



"Hays, tigilan n'yo ako. Ayoko rito. Lalabas na ako." Lumabas na ako kaya wala silang nagawa kundi habulin ako.



"Kuya, naman, e!"



"Hays! Pambihira talaga 'tong kakambal mo Kazu, oh." Reklamo ni Russel.







SHIMI'S POV

Pagdating namin sa kinapupuwestuhan ni Daddy nakangiti ako kasi nga, makakakain na ulit ako. Kaya lang naiihi ako kaya nagpaalam ako kila Mom at Dad na pupunta ako ng cr.







DAZU'S POV

"Ano ba 'yan ang tagal naman no'ng mga 'yon lumabas?" Pinasok ko na 'yong dalawa sa loob ng cr. Pero pagpasok ko siya rin naman palang labas no'ng dalawa at magkakabungguan pa sana kami.



"Oh, cr ka rin?" Sabi nila.



"Mga ulul, ang tagal n'yo kasi."



"Sige na, bilis hihintayin ka namin dito."



Hanggang sa abutin na ng gabi kakagala sa Mall. "Uwi na tayo." Anyaya ni Kazu.



"Dazu, umuwi na tayo baka naiinip na ro'n si Hanna." Sabi naman ni Russel kaya papalabas na kami ngayon ng Mall. Nagpaiwan kasi ro'n si Hanna mag-isa sa apartment.






SHIMI'S POV

Uwian na. Papalabas na kami ngayon ng Mall. Hindi ko expected na gano'n lang 'yong celebration ng birthday ko puro kain. At nakakapanibago lang dahil sila Mommy ang kasama ko buong maghapon at hindi 'yong mga best friends ko.



Dati kasi Shopping at Mall kami sabay manti-trip kami para masaya. Pero ngayon? Hays! Boring! Pero hindi ko naman sinasabi na dahil kasama ko sila Mommy, iba lang kasi talaga ang kaibigan sa magulang. Dati kasi after ko sa kaibigan sila naman ang next sa celebration. Naglalakad kami papunta sa parking lot ngayon.



"Yes, hello?" May kausap si Daddy sa cell phone niya. "I'm sorry but I can't go there for now. I have a celebration with my family."



Nagkatinginan kami ni Mommy. Naririnig kong pinapapunta si Daddy ng ka-sosyo niya sa negosyo at mukhang may appointment sila ngayon. "Was it really necessary?"



"Mommy, sabihin mo nalang kay Daddy na pumunta na po siya ro'n. Ayos lang naman po sa akin." Singit ko kaya senesenyasan siya ni Mommy. Bigla niyang binaba 'yong phone niya at tinakpan niya 'yon para 'di marinig sa kabilang linya.



"Bakit?" Tanong ni Daddy sa amin.



"Okay lang daw kay Shimi." Mahinang sabi ni Mom.



"Ayos lang sa 'yo, anak?" Tumango agad ako. "Okay. I will be there for a second." Binaba ni Daddy 'yong phone niya sabay lapit sa akin at gulo sa buhok ko. "Happy birthday, anak." Sabi niya sabay halik sa akin kaya napangiti ako.



"Paano 'to? Iisa lang ang kotse?" Sabi naman ni Mom.



"Mommy, sabay ka nalang kay Daddy. Nakalimutan ko po kasing may bibilhin pa ako sa loob."



"Babalik ka ro'n sa loob?"



"Opo kaya bye po!" Sagot ko sabay takbo pabalik para 'di na sila mangulit pa. Pero sa totoo lang hinintay ko lang sila makaalis at lumabas na ako ng Mall. Iba kasi ang pupuntahan ko at hindi talaga roon.



(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Where stories live. Discover now