"Hindi na tayo ang dapat tumapos niyan, tumawag naman na kasi ako ng pulis at sila nang bahala sa mga 'yan." Sabat ko sa usapan.



At ilang minuto lang dumating na nga 'yong mga pulis at hinuli itong mga gago na 'to. Dinala naman namin si Dazu sa clinic para makapagpahinga siya ro'n at magamot 'yong ilang natamo niyang sugat para rin ma-check  up kong nadamay 'yong injured niya.











DAZU'S POV

Dahan dahan akong nagigising nang biglang kumirot 'yong injured ko sa right arms ko kaya napapikit ako ng mariin. Natatandaan kong may isang grupo akong kalalakihan na nakabangga ko kanina.



"Dazu, may masakit ba sa 'yo?" Napadilat naman ako nang marinig ko ang boses ni Jenrick. At pagtingin ko sa paligid ko nandito ang lahat ng mga Prince gano'n din si Russel kaya napabangon ako.



"Ugh!" Daing ko sabay hawak sa kanan kong balikat.



"Dazu, pasalamat ka at nakita ka nitong best friend mo." Hayag ni Vince pero inirapan ko siya.



"Sana hinayaan n'yo nalang ako." Bigkas ko.



"Hindi pa rin ba nawawala 'yang galit mo sa amin? Ano ka ba? Aalis na si Russel bukas." Napatingin ako kay Russel na nakaupo lang sa isang sulok matapos 'yong sabihin ni Renzo. Pero hindi ako umimik.



"Dazu, puwede bang mag-usap tayo?" Ani Russel kaya nagsilabasan ang mga Prince at tinapik siya ng mga ito sa likod bago tuluyang lumabas. Nasa harapan ko siya ngayon habang nakaupo lang ako sa kama at nakasandal.



"I'm sorry Dazu kung nagpanggap akong ako si Shimi. Gusto lang kasi namin na 'wag kang pag-alalahanin habang ganyan ang kalagayan mo." Pauna niyang sabi pero tahimik pa rin ako at hindi nagsasalita.



"'Yang necklace na suot mo kay Shimi 'yan galing." Pagkasabi niya no'n napahawak ako sa necklace na suot ko. Hindi pa ako gano'ng makapaniwala sa nalaman ko.



"Alam mo bang bago siya umalis, nadatnan ko pa siya sa hospital at kinakausap ka niya kahit wala kang malay? She confess to you na gusto ka niya pero hindi ko alam na 'yon na pala 'yong huling araw na makikita ko siya. Bigla nalang siyang nawala after no'n. Wala kaming balita sa kanya hanggang ngayon."



Napaisip ako sa mga sinabi niya. "G-Gusto niya rin ako?"



Agad siyang tumango. "Oo, ayo'n 'yong narinig ko mula sa kanya."



Napangiti ako sa narinig ko pero bigla ring naglaho 'yon. "Pero wala na siya." Naging matamlay ako at napayuko.



"Dazu," Bigkas niya kaya nagkatitigan kami.



"Sundan mo siya," Ilang segundo rin kaming nagkatitigan. "pero hindi pa ngayon, may tamang panahon para ro'n." Bigla ko siyang binatukan dahil sa huli niyang sinabi.



"Ayos na sana e, tapos biglang gano'n?"



"Siraulo ko ah! Masakit 'yon." Angal naman niya kaya napangiti ako.



"'Wag kang gaganti kundi hindi kita mapapapatawad sa ginawa mo sa akin kahit kailan." Pagbabanta ko.



"Pagbibigyan lang kita sa ngayon, ulol!" Sabi niya sabay tayo.



"Teka! Saan ka naman pupunta?"



"Iihi ako sasama ka??"



"G***!" Binato ko siya ng unan. Pero hindi ko alam kung bakit napapangiti ako. Siguro dahil sa nalaman kong may gusto rin sa akin si Shimi.



"Aba! Aba! Mukhang bati na sila." Biglang sabi ni Clifford nang makita kong patong patong 'yong mga ulo nila sa pintuan at nakasilip dito.



"Isa pa kayo e!" Sigaw ko sa kanila sabay bato ng unan. Pero nakailag sila kaya nagsilapitan sila sa akin saka ako kinatsawan ng kinantsawan.










*****
Kinabukasan...

RUSSEL'S POV

"Insan, mag-iingat ka." Ani Kazu.



"Siyempre naman, Insan." Sagot ko. Nandito kami ngayon sa Airport kasama lahat ng mga Prince, nandito rin sila ngayon para ihatid ako. Pauwi na ako ngayon ng Paris, kung saan, doon naman talaga ako nakatira.



"So, paano ba 'yan? Next year ulit tayo magkikita-kita."



"Aabangan ulit namin ang pagbabalik mo, Russel." — Jenrick.



"Sure, pre." Nagkamayan kaming dalawa at sumunod na ang lahat ng mga Prince. At ang huli kong hinarap ay si Dazu.



"Insan," Aniya.



"Oh?"



"Sige na, pinapatawad na kita. Sorry na rin sa panununtok ko sa 'yo kahapon. Bawi ka nalang pagbalik mo ah?" Sabi niya habang nakangiti.



"Eh, bakit hindi pa ngayon?" Mabilis ko siyang kinutusan dahilan para magsalubong ang mga kilay niya at nakahawak siya sa ulunan niya. "Papasok na ako!" Mabilis ko silang tinalikuran para hindi makaganti sa akin si Dazu.



"F***! Humanda ka sa akin next year!!" Pahabol niya kaya napangiti ako  habang unti-unti akong lumalayo sa kanila.



"Sige lang!" Sigaw ko naman.



Habang naglalakad ako papasok, bumuga ako ng hininga kasabay nang pagngiti ko. Masaya akong naging maayos kami ni Dazu bago ako umalis. Nang patuloy akong naglalakad papasok sa loob hindi ko naman inaasahan na may makabangga akong isang babae.



Biglang naglaglagan 'yong mga hawak niya. "Hays." Angal niya kaya agad ko siyang tinulungan.



"I'm sorry, Miss." Mabilis kong pinulot 'yong bag niya pero nagulat ako nang mapalingon ako sa kanya at makilala ko siya.



"Hanna?"



"Russel?"



Si Hanna, na pinag-agawan namin noon ni Dazu ilang taon na ang nakakalipas.




(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Where stories live. Discover now