CPMGP_Chapter 62

55.7K 1.8K 46
                                    

RUSSEL'S POV

Nang malaman kong nawawala si Shimi agad akong nakipagkita sa mga Prince. May nagmessage daw kasi sa kanilang lahat kung nasaan nandon si Shimi pero ang nakakapagtaka ro'n, unknown number lang 'yon.



Pero ayos lang dahil ang mahalaga, makita na namin siya. Pero nagulat ako nang makita ko ang mga kaibigan ni Shimi na nakaangkas sa likuran ng mga motor nila sina Kazu, Brent, at Clifford.



At nang makita ko naman si Dazu kusa nalang nagsalubong ang mga kilay ko. Magkatitigan kaming dalawa ngayon. "Kayong dalawa, hindi ito ang oras para mag-away kayo." Saway ni Jenrick sa amin kaya sumakay na ako sa motor kong dala at mabilis ko 'yong pinaandar na sinundan naman nila.



Habang tumatagal parang gusto kong makipag-unahan kay Dazu, pero alam ko namang matatalo ko siya kaya mas pinaharurot ko ito at ako ang nauuna.



Wala kong pakialam kung ayaw niyang makipag-unahan o sinasadya niya talagang magpa-ubaya. "Hintayin mo ko Shimi." Bulong ko.








SHIMI'S POV

Nagising ako nang maramdaman kong may malamig na tubig ang dumampi sa buong katawan ko dahilan para mapaubo ako. Pakiramdam ko kasi may biglaang pumasok na tubig sa loob ng bibig ko ng kusa. Pagtingin ko naman sa paligid ko nagulat ako sa nakita ko.



"Hi Shimi." Bungad sa akin ni Calvin sabay ngisi niya.



Bakit nandito ang mga kaibigan ni Ross? At nang makita ko naman ang mga kamay ko, nakatali ito sa pamamagitan ng mga mahahabang kadena gano'n din ang mga paa ko.



At nang mapahawak naman ako sa ulo ko may dugo ito. Ang tanging naaalala ko lang kanina ay magkakausap kami nina Jamaica, Alex, at Ayesha sa likuran ng Kang Academy nang biglang may humampas sa ulo ko at pagkatapos no'n wala na akong maalala.



"N-Nasaan ako? Anong ginawa n'yo sa akin?" Nanghihina kong tanong. Palagay ko dahil ito sa patuloy na pag-agos ng dugo mula sa ulo ko.



"Please Ross, I'm sorry!"



"Shut up Claire! How did you do that to me? Your liar!"



Sa 'di kalayuan naman may naririnig akong nag-aaway na dalawang tao. Medyo naaaninagan ko lang sila dahil papalapit sila sa kinaroonan namin. Medyo nanlalabo na rin kasi ang paningin ko at nagdodoble-doble na 'to.









ROSS'S POV

She's freaking liar! "Please Ross, I'm sorry." Pagmamakaawa ni Claire sa akin.



"Pagkatapos ng pagsisinungaling mo? Nakikipagkita ka sa kanya ng palihim! Your flirt!" Sigaw ko sa kanya sabay sampal ng malakas. Ang tinutukoy ko ay si Dazu.



"Ross! Tama na!" Awat ni Calvin.



"Bakit nag-aaway kayo?" Tanong naman ni Barron.



"Sige, sabihin mo sa kanila kung bakit Claire!" Sigaw ko at halos umiyak siya at hindi makapagsalita.



"R-Ross?" Napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Shimi. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ng mahigpit 'yong magkabila niyang pisngi.



"Shimi, nagtagal 'yong relasyon natin ng isang taon pero f***! You didn't tell me that you're a Gangster!" Piniga ko ng madiin 'yong pisnge niya.



"N-Na... napaka... sama mo." Nanghihina niyang sagot.



"Tss, sino bang mas masama sa atin sa tingin mo? Im a simple guy and you are a Gangster. Ilang tao na ba ang napapatay mo, ha?"



"A-Anong ginagawa ni Shimi rito Ross? Anong ginawa n'yo sa kanya?" Bigla namang sumingit itong si Claire.



Humarap ako sa kanya at iniwan ko si Shimi. "Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa Claire? Halika rito!" Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso niya at hinila ko siya.



"T-Teka Ross, nasasaktan ako! Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya.



Pero bago ko tuluyang hilahin si Claire ibinigay ko na muna 'yong cell phone niya sa mga kaibigan ko para mababasa nila 'yong lihim na pakikipagpalitan ng mga text message ni Claire kay Dazu dahilan para magalit ako ng ganito.






Pero bago ko tuluyang hilahin si Claire ibinigay ko na muna 'yong cell phone niya sa mga kaibigan ko para mababasa nila 'yong lihim na pakikipagpalitan ng mga text message ni Claire kay Dazu dahilan para magalit ako ng ganito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Where stories live. Discover now