CPMGP_Chapter 37

67.1K 2.4K 40
                                    

Nang makabili ako ng pagkain ko pangrecess, siya naman, nakatunganga lang at nakatingin sa akin. Kakagat na sana ako sa burger na binili ko ang kaso hindi ako sanay kumain ng may nakatunganga sa harapan ko.



"Pulubi ka ba?" Tanong ko.



"Hindi. Bakit?" Sagot naman niya kaagad.



"E, kung gano'n bakit ayaw mong bumili ng pagkain mo? Bakit kailangan mong tumunganga sa kinakain ko?"



Mukhang nabadtrip siya kaya tumayo siya at naglakad papunta sa pilahan ng bilihan ng mga pagkain. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumagat na ako sa burger na binili ko.








DAZU'S POV

Nakatayo lang ako rito sa harapan ng booth nang bigla akong paunahin ng mga estudyanteng naunang nakapila. Hindi ako makapili ng pagkain ko dahil hindi naman ako kumakain ng lutong pagkain dito sa canteen, never pa.



At kahit gutom na gutom na ang mga estudyanteng inunahan ko sa pila hindi naman sila makaimik dahil ako nga ang Prince ng Campus na 'to. Hanggang sa biglang naagaw ko ng atensyon 'yong isang balot ng Potchi kaya napaisip ako.



"Hindi ba ito 'yong itsura no'ng kinain niya dati?" Kausap ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ang nasa loob ng estante. "Gusto ko 'yon." Sabi ko dahilan para ibigay nila sa akin 'yon ng walang bayad. Bigla tuloy akong napangiti. Umalis na ako ng ibigay sa akin 'yon no'ng tindera.







SHIMI'S POV

Bakit ba ang tagal no'n pumili ng pagkain niya? Parang tanga lang mukhang nagugutom na yata 'yong mga estudyanteng nakapila sa likuran niya. Halos mangalahati naman 'yong burger na kinakain ko. Nang tumingin ulit ako sa kanya parang may pinagmamasdan siya sa estante.



"Problema no'n?" Bulong ko. Tapos maya-maya pa nakita kong papalapit na siya sa akin kaya hindi na ako tumingin sa kanya. Kunyari kumakain ako ng tuloy tuloy habang wala siya.



Pero parang hindi niya yata binayaran 'yong kinuha niyang pagkain do'n. Ano 'yon libre o natatakot lang sa kanya 'yong mga tindera kaya hindi na siya pinagbayad? Tss, grabe.



Nang bigla niyang nilapag ang isang balot ng Potchi sa lamesa na siya kong ikinagulat pagkalapit niya sa akin.



"Potchi?" Bigkas ko.



"Potchi?" Bigkas niya rin na parang hindi niya alam ang bigkas do'n. "Ah, so, potchi ang bigkas dito?" Sabi niya na parang may accent o imported 'tong candy. Sosyal.



Pero napalunok ako sabay tagilid sa kanya. Lanya ba naman, naalala ko 'yong araw na natapunan ko siya ng asukal ng potchi, 'yong lumipad 'yong balat na sumakto naman sa ulunan niya ang paglipad dahilan para matapunan siya ng mga asukal no'n. Hindi ba't galit na galit siya no'n sa akin dahilan para ipa-hunting niya kami sa mga estudyante no'n dito.



"Bakit 'yan ang binili mo?" Tanong ko. Favorite ko kasi 'yon, e. Sa totoo lang bumili rin ako no'n pero tinago ko 'yon sa bulsa ng palda ko kasi nga baka maalala niya 'yong araw na 'yon. Tapos 'di ko alam na ayon pala ang kakainin niya ngayon.



"Eh, ito lang 'yong nakita ko ro'n eh." Sagot niya.



"Bulag ka ba? Ang dami kayang mabibili ro'n."



"Pakialam mo ba kung ito 'yong binili ko?"



Nga naman, may point siya kaya tumahimik nalang ako sabay kain. Pagtingin ko naman sa kanya nakangiti siya habang nakain no'n. "Abnormal. Potchi lang kinangingiti pang kainin." Mahina kong sabi.



"Hm..umh..mhh." Medyo napapakunot ang noo ko dahil ang ingay niya ngumuya ng Potchi. "Hm. Umh..mhh. Ahihi." Napailing nalang ako.



"Ang hmm sarap pala nito ummh." Sabi niya habang nanguya. Nakangiti naman siya at parang sarap na sarap sa kinakain niya. Para siyang bata kaya halos pagtinginan kami rito sa canteen. Nakakahiya kaya. Napapatakip nalang ako ng mukha.







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon