CPMGP_Chapter 25

72.4K 2.5K 93
                                    

DAZU'S POV

Humanda talaga silang dalawa sa akin mamaya. Habang napasok kami sa loob pinagtitinginan kami ng mga Gangsters dito. "Pasok kayo." Sabi no'ng Daddy ni Chimnie. Pumasok kami sa isang kuwarto at sa palagay ko parang office 'to no'ng Daddy niya rito.




"O-Opo." Sagot ko naman. Samantala hindi naman maipinta 'yong mukha ni Chimnie.



Hays, nakakainis, pahamak 'tong dalawang 'to. "Sige, maupo kayo." Utos niya sa amin kaya umupo naman kami. Magkakaharap kami ngayon.



Alam ko pong madalang lang ako magdasal. Pero ngayon pakiusap tulungan nyo po ako. Sana hindi pa ito ang kabayaran sa lahat ng pang bubully ko.



"Ehem, ngayon, magpakilala muna kayong tatlo sa akin, at ikaw na manliligaw sa anak ko, huli ka na."



Agad akong tumango. "Ah, s-sige po." Go with the flow lang Dazu.



"Ako po si Jenrick Han, isa po ako sa may ari ng pitong malalaking kompanya rito sa bansa natin at sa hongkong po. At kaibigan ko po silang magpinsan." Pagpapakilala ni Jenrick.



"Oh, kung gano'n, magpinsan kayong dalawa." Tinuro niya kami ni Russel.




"Opo." Sabay naming sagot dalawa. Ano ba 'to? Ba't parang naiinitan ako??



"Ahm, ako po si Russel Kang Montero. Isa po akong model sa Paris, doon po ako nakatira. Nandito lang po ako for vacation."



"That's good, Ijo."



S***! Ako na ba? Nakatingin silang lahat sa akin ngayon.



"Ahm.." Paano ko ba sisimulan 'to? Nashocked talaga ako. "A-Ang i-init po. P-Puwede po bang p-palakas nalang ng a-a-aircon?" Utal-utal kong sabi.



Hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayon magsalita. Nakakapraning! "Oh, okay na ba 'yang ganito ka lakas? Ngayon magpakilala ka na."



"O-o-opo okay na po 'yan. P-Pero last nalang po puwede po ba akong makainom ng t-tubig?"



"Sure."



At nang makainom na ako ng tubig nakahinga ako ng maluwag. "Salamat po." Sabi ko.



"May hihingiin ka pa ba?"



"Po? W-Wala na po."



"Okay, ngayon, simulan mo nang magpakilala."



"O-Opo. A-Ako po si D-d-a-azu Kang."



"Ha? Azu Kang?" Gulat na sabi no'ng Mommy at Daddy ni Chimnie.



Samantala nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit na ewan dahil sa sinabi niya. Alam ko na kung saan siya nagmana.



Magtimpi ka lang Dazu.




Pagtingin ko naman dito sa dalawa kong katabi natatawa sila kaya kunyari umunat ako dahilan para matamaan ang mga ilong nila. Makaganti man lang ngayon kahit paano.



"Ugh!" Narinig kong daing nila. Humanda talaga sila sa akin mamaya pagkatapos nito. Pagkakita ko naman kay Chimnie parang nanigas siya ro'n sa kinauupuan niya. S*** talaga.



"Ah, h-hhindi po. Dazu Kang po." Awkward akong tumawa sabay kamot sa ulunan.



"Ah, akala ko Azu eh."



Damn, magpigil ka lang Dazu mga Gangsters sila.



"Ayos lang po." Muli akong ngumiti ng awkward sabay inom ng tubig.



"Okay, so, ikaw si Dazu Kang?"



"Opo at mula po ako sa angkan ng mga Kang. Mama ko po si Crystal Kim at Papa ko naman po si Ozu Kang." Sa wakas nakapagsalita rin ako ng tuwid.



"Ah, talaga? Anak ka ni Pareng Ozu?"



"Po?" Gulat ko naman.








SHIMI'S POV

"Ah, talaga? Anak ka ni Pareng Ozu?" Sabi ni Daddy.



"Po?" Gulat naman niya. Pareng Ozu? Ibig sabihin kilala ni Daddy ang Mama at Papa ni Prince Dazu?







(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon