CPMGP_Chapter 7

113K 3.3K 22
                                    

Pagkaalis na pagkaalis ng mga Prince bigla namang nagtakbuhan itong tatlo kaya mabilis din akong humarang sa daraanan nila. "Hep! Hep! Saan ang punta n'yo?" Tanong ko.



"Saan pa ba? E 'di, susundan natin sila?" Mabilis na sagot ni Alex.



"Uy Shimi! Sige na! Sundan na natin sila. Mukhang nakaka-curious 'yomg pag-alis nila." Sabat ni Ayesha.



"Oo nga. Saka isa pa, ang guwapo nilang lahat 'di ba?" Kinikilig naman na sabi ni Jamaica. Tapos bigla na naman silang nagkaroon ng sariling mundo.



"Grabe 'no? Sobrang hot nila! Kinikilig din talaga ako~" Narinig kong kuwento ni Alex.



"Super! Tapos ang tatangkad pa, ang puputi, ang lalaki ng abs na parang pandesal!" Hayag naman ni Ayesha at sumisigaw-sigaw pa sila. Parang namimilit na ewan.



"Huy!" Kinakalabit ko sila.



"Sino ba 'yong silent type sa kanila? Ma-search nga ulit mamaya."



"Basta 'yong isa si sexy Hyung Jenrick 'yon—'yong may pinakamalaking abs. Oh, my gosh! Sana mahawakan ko 'yon someday~"



Mukhang hindi nila ako napapansin. Bigwasan ko na kaya itong mga 'to?



"Ang astig nila, ayon lang din talaga ang masasabi ko."



"Pangarap kong maging boyfriend 'yong isa sa kanila—OMG! At kapag nagkataon na mangyari 'yon, maraming maiinggit sa akin."



"Oo nga~"



Napangisi na ako. Nakakainis lang dahil hindi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila. Napacross arms na ako sa harapan nila pero parang hindi pa rin talab.



"Mabuti nalang na-i-send natin 'yong video kay Prince Dazu."



"Oo nga, dahil kung hindi, wala si Shimi ngayon dito at wala rin tayo. E 'di sana, hindi natin makikita ang mga Prince 'di ba?"



"Tama! Kaya ayos talaga 'yong plano natin." Nag-apir-an pa sila at nagtawanan.



"Sige lang! 'Wag n'yo akong pansinin." Turan ko.



"Ha? Bakit? Ano 'yon Shimi?" Tanong ni Alex nang lingunin nila ako.



"Ay gano'n? Kapag bumubulong ako saka n'yo lang ako naririnig?" Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano 'yong na-i-send na video na sinasabi n'yo?"



Bigla silang nanigas tatlo matapos kong itanong 'yon.



"Ha? Ah, wala 'yon!" Nagkatinginan sila at parang nagkakatulakan.



"Uhm, Shimi? Gusto mo ba ng potchi? Mamaya ililibre ka namin."



"Ay oo nga! Ililibre ka namin mamaya. Kahit ilan pang balot ng potchi ang kuhain mo ayos lang."



Nagmamasid ako sa mga sinasabi nila. Parang may kakaiba, e.



"Siya, tara na! Sundan na natin 'yong mga Prince." Nag-uunahan sila sa paglabas pero humarang ulit ako sa daraanan nila.



"Sandali! May nililihim kayo sa akin 'no?" Tinitigan ko sila isa isa.



"Ha? Wala kaya! Wala naman, e!" Sabay sabay nilang sabi tapos kanya kanya agad silang sibat. Nagkakatulakan pa nga, e.



Sinundan ko sila ng tingin. "Ano bang nangyayari sa mga 'yon?" Napailing nalang ako.



"ANO KAYANG mayroon dito?" Ani Alex.



Nandito kami ngayon sa abandunadong lugar sa may bandang gilid. Nakasilip kami at nagtatago habang inaabangan kung anong mangyayari. Para kasing may hinihintay 'yong mga Prince. Mga nakatayo sila at maangas 'yong tingin sa malayo.



"Parang feeling ko gulo 'yong mangyayari." Sabi ni Ayesha.



"Bakit? Nakikita ba 'yon ng third eye mo, ha, Ayesha?" Tanong sa kanya ni Jamaica.



"Baliw ka! Hindi naman siguro mga multo ang inaabangan nila rito? Tignan n'yo parang nanlilisik 'yong mga mata nila parang may kakalabaning mga halimaw."



"Hala! Mga halimaw nga. Tignan n'yo!" Tinuro ni Alex 'yong mga malalaking lalaki na paparating.



"Mga mukha silang bakulaw hindi halimaw." Turan ko. "'Wag kayong maingay dahil baka marinig nila tayo." Suway ko sa kanila. Ngayon nakatingin lang kami sa kanila at nag-aabang kung anong mangyayari.









(Book 1)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon