CPMGP_Chapter 6

Começar do início
                                    

Birthday: March 27, 1999

Blood type: 0

Characteristic: Half Thai, Super kulit Princess



Sila lang naman ang mga best friends ko sa Asia Academy. 'Yun nga lang hindi ko alam kung bakit nagpatransfer din sila ngayon dito. Hindi ko naman sila makausap ng matino ngayon, paano ba naman, hindi nila maialis 'yong mga tingin nila sa mga Prince.



"Ang guwapo talaga niyaaa~"



"'Yung dalawa ang machooo, pack na pack crush ko na sila~"



"Sa tingin ko tama lang na sumunod tayo kay Shimi rito, kung hindi kasi, hindi natin sila makikita sa personal."



"Bakit n'yo ba ako sinundan dito?" Tinanong ko sila pero wala man lang sumagot sa kanila kahit isa. Ba naman, 'yong focus nila e nasa mga Prince at kung ano ano pang mga pinagsasasabi nila. "Ayan tayo e 'no?" Bulong ko.



"Hey, girls!" Nang bigla kaming lapitan no'ng isang Prince tapos lumapit pa 'yong lima kaya napatingin kaming lahat sa kanila.



"Umamin na kayo. Sino sa inyong apat 'yong tinutukoy ni Dazu?"



Agad umiling 'tong tatlong katabi ko kaya malamang sa akin sila napatingin ngayon kaya nagulat din ako. Pero siyempre umiling din ako ng hindi ako. Ipapahamak ko ba naman ang asarili ko?



"Hey! Are you guys okay?" Sabat no'ng isang Prince. Pinagpupulungan na kami ng anim na Prince ngayon. Pero—freak! Ang sarap mag-aral dito kung sila 'yong makikita mo araw araw.



"Pakawalan n'yo na kami, wala naman kaming alam sa sinasabi n'yo." Cool kong sagot, kunyari hindi kinikilig. Pero deep inside, mapapatili ka talaga. Samantala 'tong tatlo na katabi ko e hindi matinag sa kakatitig sa mga Prince hanggang ngayon. Mga muntanga.



"Hindi ba't mga taga Asia Academy kayo?"



"Umh, pero hindi namin kilala 'yong sinasabi n'yo. Malay n'yo naman nagsuot lang siya ng kagaya sa uniform namin sa Asia Academy para pagbintangan kami." Cool kong palusot.



"Dazu, mukhang may point naman siya sa sinabi niya." Ayan, mukhang maniniwala na sila.



"Kung gano'n, sabihin mo sa akin kung anong dahilan bakit kayo nagpatransfer dito?" Sabi naman no'ng Prince Azu habang nakakunot 'yong noo niya. Mabilis ulit akong umisip ng palusot.



"Prince Azu, wala naman sigurong masama kung lumipat kami rito?" Sagot ko sa kanya, tapos napanganga 'yong anim na Prince sabay tawanan as in hagalpak gano'n.



"Anong tinawag mo sa pangalan ko?"



"Prince Azuh." Proud kong sagot.



"F***! Bitiwan n'yo ako sasakalin ko 'to!!!" Bigla niya akong sasakalin sa 'di ko malamang dahilan. Mabilis naman siyang nahawakan ng mga Prince at inaawat siya dahil nagliliyab siya sa galit.



Wow grabe! Takot ako, ah? Nagwawala na siya ngayon.



"Teka lang Dazu, relax ka lang babae 'yan. Hey! Ano bang pangalan mo?"



"Shimi Park."



"Shimi Park?" Parang napaisip siya. "Hmm, kung gano'n, hindi Prince Azu ang pangalan niya kundi Prince Dazu. Letter D 'yong unahan at hindi A."



"Ah, gano'n ba? Akala ko kasi Azu, e." Ulit ko pa na siyang lalong ikinagalit ni Prince Azu este Dazu.



"Hoy! Sa susunod na marinig ko pa ulit sa 'yo 'yan papatayin kita!"



Grabe, ang guwapo niya kahit nagagalit. Pero mas bet ko 'yong isa, ay hindi pala, basta lahat sila guwapo e. "Puwede na ba kaming umuwi?" Tanong ko.



"HINDI!" Sigaw no'ng Dazu.



"Oh, 'e di, hindi." Bulong ko naman. Masyado mainitin ang ulo nako.



"Dazu, palagay mo isa sa kanila 'yon?" Hindi siya sumagot dahil bigla siyang lumapit sa akin at tinitigan ako. Freak! Ang hirap tumitig sa mga mata niya. Sana hindi niya ako makilala. Medyo napapaiwas ako ng tingin.



"Mga Prince! Tignan n'yo po 'to." Biglang may mga pumasok na lalaki. Yung mga lalaking binugbog ko kahapon sila na naman. Nagsilapitan ang mga Prince at parang may binigay na isang papel doon kay Dazu. Ano kaya 'yon? Tapos bigla siyang tumingin sa akin kaya naimbyerna ako. "Hindi pa tayo tapos." Pagkasabi niya no'n nagtakbuhan na sila papalabas kaya nakahinga kami ng maluwag.






---------------

Author's Note:

Si Shimi De Vina Park  po ay anak nina Shin Kai Park at Kimi De Vina sa storyang 'The Silent Gangster' Book 1 & 2, pero dahil revising ako ro'n, hindi n'yo muna siya mababasa sa ngayon.




Si Shimi De Vina Park  po ay anak nina Shin Kai Park at Kimi De Vina sa storyang 'The Silent Gangster' Book 1 & 2, pero dahil revising ako ro'n, hindi n'yo muna siya mababasa sa ngayon

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora