Naramdaman siguro ni Ashton ang tingin ko kaya napalingon sya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang hitsura ngayon ng mukha ko, bigla kasi syang nagulat. Kaagad syang napatayo na parang nakuryente sa silya nya. Mabilis nya akong tinungo. Humabol naman ng tingin sa kanya ang dalawang babae. Nakita kong nawala ang ngiti nila nang makita ako.


"Kayleen, tulungan na kita." Kinuha nya ang tray na hawak ko.


"Wow, pagdating kay Kayleen nagiging gentleman ka no? How cute!" may kahalong pang-iinis sa tono ni Ashleen kahit na mukhang masaya naman sya.


Nabawasan ang inis ko bigla.


"Pst! Warren!" tawag ni Ashton sa kabanda nya.


"Bakit?" tanong ni Warren na lumingon sa amin. Tumayo rin sya at lumapit sa amin. Kinuha nya ang tray na hawak ni Ashleen.


"Thank you Warren!" sabi ni Ashleen sa lalaki.


Namula naman si Warren bigla. Nauna syang lumakad pabalik sa lamesa. Sinundan naman sya ni Ashleen.


Tinignan ko si Ashton.


"B-Bakit?"


Hindi ko sya sinagot at naunang maglakad. Bakit ba ako nagkakaganito? Ayoko nang ganitong pakiramdam. Wala ako sa mood bigla. Ayaw ko naman syang awayin pero bakit parang gusto ko syang awayin? Naghahanap ba ako ng away? Hala! Bakit ko sya aawayin? Ano ba ang problema ko?


Nakita kong umupo si Ashleen sa kaninang inuupuan ni Ashton, sa gitna ng dalawang babae. Ang saya ng ngiti nya sa dalawa nyang katabi. Parang nang-aasar. Gusto kong mag-tumbling Gusto ko syang palakpakan!


May nag-iisang bakanteng monoblock chair nalang na natitira, bakit kulang? Nasa tabi ni Gio ang upuan na 'yon. Nang uupo na ako, bigla akong pinigilan ni Ashton. Sya ang umupo sa bakanteng silya.


"Eh?" sambit ko.


Ngumiti naman si Ashton nang pagka-tamis. Tinapik nya ang dalawang hita nya. Gusto nya akong umupo sa mga hita nya?!


"Yun oh!" natatawang sabi ni Warren. "PDA oh."


"Uupo na yan!" cheer ni Ashleen na may kasamang palakpak. "Uupo na yan!"


Namula nang husto ang mukha ko. Hinila ni Ashton ang isang kamay ko kaya napaupo ako sa kanya. Agad naman nyang pinulupot ang mga kamay nya sa bewang ko para di ako makaalis.


"Yes naman! Ang tamis! Ang daming langgam! Woo! Inggit ako!" sabi ni Warren saka umakbay kay Trisha. "Babe, inggit ako."


"Tumigil ka," saway ni Trisha kay Warren.


Nagtawanan sila. Nag-umpisa na silang kumuha ng juice at cupcakes. Samantalang hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko. Naiilang ako. Gusto ko na ayaw ko ang pwesto ko. Hindi ako sanay! Ang lapit namin ni Ashton sa isa't-isa. Ramdam na ramdam ko ang dibdib nya sa likod ko. At yung braso pa nyang nakapulupot sa bewang ko.

Dear Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now