"Magpaturo ka kasi kay kuya Kean ng self-defense! Noong highschool kayo, siya ang nagtatanggol sa'yo palagi diba? Spoiled ka kasi sa kanya eh! Kaya ayan, di ka natuto."


Naalala ko nga ang highschool days namin ni Kean. Mga totoy pa kaming dalawa non. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako ang paboritong pagdiskitahan ng mga seniors. Palagi nila akong... Naipikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.


"Kean?" tanong ni Janin.


"Oo Janin, alam mo ba si kuya Kea—"


Tinakpan ko ang bibig ni Ikay. Binigyan ko siya ng isang tingin na makakapagpa-alala sa kanya na hindi dapat malaman ni Janin ang tungkol kay Kean. Mukha namang naintidihan niya.


"Ha-ha-ha! Kunin ko na 'tong ice pack. Matutulog muna ako sa kwarto ko."


"Sige kuya."


Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama. Haay. Muntik na 'yon. Kailan kaya sasabihin ni Kean kay Janin ang lahat? Bumabalik ang ex ni Janin, baka maunahan pa ang kaibigan ko. Dapat gumawa na siya ng paraan. Kung bakit ba kasi medyo mabagal dumiskarte ang taong iyon?


Text ko nga.


***


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at mas piniling matulog ulit pero muli iyong tumunog.


May nag-text. Dalawang magkasunod na text message. Siguradong promo lang 'yan galing sa provider.


Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Gamit ang isang mata ay binuksan ko iyon at binasa ang text. Napapikit pa ako dahil sa pagkasilaw. Nakita kong eleven na ng gabi nang silipin ko ang oras.


From: Sienna Aquino

Dylan, are you free tomorrow afternoon?

Pwede ba tayong magkita? :)


Mabilis akong napaupo sa kama ko nang makita ko ang pangalan ni Sienna. Nag-text ang crush ko! Shit! Paano ako magrereply? Tang na juice. Ako ang unang nag-text sa kanya para ibigay ang number ko. Tatlong oras yata akong nag-compose ng message para magpakilala sa kanya.


Ngayon, ano ang irereply ko? Isip, Dylan. Binasa ko nang paulit-ulit ang message niya sa akin. Shit. Unang text niya to sa'kin. Screenshot ko kaya at ipadala kay Kean? Haha! Parang teenager lang.


Nga pala may ikalawang text pa. Agad na nawala ang ngiti ko nang mabasa ko iyon.


Btw, Francis is coming too.


***


Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko pa si Janin na paalis na ng bahay papunta sa kanyang trabaho.


"Dylan," tawag niya sa akin. Nakatingin siya sa pasa ko. "Sorry talaga."


"Janin tama na, sobrang quota na ako sa sorry mo. Okay lang ako, hindi naman na sumasakit e. Mawawala rin agad 'to. Paalis ka na ba?"


"Oo," sagot niya.


"Hatid na kita," sabi ko.


"Huh? Hwag na!" tanggi niya na umiiling.


"Sige na, ihahatid kita hanggang sa makasakay ka ng bus. Baka nandyan na naman ang ex mo."


"Eh, pero..." alanganin na sabi niya.


"Janin, alam mo, parang kapatid na rin ang tingin ko sa'yo. Ganito rin ang gagawin ko kung si Ikay ang sinusundan ng ex niya, kahit pa si Ashton 'yon. Hayaan mo na ako na gawin 'to, para mapanatag ang loob ko," kumbinsi ko sa kanya.


"S-sige."


"Good. Text mo rin ako mamaya kung pauwi ka na, susunduin kita sa may gate."


"Huh?! Hwag na! Abala na sa'yo masyado," tanggi niya ulit.


"Ano bang abala? Malapit lang ang gate, kaunting lakad lang."


"Pero..."


"Janin, kahit hindi mo ako itext mamaya, hihintayin parin kita sa may gate. Maghihintay ako roon kahit ilang oras pa ang abutin." Ngumiti ako sa kanya. "Kaya mas mabuti kung itetext mo nalang ako kapag malapit ka na."


Tinitigan niya ako nang ilang segundo saka siya napayuko.


"S-sige, magte-text ako mamaya," mahinang sabi niya.


"Okay, tayo na."


"Dylan."


"Hmm?"


"S-salamat," sabi niya at saka ako nilagpasan para maunang maglakad.


Namula ang mukha ko. "Walang anuman," sabi ko sa likod niya.


Ang lapad ng ngiti ko habang ihinahatid ko siya. Hindi ko alam kung bakit.


***




Dear Ex-BoyfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora