Kabanata 48

8.2K 116 7

Kabanata 48

Ligaya

Nagtagal ng kalahating oras ang biyahe papunta sa nasabing resort sa Cordova. At sa tingin ko ay mamahaling resort iyon, dahil hindi naman siguro pipili si Hoseff ng isang hindi kilalang bakasyunan. Marahil ay pinili niya ang isa sa pinakasakit na resort dito na tanging mga turista at mayayamang tao lamang ang makaka kaya. Sumandal ako sa upuan ng sasakyan, hinilig ang ulo rito at pinagmasdan ang mahabang tulay na aming binabaybay. Tulay ito na nagdudugtong sa kabilang bahagi ng Cordova. Naroroon sa ikalawang bahaging iyon ang mga establisyemento na hindi makikita sa pangunahing lupain ng nasabing probinsya.

Pagkarating namin doon ay agad naming natanaw ang mga turista na naglalakad lakad sa daanan, at wala silang pakialam kung naka two piece lang o tanging salawal ang kasuotan. Nakapaligid sa bawat daanan ang mga bilihan ng subenir, palatandaan na malapit na nga kami sa nasabing dagat.

Ang malamig na simoy ng hangin at pamilyar na ingay na ginagawa ng mga alon ay ang isa rin sa aking mga naging batayan. Hinawi ko ang nagkagulo kong buhok nang iparada ni Hoseff ang kaniyang mamahaling sasakyan sa isang paradahan. Masyadong nakakasilaw at agaw pansin ang kaniyang kotse para sa karamihan, kaya naman ang lahat ay napapalingon at pasimpleng kumukuha ng larawan. Ah, tunay ngang napakamahal siguro ng kaniyang sasakyan.

"Andito na tayo." Tinanggal niya ang kaniyang itim na ray-ban at isinabit sa suot niyang color-block sweatshirt na matinding kumakapit sa kaniyang pangangatawan. Nagbibigay iyon ng pasilip sa katawan niyang pang modelo at mistulang hinulma nang mabuti ng isang mahusay na manlililok. Inangat niya ang manggas nito patungo sa kaniyang siko, binuksan ang pintuan sa kaniyang kaliwa at naunang lumabas ng kaniyang sasakyan. Umikot naman siya at tumungo sa aking kinaroroonan at pinagbuksan ako ng pintuan kung saan agad akong umibis palabas.

Sa aking suot na heels, ay naghihiwalay hiwalay ang mga buhangin sa tuwing gumagawa ako ng mga hakbang. Hawak hawak ko ang kamay ni Hoseff habang patungo kami sa isang babae na nakasuot ng puting uniporme. Nakita kong kuminang ang mga mata ng dalaga nang masilayan ang aking kasamang lalaki. Oo, guwapo si Hoseff, napapalingon agad sa kaniya ang mga babae, aakalain mong isa siyang sikat na artista na hindi malapitan nino man, at hanggang tingin na lamang sila. Nakaka asiwa pa lang sumama sa taong may ganoong uri ng karisma.

Kinuha ni Hoseff ang kaniyang pitaka sa kaniyang likuran, may kinuhang iilang papel na pera at ibinigay sa dalaga. May sinabi siyang iilang impormasyon tungkol sa cottage na aming pinili, tinanong pa siya nito kung hindi namin pipiliin ang hotel na may mga malalawak na silid. Tumanggi naman si Hoseff, sapagkat saglit lang naman kami sa resort na ito. Uuwi rin naman kami kaagad at maghahanda ng selebrasyon.

Ganoon ang plano sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang manabik sa lahat ng iyon. Marahil ay tama ang kamalayan ko. Tama siya na hindi ko naman talaga gusto ang lahat ng ito at si Kerwin ang nais kong makasama sa oras na ito. Nais ko siyang puntahan sa Ospital subalit hindi ko magagawa iyon. Dahil baka masira lamang ang pinaplano kong distansya kapag sinunod ko ang aking gusto. Pumikit ako nang mariin. Umiling iling at bumuntong hininga, pinaluwag ang aking dibdib. Nakatulong naman iyon kahit papano upang mailabas ang mga namumuong kirot sa damdamin.

"Are you hungry? Do you want something to eat?" Pag aalok ni Hoseff nang madaanan namin ang linya ng mga kainan sa gilid ng dagat. Sa dalampasigan ay may mga iilang turista na dumaraan at naglalatag ng kani kanilang mga banig sa puting buhangin. Ang iba naman ay umaalis dahil naiinitan masyado. Hindi pa naman tag init subalit punong puno ang tao rito.

Umiling ako bilang pag tanggi sa kaniyang alok. "Hindi ako nagugutom."

Nangunot ang noo niya, nagkibit balikat at umiwas ng tingin. Naglakad siya patungo sa napili naming nipa hut, hinayaan niya akong sumunod sa kaniya at nang makatungtong na kami sa kinatitirikan ng cottage, mabilis niyang inilapag sa sahig ang mga bag namin na naglalaman ng mga damit. Umakyat ako sa loob nito, tinanggal ang sapin sa paa at pinagmasdan ang maliit na kama na kasya ang isa o dalawang tao. May maliit na lamesa sa sulok na pinaiikutan ng mga upuan na yari sa kawayan. Sa gitna 'non ay may lampara na may kakahayahang ilawan ang buong kubo. Simple lamang iyon hindi tulad ng inaasahan ko.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!