Kabanata 01

42.6K 637 19

(c) K I N G S T O N J
K a b a n a t a - 0 1
Tatlo

"Aleandra! Puta. Halika nga rito." Narinig ko ang malakas na boses ni Ina. Mababakas doon ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawa kong pag sampal sa mamimili niya. Samantalang ako naman ay nandirito sa ilalim ng aming lamesa. Takot na takot na makita niya.

"Pag ikaw nahanap ko, yari ka sa akin." Pagbabanta niya pa. Ayan na. Nakita ko na ang kaniyang paanan sa aking harapan. Hindi pa rin ito mapakali. Napabuga ako ng hangin. Napahawak ako ng napaka higpit sa kaniyang salamin sa mata. Kinuha ko talaga ito sa kaniya para hindi niya ako makita. Sa sobrang labo ng mga mata ni Ina, may posibilidad na hindi niya ako makita gamit ang kaniyang mga mata na may deperensya.

Maya maya ay narinig ko na ang pag bukas ng pintuan ng kwarto ni Jennica. Napapikit na lamang ako at pinigilan ang pag hinga. Naku, yari na.

"Ate Aleandra. Ano po ang ginagawa niyo sa ilalim ng lamesa?" Namilog ang mga mata ko nang marinig na magsalita si Jennica. Bwisit ka. Panira ka. "Ate labas ka na. Nagmumukha kang tanga." Hinila pa ako ni Jennica. Sakto namang lumabas sa kusina si Ina na may hawak na hawak na latigo. Ihahampas niya sa akin ito. Ano pa ba ang bago? Iyon naman lagi ang ginagawa niya kapag may kasalanan ako. Pinaparusahan. Pinahihirapan nang husto.

Isang nagbabantang tingin ang ibinigay ko kay Jennica. Nagtataka naman niya kaming tinitigan ni Ina. Nagpakawala muna ako ng mabigat na buntong hininga at napapikit na tinanggap ang latigo ni Ina sa aking balat. Nanuot iyon sa aking braso. Napaungol ako nang sobra kasabay 'non ay ang sunod sunod na ingay na ginagawa ng latigo sa tuwing ito ay tumatama sa balat ko.

"Ina, tama na." Pagpipigil ni Jennica at niyakap sa beywang si Ina, ngunit buong lakas niya iyon tinulak dahilan para matumba si Jennica sa semento na aming kinatatayuan. Napaawang ang aking labi nang makitang nangilid ang mga luha niya. Agad naman siyang bumangon mula sa pagkakaupo sa sahig at humihikbing tumakbo sa kaniyang kwarto. Dadamayan ko pa sana nang biglang hilain ni Ina ang itim at mahaba kong buhok.

"Ano ba Ina?" Buong lakas kong tinanggal ang pagkakakunyapit ng kaniyang mga kamay sa aking buhok. Nagkagulo gulo iyon. "Sinampal ko lang naman siya kasi hindi tama ang ginawa niya! Ano ba ang gusto mo? Maghubad ako sa harapan niya? Hindi ako G.R.O 'ma!" Isang masakit na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Hindi naman nagpatalo si Ina.

Padabog na ibinagsak ni Ina ang latigo na ipinang hampas niya. "Putapete kasi Aleandra! Mayaman yung tao. Hindi mo ba alam na sila ang may ari ng Hacienda de Espiñosa sa isla Espiritu? At kapag nagustuhan niya ang serbisyo natin sa kaniya, maari niyang balik balikan ito! Malaking pera ang hatid 'non." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Ina.

Sila pala ang may ari ng Hacienda de Espiñosa. Isa sa mga malalaking hacienda dito sa probinsya ng Cordova. Pinalalakad ito ng mga mayayamang angkan. At sa sobrang lapad ng lupain nito, hindi ko na alam kung ilang malls ang maipapatayo nila. Hindi biro ang makapasok roon. Dapat muna ay maging isa ka sa mga mayayamang angkan o maging kaibigan ng isa sa miyembro ng mga Espiñosa. Maliban na lamang kung isa sa kanilang mga katulong na pinapahirapan nila.

"Pero dahil sa ginawa mo! Sinira mo na ang imahe ng tindahan na 'to sa kanila! Hayop ka talaga!" Sinampal ako ni Ina. Hindi ko siya maintindihan. Lagi namang pera ang iniisip niya. Pero hindi ko akalain na hindi niya iisipin ang sarili niyang anak. Masyadong nabubulag si Ina sa mga pera't salapi. Sa sobrang pagkabulag ay hindi niya na nalalaman kung nabubunggo na ba niya ang kaniyang mga anak sa kaniyang mga maling hangarin.

"Bakit ba pera ang laging iniisip mo Ina? Sana naging pera na lang kami para--."

Isang malaking sampal ang ibinigay niya. Para akong natulig dahil sa ginawa niya at nahilo agad ako dahil sa pagka alog ng ulo dahil sa ginawang pag sampal sa aking mukha.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!