Kabanata 43

7K 123 7

Kabanata 43

Pagmamakaawa

Nagising ako kinaumagahan, ngunit hindi ko inabala ang sarili na imulat ang mga mata. Parang ayoko pang idilat ang mga ito, dahil sa oras na gigisingin ko ang sarili ko, alam kong hindi na ang silid na nakasanayan ko ang masisilayan ko. Alam kong iba na ang silid na makikita ng aking mga mata, sa oras na idilat ko ang mga ito.

Pinakiramdaman ko lang ang paligid ko, wala akong marinig na kung ano, maliban sa mga humuhuning ibon, at ang mabigat na pag hinga ng lalaki, na marahil ay malapit lamang sa akin. Sinadiya kong galawin ang bisig, at nasanggi ko ang katawan ng naturang lalaki. Lumunok ako, muling nakaramdam ng pangingirot sa aking dibdib na naninikip noong gabi pa. Pumihit ako, hindi minulat ang mga mata at tumalikod mula sa kaniya. Ayoko pang magising. Ayokong iba ang madatnan kapag minulat ko ang mga mata kong nagluluha pa rin.

Hindi ko na mabilang kung ilang luha ang tumambay sa mga mata ko nong nagdaang gabi na iyon. Ang tulog ko ay hindi sapat para kumilos nang maayos sa araw na ito. Labis akong napuyat dahil kahit nakapikit ang aking mga mata, gising na gising ang aking diwa at luha.

Lalo pang umigting ang kalumbayan nang maalala ang mga kaganapan noong gabing nagdaan. Hindi ko lubusang maisip na wala na talaga si Lola at Lolo Tonying. Mga taong pinahalagahan ko na sa kabila ng maikling panahon na pagsasama. Pati na rin si Kristoff na lubhang napuruhan kahit wala naman siyang kinalaman sa lahat. Nanlalamig ang aking katawan, sa tuwing naalala ang lahat ng iyon. Kung susubukan mang kalimutan ay napaka hirap 'non.

Naramdaman kong bumangon ang lalaki sa aking tabi. Si Hoseff. Nandidiri ako sa isipang natulog siya sa aking tabi. Nandidiri ako sa realisasyon na iba ang aking nakatabi sa halip na ang pinakamahal kong lalaki. Alam kong isinisik niya ang sarili niya sa akin, dahilan para magtindigan ang mga balahibo ko sa aking balat. Dama ko ang hubad niyang katawan sa aking likuran. Nais ko siyang itulak ngunit naninigas ang aking katawan. Hindi magawang gumawa ng ni isang galaw. Tila ba'y naestatwa.

"Good morning." Dinig kong sabi niya, isinubsob ang mukha sa aking leeg na naging dahilan para idilat ko na ang aking mga mata, mabilis na bumangon at lumayo sa kaniya. Umusog ako sa kabilang bahagi ng kama, matalim na titig ang ipinupukol sa kaniyang mga matang mistulang nasasaktan at nagmamakaawa. Hindi. Hindi dapat ako magpaniwala. Dahil ang mga demonyo ay magaling manlinlang ng kapwa. "W-why are avoiding me?" Untag niya. Sinubukan pang lumapit sa akin ngunit muli akong lumayo sa kaniya.

Nangunot ang noo niya, inangat ang isang kamay at hinaplos ang perpekto niyang panga. Mistulang sinusuri ang aking katawan. Lumunok ako, bigla kong naalala na iba ang kasuotan ko sa umagang ito. Bumuntong hininga ako, pinapakalma ang sarili sa hinuhang siya ang nagpalit ng aking saplot. Pinandilatan ko siya, isang nagbabantang tingin ang nakalapat sa aking mga mata.

"Ikaw ang nagpalit ng damit ko?" Mariin kong katanungan. Lumapit sa kaniya, pinapakita na hindi ako natatakot sa kabila ng aking mga kakulangan sa kalakasan. Lumunok siya, nakita ko ang umaalon niyang lalagukan. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso, tila ba'y nagpipigil ng kung anong emosyon at kinakabahan sa aking katanungan na ibinato. "S-sumagot ka!" Napakurap siya, bumuntong hininga nang napaka bigat at nagdilim ang mga mata.

Napalunok ako nang mabuti. Ah, hindi dapat ako nagpapasindak sa kaniya. Mukhang naiinis na siya, at kahit ano mang oras ay handa na niya akong pagbuhatan ng kamay o saktan. Hindi ko alam kung alin sa dalawa. Pero alam kong may kakayahan siyang gawin iyon sa isang tulad kong alam niyang mahina.

"Yes. I did." Pumikit siya nang mariin. Sumiklab ang galit sa akin, hindi niya dapat ako hinawakan! Hindi niya dapat ako pinakealaman. Si Kerwin lamang ang maaring humawak ng aking katawan. Nag iwan ng mapait na ala ala sa aking isipan nang mabanggit ng aking kamalayan ang pangalan ng lalaking minsan na naging bahagi ng aking buhay.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!