Kabanata 15

11.5K 210 5

Happy 15th chapter. =)
(c) He is We ( I wouldn't mind )
(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 15
Sakto

Totoo ba ito? Iyon ang una kong naitanong sa sarili ko habang pinagmamasdan siyang nakatayo sa harapan ko at nagsimulang kalabitin ang kaniyang gitara. Hindi ko akalain na ako nga ang liligawan niya. Pakiramdam ko ay ang puso ko ay tumakbo nang matulin at nagpahinga. Hindi matigil tigil ang pagtibok nito habang pinapakinggan ang mga musikang binibitawan ni Kerwin sa aking harapan.

"Ah, pasensya na Aleandra kung hindi ko man magawang kantahin ng maayos ang kanta. Ingles kasi at kagabi ko lang inaral." Mahina siyang humalakhak at muling kinalabit ang gitara. Ako naman ay parang wala sa sariling nakangiti sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na ginawa niya ang lahat ng iyon para lamang matupad ang kagustuhan niya. Ang kagustuhan niyang kantahan ako at ipakita kung gaano siya kadesidido na makuha ang 'oo' na hihinintay niya.

"Merrily we fall out of line, Out of line." Mahina niyang kinanta ang unang bahagi ng kanta. Agad na nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig kung gaano kaganda ang boses niya. Hindi pamilyar sa akin ang kanta na inaawit niya ngunit mukhang magiging bagong paborito ko na ito matapos niyang kantahin nang maayos ang bawat himno ng kanta.

"I'd fall anywhere with you I'm by your side, Swinging in the rain, Humming melodies
Were not going anywhere until we freeze."  Napapikit pa siyang inawit ang kanta. Dinadama niya ang bawat mensahe na hinahatid ng kantang inaawit niya. Ako naman ay napapasabay na lamang kahit hindi ko alam ang kanta. Ginawa ko iyong mahina para hindi ko masapawan ang ginagawa niyang pag awit sa aking harapan. Hindi man lang siya nagsalita sa akin noon na magaling siya kumanta. Edi sana sinulit ko na ang pagkakataon na pakantahin siya.

I'm not afraid anymore I'm not afraid

Forever is a long time But I wouldn't mind spending it by your side

Idinilat niya ang kaniyang mga mata at tinanaw ang akin. Samu't saring emosyon tuloy ang naipasa sa akin sa pamamagitan ng kaniyang ginawang pag titig. Nagwala tuloy ang mga kulisap sa aking kalamnan at nagsi talunan ang mga hayop sa loob ng aking dibdib dahilan para marinig ko na ang sariling pintig.

Carefully were placed for our destiny
You came and you took this heart and set it free
Every word you write or sing is so warm to me
So warm to me I'm torn
I'm torn to be
Right where you are

Wala akong mahanap na dahilan para siya ay tanggihan. Ginawa niya ang lahat para ako ay mahulog sa kaniya. Ipinakita niya sa akin na karapat dapat siya piliin kahit mahirap siya. Ipinakita niya sa akin na hindi hadlang ang kahirapan sa pag abot ng pangarap. At mas lalong hindi hadlang ang mga taong tutol sa pagmamahalan. Ipinakita niya rin sa akin na mahirap ay kayang lumaban; alang alang sa pag ibig na hinahangad.

Forever is a long time
But I wouldn't mind spending it by your side
Tell me everyday I'd get to wake up to that smile
I wouldnt mind it at all
I wouldnt mind it at all

Nang una ko siyang nakita, naalala ko pa kung paano naging abnormal ang pag tibok ng puso ko. Paulit ulit kong tinatanong ang sarili kung ano ang meron sa kaniya at napa ibig ako nang ganito kabilis. Iyon ba ay dahil sa mga mata niyang nagsisilbing bintana sa nararamdaman niya? Iyon ba ay dahil sa maamo niyang mukha na mapapalingon ang lahat? Iyon ba ay dahil sa katawan niyang kahit sino ay maakit niya? Hindi. Hindi dahil doon. Napa ibig ako dahil siya ay siya.

Forever is a long long time
But I wouldn't mind spending it by your side
Tell me everyday I'd get to wake up to that smile
I wouldnt mind it at all
I wouldnt mind it at all

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!