Kabanata 05

18.3K 325 2

/ I'm going to edit this chapter soon. Short lang kasi busy talaga hahaha /

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 5
Regalo

Pinagmasdan ko ang unti unting pagwala ng kotse ni Hoseff sa aking paningin. Muli akong napabuntong hininga nang tuluyan na nga itong mawala. Ibinaling ko ang tingin kay Ina na napakalawak ng ngiti na halos umabot na ito sa kaniyang tainga. Alam ko namang hindi siya magagalit dahil alam niya na si Hoseff lang naman pala ang aking kasama.

Basta mayaman ang aking kasama alam ko namang masisiyahan siya. Pangarap na talaga ni Ina na magkaroon ako ng asawa na mayaman. Pero ayoko namang magpakasal sa taong hindi ko pa naman mahal. Hindi sukatan ang pera sa pagmamahalan. Kung gaano katibay ang pagmamahalan ang mahalaga.

"Ano ang nangyari Aleandra? Magkwento ka nga." Marahang hinawakan ni Ina ang aking braso habang papasok kami ng bahay. Para bang inaalalayan ako habang naglalakad. Ganito naman talaga ang turing niya sa akin kapag alam niyang may maitutulong na akong malaki para sa kaniya. Kapag alam niyang malapit ko nang matupad ang pangarap niya. "Teka. Huwag muna. Magbihis ka muna." Aniya at bahagya akong tinulak patungo sa aking kwarto na nasa kabilang dulo lamang ng aming sala.

Para bang nilipad na lamang ako ng hangin patungo sa aking kwarto. Tulala lamang ako habang hinahalungkat ang mga damit ko. Kinuha ko ang isang simpleng t-shirt, shorts at hinubad ang basa kong damit. Bahagya rin naman itong natuyo dahil sa init. Napasinghap akong tinali ang aking medyo basang buhok. Mukhang magkakasakit pa ata ako.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto. Naabutan ko pang si Ina na nakatayo sa harapan ng pintuan at may dalang isang basong tubig. Inilahad niya ito sa akin na agad kong kinuha. Para bang isa siyang ulirang Ina sa mga kilos niya. Ang galing talaga umacting kahit kailan ni Ina. Porket alam niya lang na may nagiging kalapit na akong mayaman, tinuturing na niya akong isa niyang anak.

"Naku. Ang lakas ng ulan kanina. Buti na lang kasama mo si Sir Hoseff at naging maayos naman ang iyong kalagayan sa kaniya." Wika ni Ina at kinuha ang baso sa aking kamay pagkatapos ko uminom. Inilapag na niya ito sa lamesa na agad namang kinuha ni Jennica upang hugasan sa kusina. Napabuntong hininga na lamang akong iniwasan ang mga sinabi ni Ina at naupo sa isang upuan sa sala.

Naupo rin naman siya sa tabi ko at tila ba'y isang batang sabik na sabik na kwentuhan ng isang kwento.

"Magkwento ka naman, anak." Aniya. Unang beses ko narinig sa kaniya ang salitang anak. Ngunit hindi iyon masarap sa pakiramdam tulad ng aking inakala. Alam ko namang hindi ito ginagawa ni Ina dahil ako'y anak niya. Ginawa niya ito dahil alam niyang may benepisyo na ako para sa kaniya. "Anong ginawa niyo, dali."

Tamad kong idinapo ang tingin kay Ina. "Ma. Wala po kaming ginawa. Sinamahan niya lang po ako, umuwi." Napapikit ako at nagpakawala ng iilang mura. Dapat pala ay sinabi kong gumala kaming dalawa. Baka isipin ni Ina na baka saan ako nagpunta at iniwan ko ang tindahan niya.

Nangunot ang noo ni Ina tulad ng aking inaasahan. "Bakit? Saan ka ba nagpunta?"

Napalunok ako ng ilang beses bago sabihin ang naisip na idahilan. Ayoko namang madamay si Kerwin kapag nalaman ni Ina nanggaling ako sa tahanan ng isang magsasaka.

"Namasyal po kasi kaming d-dalawa. Niyaya niya po ako. Kaya ayun. Sumama na lang rin po. Nababagot din po kasi ako. Pasensya na po, kung iniwan kong bukas ang tindahan na 'to." Napangiwi kong sabi at isang mahinang mura muli ang pinakawalan. Muntikan na ako 'ron ah. Ayan na, nakita ko na ang mga mapanuring tingin ni Ina. Kinutuban ako. Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya ngunit para bang natutukso ang mga mata ko na tumingin rin sa mga mata ng Ina ko.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!