Kabanata 46

8K 117 6

Kabanata 46

Parusa

Umigkas ang puso ko nang paulit ulit nang masilayan si Hoseff at si Ama. Kapwang nanlilisik ang mga mata at sumisiklab ang galit na alam kong dahil sa lalaki na aking kasama. Nag aalala akong tumingin kay Kerwin, ibinaling niya ang tingin sa dalawang lalaki na nakatayo sa likuran namin. Hindi siya gumawa ng kilos, nanatili lamang siyang nakatayo sa eksatong lugar na kaniyang kinatatayuan. Kinagat ko ang labi ko, tinulak siya palayo. Tumungo naman si Hoseff sa kinaroroonan niya at sinapak siya nang paulit ulit sa mukha.

Nabigla ako nang makita siyang humandusay sa sahig. Nakatingin ang mga mata niya sa akin na para bang nagmamakaawa siya sa akin. Kinirot nito ang puso ko at wala akong nagawa para iligtas siya sa sinasapit niya ngayon. Ang tanging nagawa ko na lamang ay umiyak at tumalikod. Dinig na dinig ko ang pagpapahirap sa kaniya ni Hoseff. Sa bawat suntok at sipa na natatanggap ni Kerwin, ako ang nasasaktan. Daig ko pa ang pinaslang. Pinunasan ko ang aking luha. Pinagmasdan ang mga pinadalang security na pumasok ng tahanan at dalhin ang nanghihinang lalaki palabas ng Hacienda.

Nais ko siyang habulin, nais kong manghingi ng paumanhid at hilumin ang mga sugat niya sa kaniyang katawan na tinamo niya kay Hoseff. Narinig ko ang sunod sunod niyang pagbanggit ng pangalan ko mula sa labas at hindi ako nagbalak lumingon pa. Dahil kung gagawin ko iyon, masasaktan lamang ako sa makikita. Ayokong masilayan siyang nahihirapan, nasasaktan, nagdurusa. Sobra sobrang pagmamahal ang inalay niya sa'kin ngunit hindi ko binigyang importansya.

Sinuko niya ang lahat, nawalan siya ng pamilya, ako at ang kuya niya na lamang ang tanging bagay na mayroon siya. Ako na lamang ang taong maaring maghilom sa mga sugat ng puso niya, pinagtatabuyan ko pa. Ako na nga lang ang taong mayroon siya pero nilalayuan ko pa siya. Kung pwede ko lang ipaintindi sa kaniya na para sa kaniya ang lahat ng sakripisyo, ginawa ko na. Ngunit hindi iyon ganoon kadali gaya ng aking inaakala. Tatawid pa ako sa tulay ng karayom para lamang maisabi ang mga bagay na iyon sa kaniya.

"Are you crazy? Damn it Aleandra!" Hinawakan ni Hoseff ang braso ko, napakahigpit at kulang na lamang ay manuot ito sa kailaliman ng balat ko. Damang dama ko ang galit na yumayakap sa kaniyang puso at alam ko sa mga oras na ito ang panganib na maari kong maranasan. Naalala ko ang silid na laan para sa kaniyang karamdaman. Nanikip ang dibdib ko at sinilaban ako ng labis na takot nang maisip kung dadalhin niya ba ako roon at pahihirapan.

"You're kissing him. I saw it!" Pwersahan niya akong pinaharap sa kaniya. Nasilayan ko ang nagbabaga niyang mga mata. Ang ngipin niya ay nagtatagis dulot ng labis na galit sa aking nagawa. Ako naman ay nanghihina na. Mabuway na ang mga tuhod ko at ang kamay niyang nakakapit sa braso ang tanging bagay na nagpapanatili ng aking tindig. Ang luha na umaagos sa mga mata ko ay isa sa mga bagay na nagpapahirap sa akin, isama na pati ang animosidad at sakit na pumupuno sa loob ng aking didbib.

"I'm s-sorry." Wika ko. Iyon lamang ang napagsikapan ko sa kabila ng pagsisikap kong umapuhap ng magandang dahilan sa nasilayan niyang iyon. Pero naisip kong walang magandang lusot sa nasilayan ng mga mata niya. Kung ano ang nakita niya, iyon na iyon at wala nang ibang dahilan pa. Nabigla lang din naman ako sa mga naging kaganapan , nadala ako sa sinisigaw ng emosyon ko at tunay na nararamdaman para kay Kerwin.

Nagpakawala ng mura si Hoseff. Napahilamos sa kaniyang sarili at nasilayan ko si Ama na nagbabanta ang tingin na ibinigay sa akin. Alam kong may binabalak siyang madilim na kailangan kong alamin. Ang isipin kung ano ang iniisip ni Ama ay nagpapadala ng pamilyar na takot sa akin. Baka kung ano ang gawin niya kay Kerwin matapos niya ring masilayan ang mga pangyayari. Alam kong nagtitimpi lang siya ngayon dahil kasama ko si Hoseff. Napalunok ako, muling ibinaling ang tingin kay Hoseff.

Namumula ang mukha niya, ang ugat sa kamay niya na patungo sa braso niya ay naging mas detalyado dahil sa tensyon na bumabalot sa kaniya. Mukhang pinipigilan niya ang galit niya dahil ayaw niya akong saktan. Alam ko namang may kakayahan siyang pagbuhatan ako ng kamay, ito ay pinipigilan niya lamang upang hindi ako tuluyang lumayo sa kaniya. Kahit sa totoo lang, malayong malayo na ako sa kaniya simula nang malaman ko ang tunay niyang pagkatao. Wala na siya kailangang itago. Para sa akin, ang kaniyang pagkatao ay isang bukas na libro na natuklasan ko.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!