Kabanata 20

12.5K 224 4

K a b a n a t a - 20
Sabik

Hindi ko alam kung saan ako pupunta nang magsimula akong tumakbo palabas ng kanilang mansyon. Ngunit bago ko magawa iyon ay hinila na ako ng mga kawaksi papasok upang hindi ako makalabas. Sinubukan kong pumiglas ngunit sadiyang marami ang nakahawak sa aking kamay. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin ngunit sigurado akong si Hoseff ang nagpautos ng kanilang ginagawa.

"Bitawan niyo ko!" Utas ko. Pinagtitingnan na ako ng mga tao at umalingangaw sa ere ang mga samu't saring bulong bulunan tungkol sa pamilya ko. Gusto kong maiyak at ipaglaban ang mga karapatan naming mahihirap. Hindi porket mababa ang antas namin sa lipunan ay aapihin na lamang kami basta basta. Hindi kami pwedeng magpa apak na lamang.

"Sorry po ma'am. Bilin po ni sir na huwag po kayong pakawalan." Magalang na sabi ng isang naka unipormadong lalaki na nakahawak sa aking braso. Pilit nila akong dinadala sa kung saan habang ako naman ay nag hahabol pa rin ng hininga. Hindi na ako makahinga sa galit at hiya na nag halo sa aking sistema.

Iyon lamang ang aking mga naalala. Iyon lamang ang tumatak sa aking isipan bago ako mawalan ng malay. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Basta ay nahimatay na lamang ako habang buhat buhat ako ng mga kawaksi. At ngayon ay heto ako at nakahiga sa isang malambot na kama. Hindi ko alam kung nasaan ako at para bang natatatakot pa akong malaman.

Pinakiramdaman ko ang aking kasuotan at naramdaman ko naman ang saplot ko na suot ko bago ako mawalan ng malay. Nagkaron ako ng tapang na idilat ang aking mga mata at agad na sumandal sa ulunan ng kama at napansin kong maliwanag na pala. Napag alaman ko iyon dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa salamin na bintana. Para bang kanina lang ay ang dilim dilim pa ngunit heto at ngayon ay nag uumaga na at pasikat na ang haring araw.

Inunat ko ang aking braso at iginala ang paningin sa kwarto na aking kinalalagyan. Unang pumasok sa aking isipan ang mga naganap kagabi at kung nasaan ngayon ang aking magulang. Pero mas pinili ko na lamang na isipin iyon mamaya bago ako makalabas.

Pinagmasdan ko ang kwarto at puro mamahalin ang mga kagamitan dito. Ang mga salamin ay umaabot hanggang kisame at sahig ang lapad. Ang tanging bagay na tumatakip dito ay ang kurtina na kulay asul na may iba't ibang nakaburda na desenyo. Ang mga kagamitan ay yari sa pinakinis na kahoy. Gayun din ang sahig na nakapaka kinis at walang mababakas na alikabok.

Malapad ang kwarto na iyon at may iilan pang pintuan na hindi ko alam kung saan patungo. At habang palalim nang palalim ang paglalakbay ko sa kwartong ito na mukhang buong bahay na ata namin ay narinig ko ang mga tubig na nagmumula sa loob ng banyo. Dahilan para ma alarma ako! May tao pala rito at sigurado akong si Hoseff iyon.

Napadapo ang paningin ko sa nakaawang na pintuan sa sulok at kita ko ang likuran ni Hoseff sa isang harang ng kaniyang paliguan. Nanlabo iyon dahil sa tubig ngunit hindi iyon naging sagabal upang makita ko ang kaniyang kabuuan. Napadapo ang tignin ko sa mapipintog niyang pang upu at pinamulahan ng mukha. Hindi ko dapat iyon tinitignan kaya ako'y umiwas kaagad.

Humakbang ako patungo sa aking pinanggalingan at sakto ko namang narinig ang pag tigil ng rumaragasang tubig na nangangaling sa shower room niya. Narinig ko kaagad ang mabibigat na hininga at yapak na kaniyang nililikha. Agad na kumalat sa aking katawan ang epekto ng mumunting mga tunog na iyon at kinutuban. Hindi ko gusto ko ang mga naiisip sa kasalukuyan.

"Kanina ka pa gising, Aleandra?" Kaniyang katanungan. Agad ko siyang hinarap at tipid na ningitian. Nakatapis siya gamit ang kaniyang puting tuwalya at ipinapakita ngayon ng imahe na aking nakikita kung gaano niya pinapahalagahan ang kaniyang pangangatawan. Napakalinaw ng bawat detalye at wala nang kulang pa. Kahit mumunting galaw lamang ay napapadepeni nito ang kaniyang matipunong pangangatawan.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!