Kabanata 30

9.4K 164 2

Kabanata 30

Panganib

Dumadagundong ang puso ko at mistulang may maliit na tambol sa kaloob looban nito. Nakaupo lamang ako sa kama, mahigpit ang kapit sa sariling kamay habang pinagmamasdan si Kerwin na unti unting lapitan ang aming pintuan. Hindi na ako makahinga sa kaba na unti unti akong nilalamon. Hindi pa nga naming lubusang naluluma ang tahanan na ito, mukhang may mangyayari pang masama na magpapaudlot ng pananatili ko rito. Ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Lalaban ako. Para sa karapatan ko.

"K-kerwin." Pag banggit ko sa kaniyang pangalan nang akma na niyang hahawakan ang bulos ng pintuan. Ayokong hayaan siyang mag isa. Kung may mangyari mang masama, nais kong harapin namin iyon nang magkasama. Hindi ko siya hahayaang lumaban ng mag isa. Hindi ko makakayang makita siyang mag isang nakikipag laban sa kung sino man ang nasa ibaba.

Marahan niyang inangat ang kaniyang daliri upang ilapat sa kaniyang labi. Senyas niya iyon upang sabihan akong tumahimik. Pinagkunutan ko siya ng noo at hindi na nakapag pigil. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at dahan dahang humakbang patungo sa kaniya. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagkabahala nang lumapit ako patungo sa kinaroroonan niya. Pero hindi niya ako mapipigilan. Magkasama kaming haharap.

"Aleandra, hindi ko gugustuhing mapahamak ka." Aniya sa isang nag aalalang tono.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang mukha at inihilig naman niya ang ulo niya roon. "Hindi ko rin naman gugustuhing mapahamak ka. Naalala mo pa ang sinabi mo? Na kung mamatay man tayo, ang mahalaga sabay tayo. Walang mahuhuli o mauna. Kahit sa kamatayan man lang, tayo ay magkasama."

Hindi siya umimik. Inangat niya lamang ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil at idiniin pa laban sa kaniyang pisngi. Pansamantala namang nawala sa isipan ang ingay na narinig ngunit nang makarinig ng mga hakbang sa hagdanan, agad kaming nagising sa kasalukuyan. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ibinaling ang tingin sa pintuan. Napalunok ako ng makailang beses at pinisil ang kaniyang kamay. Kapwa kaming nanlalamig at nanginginig sa takot. Ngunit hindi ipinapahalata ni Kerwin iyon. Nais niyang maging modelo sa mga mata ko. Nais niyang maging modelo ng katapangan upang taglayin ko rin iyon.

Pumihit ang busol ng pintuan. Nagtindigan ang mga balahibo ko at tinakasan ako ng aking dugo. Paniguradong maputla ang mga labi ko sa pagkakataong iyon. Hinila ako ni Kerwin sa kaniyang likuran at matapang na hinarap ang pintuan. Nakakapit lamang ako sa kaniya, nakasilip nang bahagya sa busol na umiikot dahil sa pagpipilit ng isang tao sa labas na makapasok sa loob. Tahimik akong sinenyasan ni Kerwin na kuhain ang isang malapad na kahoy sa isang sulok. Tinanguan ko siya at nanginginig na nilapitan ang kinaroroonan nito.

Bawat ingay na ginagawa ng umiikot na busol, napapatalon ako. At nang mahawakan ko na ang kahoy na kaniyang tinutukoy, nakarinig ako ng malakas na kalabog sa pintuang iyon. Napaatras si Kerwin sa kaniyang kinatatayuan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang bumabaong itak sa kahoy na pintuan. Gumagawa iyon ng maliit na siwang na palaki nang palaki sa bawat paghampas ng matulis na dulo ng itak.

Naku shit. Panganib. Sinenyasan ako ni Kerwin na ihagis sa kaniya ang kahoy na aking hawak. Ginawa ko iyon at pinagmasdan siyang gumawa ng bwelo kung sakaling mabuksan man ang pintuan. Tahimik niya akong sinenyasan na tumayo sa sulok ng silid at kumuha ng panangga. Tinanguan ko siya sa kabila ng takot na bumabalot sa aking katawan. Bumuntong hininga ako upang iyon ay maipsan ngunit sa tuwing napapadapo ang aking mga mata sa pintuang halos warak na, iyon ay nadagdagan.

Kinuha ko ang isang kapiraso ng kahoy sa isang sulok na may mga nakausling pako. Nanginginig ang mga kamay ko nang ihanda iyon. Nagkatinginan kami ni Kerwin at tinanguan ang isa't isa. Bilang pagsasabi namin sa isa't isa na kami ay handa na kahit sa totoo lang, hindi pa ako handang harapin ang panganib na maari naming maranasan pag tuluyan nang bumukas ang pintuan.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!