Kabanata 41

7.1K 118 0

Kabanata 41

February 14, 2011 (Part 2)

Pinagmasdan ko si Kerwin nang mabuti. Balot na balot ang katawan niya ng manipis na kumot na kulay puti. Ang kaniyang kaliwang kamay ay naka angat sa itaas, ginagawang unan ang kaniyang palad. Ang isa naman nitong kamay ay nasa dibdib niya, sumasabay sa pag angat baba nito dulot ng pag hinga. Mahimbing siyang natutulog, at hindi makikitaan ng kung anong damdamin ang mukha niya. Napakontento at napakapayapa nitong pagmasdan. Mukhang walang problema, kahit sa totoo lang, napakarami at nagkapatong patong na.

Pinagpatong ko ang dalawa kong palad, ginawa itong unan habang nakatagilid na nakahiga sa kama. Kapwang nakabalot ang aming hubad na katawan ng mga kumot. Napakalamig at natural lamang iyon. Sumiksik ako sa katawan niya, dama ko sa aking balat ang kainitan na nababalot sa kaniya. Ang elektrisidad na aking nadadama sa tuwing nagkakadikit kami, ay hindi pa rin nawawala. Kung ano ang pakiramdam nito noong unang nagdikit ang aming mga katawan, ganoon pa rin iyon katindi hanggang ngayon.

Nakaramdam ako ng pagkahabag para sa lalaking ito, matapos mag balik sa isipan ko ang mga naging kaganapan. Labis ko siyang nasaktan, muntikan na siyang mapahamak, pinag alala ko siya, at ngayon ay nadadamay na ang nananahimik niyang pamilya. Hindi niya dapat tinatamasa ang mga ganitong pangyayari sa kaniyang buhay. Ang isang mapagmahal na lalaki ay hindi dapat nararanasan ang mga ganitong klaseng kaganapan. Nag init ang gilid ng aking mga mata subalit agad ko itong pinigilan. Nagsumikap akong gawin iyon at napagtagumpayan ko naman.

Kumikibot ang aking palad, natutukso itong haplusin ang bagong ahit niyang balbas. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili at inangat na nang kusa ang aking kaliwang kamay. Alam na alam nito kung saan pupunta, mabilis itong nag tungo sa panga niya at hinaplos iyon sa isang banayad na paraan. Magaspang ang tekstura 'non, at ang bagong ahit niyang balbas ay hanggang sa patilya ang abot. Nagpapadagdag iyon sa angking kagwapuhan na taglay ng lalaking ito. Mukhang siya ang ginawang modelo ng Panginoon sa paglikha ng mga makapigil hiningang lalaki sa mundo.

Hindi gumalaw si Kerwin, ni hindi naramdaman ang haplos ko roon. Kilala ko siya, mabilis siyang makaramdam kahit tulog siya. Nagkibit balikat ang aking kamalayan, isang nagbabantang tingin ang ibinigay sa aking mga mata. Napaka pasaway mo! Sumbat pa nito sa akin. Bumuntong hininga ako, sa pagkabigo o pagkatalo? Ewan. Siguro ay dapat ko muna siyang hayaan tulad ng sinasabi ng aking kamalayan. Lubhang napagod ang kaniyang katawan upang bumangon pa at gumawa ng iba pang aktibidad.

Habang nakamasid sa mukha niya at nalulunod sa mundo ng pantasya, inistorbo iyon ng isang ingay na nagmumula sa hagdanan. Natigilan ako sa pag-iisip ng mga bagay bagay, hindi na ako nag alinlangan pang pulutin ang aking mga kasuotang pang ilalim na nagkalat sa sahig ng silid. Ibinaba ko ang aking binti at mabilis na kumilos upang mag bihis. Habang inaayos ang kawit ng aking brasiyer, nakatanggap ang pintuan ng katok mula sa hindi tiyak na tao. Si Timothy o si Kristoff? Wala akong ideya kung sino.

"Aleandra? Kakain na." Ah si Timothy. Pinagpapawisan ako. Ang kaba ay namumuno ngayon sa aking katawan at kailangan ko pang tapusin ang pagbibihis upang iyon ay mawala. Nagkukumahog akong pinulot ang mga damit ko, ang pang itaas at pang ibaba. Hindi ako pwedeng humarap sa kaniya na tanging damit pang ilalim lang ang tanging bagay na tumatakip sa katawan.

"Oo. S-susunod ako." Halos magkandautal kong sigaw pabalik. Hindi na siya umimik pa muli. Dahilan para makahinga ako nang maluwag. Mabagal ko nang isinuot ang t-shirt na may disenyo ng isang hindi kilalang anime character at ang aking pang ibaba. Itinaas ko ang siper nito at inayos ang aking buhok na halatang kakagaling lamang sa pagniniig. Nang makontento, muli kong hinarap si Kerwin. Mahimbing pa rin ang tulog niya, gigisingin ko ba siya upang kumain ng tanghalian? Nanaig ang desisyon ko na huwag na lamang at tirhan na lamang siya ng ulam.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!