Kabanata 37

7.5K 113 1

Adult content

Kabanata 37

Lasing

Ang malamang hindi kami na kami nag iisa ni Kerwin sa aming tahanan ay nagpalakas ng loob ko. Nabawasan ang mga pangamba ko at mga bagay na aking kinatatakutan. Ngayong mas malaki na ang aming pwersa, mahihirapan na ang mga estranghero na makapasok pa. Hapon na at malapit na lumubog ang araw. Nandito pa rin silang lahat, si Lolo Tonying ay nakitulog muna sa kwarto namin ni Kerwin kasama ang kaniyang asawa. Si Timothy ay abala sa pagkukumpuni ng mga nasirang gamit dito kasama si Kerwin. Si Kristoff naman ay nakikinood na lamang sa kanilang gawain.

Napagpasyahan kong tumungo sa kusina at kumuha ng pitsel na naglalaman ng malamig na tubig. Inilapag ko ito sa bandehado at nilagyan ng tatlong baso. Nang matapos ay muli akong lumabas at inilapag sa kalapit na lamesa ng kanilang pinagtatrabahuhan. Ningitian ako ni Timothy bilang pasasalamat at gayun din si Kerwin na pawisan. Para bang may mga modelo sa harapan ko. Mga modelo ang dating ng dalawang magkapatid na ito dahil napaka perpekto ng kanilang katawan na mistulang inukit ng isang tanyag na iskultor.

"Dito na kayo titira?" Untag ko kay Timothy. Pinagmasdan ko siyang punasan ang kaniyang katawan gamit ang pinaghubaran niyang t-shirt. Napalunok ako at umiwas ng tingin 'don. Ibinaling ko ang tingin sa kalawakan na opal. Pawang pinasabugan ito ng mga kulay kahel at lila. Napakaganda.

Uminom si Timothy sa kaniyang baso bago magsalita. "Hindi ko alam. May mga trabaho pa kaming naiwan sa tahanan. Hindi maiiwan iyon ni Lolo. Siguro ay pansamantala lang kami rito. Bakit mo natanong?" Inilipag niya ang baso sa lamesa pagkatapos.

Ipinilig ko ang ulo ko. "Mas mainam kasi para sa akin na dito na lang kayo. Dito, masusubaybayan kayo ni Kerwin. Mas mapapanatag ang loob namin ni walang masamang mangyayari."

Tumango tango siya. "Ahh. Kahit ako rin naman, ganoon ang iniisip. Ngunit kailangan namin kumayod. Andiyan lang naman kami kung kailangan niyo ng tulong. At manalangin kayo. Hindi naman kayo pababayaan ng Diyos. Ibayong pag iingat na lang ang gawin niyo."

Naalala ko tuloy ang naging usapan namin ni Kerwin. Napabuntong hininga akong sumang ayon sa kaniya. Akala ko pa naman, dito na sila mananatili. Mas magkakaroon ng kulay ang tahanan na ito kung ganoon nga. Ngunit may mga buhay silang hindi nila pwedeng iwan. Malungkot akong pinanood ang mga ginagawa nila. Upang abalahin ang sarili, tumungo ako kay Kerwin at pinunasan ang pawisan niyang katawan. Ngumiti siya bilang pasasalamat. Ah, ang ngiting nakakabighani naman talaga.

"Pagod ka na?" Untag ko sa kaniya, hinalikan ang pisngi niya at niyakap siya mula sa likuran.

"Hindi pa masyado." Itinigil niya ang ginagawang paglalagari sa isang kahoy. Pumihit siya at hinarap ako, ikinulong ang mukha gamit ang dalawa niyang palad at masuyo akong hinalikan. Agad niyang kinalas ang mga labi namin at inipit ang takas na buhok sa likuran ng aking tainga. "Doon ka muna sa loob, magpahinga ka muna. Papasok ako pagkatapos. Papaligayahin kita sa. . .kama." Mahalay siyang ngumiti sa akin. Kinurot ko ang kaniyang pisngi.

"Hindi ba't bawal iyon dahil ako'y buntis?" Bulong ko.

"Kinausap ko yung babae sa clinic na napuntahan ko sa bayan. Pwede raw." Natatawa niyang sabi sa akin at marahang kinagat ang aking punong tainga. Nagbigay kiliti iyon sa aking sistema at ang malamang gusto niyang makipag talik sa akin ngayon ay nagbibigay pananabik sa aking katawang muling nauuhaw. Kinagat ko ang labi ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Hihintayin kita." Wika ko at pinagmasdan siyang tumango habang maluwang ang ngisi. Mabilis akong tumungo sa loob ng tahanan namin at namahinga sa sala.

Binabaha ang silid ng liwanag na nagmumula sa kalangitan. Ang nakabukas na pintuan at bintana ang nagsisilbi nitong lagusan ng liwanag na pinaghalo ng iba't ibang kulay; kahel, lila at asul. Isang senyales na malapit na lumubog ang araw. Sumandal ako nang mabuti sa sofa. Hinaplos ang tiyan at pinaandar ang isteryo upang makinig ng musika. Ngayon ay malumanay na kumakanta na ang isang malamig na tinig ng isang mang aawit na babae. Tila ba'y hinehele ako nito sa isang banayad na pamamaraan. Ah, nakakaantok naman.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!