Kabanata 27

9.6K 169 10

Kabanata 27
Pagtakas

Pag sapit ng gabi ay lumabas na kami ni Kerwin ng tahanan. Hawak hawak niya ang kamay ko habang papunta kami sa kotse niya. Hindi ko akalain na mahigit ilang oras kaming nasa ganoong posisyon; magkayakap lamang sa kama at tulala sa isa't isa. Hindi namin napansin ang oras. Nakakatwa.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at agad akong pinapasok sa loob nito. Naupo naman agad ako at pinagmasdan siyang umikot upang buksan din ang pintuan at sumakay rin. Pinaingay niya ang makinarya at sinimulang paandarin ang kotse. Napabuntong hininga naman akong muling sinulyapan ang tahanan namin. Nananabik na akong ayusan ito at bumuo ng ala ala sa tahanang iyon kasama siya.

"Hindi ka ba papagalitan ng magulang mo pagkauwi mo?" Untag niya, nananatiling nakatuon ang mga mata sa daan na aming tinatahak. Idinapo ko ang tingin sa bintana at pinagmasdan ang dagat na tanaw mula rito sa bundok ng Oliyat. Ang hangin na humahampas ay napakasarap sa pakiramdam. Hmm. Napakalamig at napaka tiwasay.

"Sanay na ako Kerwin. Hindi na ako naaapektuhan sa mga salita nila. Sa tuwing nakikita ko sila, nilalagyan ko ng pader ang puso ko upang hindi nila muling mabasag pa. Kung papagalitan lang din naman pala nila ako, lulubos lubusin ko na ang mga kasalanan ko sa kanila. Darating din naman ata ang araw na magsasawa sila at hahayaan tayong dalawa." Ningitian ko siya. Agad niya itong sinuklian.

Bumuntong hininga siya, hinigpitan ang hawak sa manibela. "Mamayang madaling araw. Mga alas dos. Pupunta ako sa harapan ng tahanan niyo. Maingat kang lalabas sa silid mo palabas ng bahay mo. Tutulungan kita. Huwag ka mag alala. Tandaan mo ang mga yan, baby." Paalala niya, sinisimulan nang tahakin ang malaking tulay patungo sa pangunahing lupain ng Cordova.

Tumango tango ako bilang pag sang ayon sa mga bilin niya. Kahit hindi pa nagsisimula ang mga oras na iyon ay labis pa rin ang kaba na namumuno sa aking sistema. Natatakot ako na baka mahuli ako o baka may makaalam ng plano naming dalawa. Bumuntong hininga ako muli upang mapawi ang kaba. Nakatulong naman iyon kahit papano pati na rin ang paraan ng paghawak niya sa aking kamay.

Hindi nagtagal ang oras at nakauwi rin naman ako ng aming bahay. Madilim na ang kalangitan hindi tulad ng pag alis ko na maliwanag pa at matindi pa ang sikat ng araw. Mas dinalaw ako ng kaba nang masilayan ang ilaw na nagmumula sa aming tahanan. Tanaw iyon mula rito sa kinatitirikan ng kotse niya. Napasinghap ako at nagpakawala ng hininga dahil sa kabang unti unti akong inuubos. Nanghihina tuloy ako dahil 'don.

"Magiging maayos ang lahat." Hinawakan ni Kerwin ang kamay ko. Ibinaling ko ang mga mata ko sa kaniya at matipid siyang ningitian. Humilig ako sa kaniya at sinikap abutin ang labi niya. Hinalikan ko iyon sa marahan at malambing na paraan ngunit ang kaba na nilalamon ang aking katauhan ay hindi pa rin maalis alis.

Pinisil niya ang palad ko habang banayad kong hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Kinalas ko ang mga labi namin at marahan niyang kinagat ang pang ibaba kong labi dahilan para magpakawala ako ng mahinang ungol. Bumaba ang kamay ko sa balikat niya at malungkot na tinanaw ang mga mata niya na puno ng mga pangako.

"Alam ko." Tumango tango kong sabi. "Kita tayo mamaya. I love you." Niyakap ko siya nang napakahigpit. Tinugunan niya iyon sa kaniyang makakaya at hinaplos ang aking buhok pababa ng aking likuran.

"I love you too." Hinalikan niya ang noo ko at ang tungki ng aking ilong. "Mag iingat ka." Aniya at saka ako pinakawalan.

Binuksan ko ang pintuan ng kaniyang sasakyan at umapak sa lupa. Tumungo pa ako sa truck bed upang kuhain ang lalagyan ng labahan. Wala na ang mga laman nito dahil iniwan ko na sa aming magiging tahanan. Tumungo ako muli sa nguso ng sasakyan at umikot ako upang muli siyang pagmasdan at bigong tinanaw ang kaniyang mukha.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!