Kabanata 42

6.5K 118 4

Kabanata 42

February 14, 2011 (Part 3)

Ibinaba ko ang aking binti sa kama, kumakalabog nang malakas ang puso ko dahil sa namamayaning kaba. Pwede ko na nga rin sigurong marinig ang sariling pintig ng puso, dahil sa realisasyon na nasa aking isipan. Ang realisasyon na heto na nga ang hinihintay kong araw. Nangangatog ang mga tuhod ko nang tumungo ako palapit sa kinatatayuan mismo ni Kerwin, kumapit ako sa kaniyang braso, dumungaw sa bintana ng silid. At mula roon, nasilayan namin ang mga hilera ng itim at malalaking sasakyan, na nakaparada sa tapat ng kanilang tahanan. Naku po. Nakaamoy ako ng matinding panganib. Hindi lamang sila isa. Marami sila kumpara sa aming pwersa.

"K-kerwin, ano ang gagawin natin?" Nangangatog ang aking labi, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa mga nangyayari. Tulala lamang si Kerwin, muling isinara ang puting kurtina at hinawakan ang magkabilaan kong braso. Nanlalamig ang mga kamay niya tulad ng katawan ko.  Naiiyak na ako, at nanlalabo na ang mga paningin ko. Wala na kaming kawala, wala nang maaring magawa. Mukhang mahirap silang labanan dahil sa dami nila. "N-natatakot ako." Humagulgol ako matapos ipagtapat ang nadadama ko, subalit natigilan iyon nang yugyugin ni Kerwin ang katawan ko. Naibalik 'non ang nagwawala at nagpupumilit na tumakas kong huwisyo.

Tinanaw niya ang mga mata ko, pinunasan ang aking pisngi. Marahang tinaboy ang mga luha dulot ng pangamba, at takot sa kung ano ang maaring mangyari. "Maging matatag ka. Please. Para sa'kin." Hinawakan niya ang magkabilaan kong kamay, pinisil nang mabuti at isang nangangakong tingin ang ipinakita sa kaniyang mga mata. Isang tingin na nagsasabing, nandito lang ako at hindi mo kailangang mag alala. Naglakad kami patungo sa pintuan, subalit bago pa namin ito mabuksan, pumasok agad si Timothy sa loob nito. Dahilan para guminhawa ako. Mali ang pala inakala ko.

"Kuya heto." Aniya at may ibinigay na baril sa kapatid niya. Isang malaking baril na lubhang nakakamatay sa isang putukan lamang. Naimahe ko kaagad sa aking isipan ang mga namamatay na tauhan dahil sa baril na nasa kaniyang kamay. Namilipit ang aking sikmura dahil sa brutal na imahe na umikot sa aking utak. Ah, nakakasuka.

Lumunok ako, pinagmasdan si Kerwin na ihanda ang mga bala nito. Tinanaw ako ni Timothy, pawisan siya at basang basa ang t-shirt na suot niya. Matindi ang tensyon na naghahari sa kaniya. Sa kaniyang dalawang kamay ay may hawak siyang dalawang maliit na baril na mukhang sanay na sanay siyang gamitin. Mukhang tinuruan sila ng kaniyang Lolo bago pa man ito mangyari. Makakatulong ang kasanayan na iyon upang labanan ang mga tao sa labas ng tahanan. Subalit ang problema ay marami sila at mukhang mas maraming armas kumpara sa kanila.

"Tara, nasa labas na sila." Hinawakan ni Timothy ang braso ko, sinenyasan niya si Kerwin na sumunod. Hinawakan naman ni Kerwin ang kamay ko at napasa agad ang pamamasa ng kaniyang palad dahil sa kaba niya ngayon. Kaba na maaling mawalay ako, kaba na maaring may masamang mangyari sa pamilya niyang pinapahalagan niya bukod sa isang tulod ko.

Nagtunguan silang dalawa at muling hinarap ang pintuan. Mukhang tinatansya kung handa na ba sila sa haharaping laban.

"Nasaan sina Kristoff, si Lolo, si Lola?" Natataranta kong katanungan. Sila agad ang aking inalala.

"Nagtatago na sila." Simple niyang kasagutan. Ah, mabuti naman. Sana ay maayos ang kanilang kalagayan.

Muli niyang binuksan ang pintuan at ipinwesto ako sa kaniyang likuran. Kumapit ako sa kamay ni Kerwin na nakahawak sa akin at pinapanatili akong malakas. Naging abnormal ang tibok ng puso ko gaya na lamang ng aking paghinga. At mukha akong mahihimatay nang wala sa oras. Namumutla ako at iyon ay aking damang dama. Kinagat ko ang labi ko dahil sa niyerbyos na dumadaloy sa aking dugo't ugat. Mukhang isa itong bangungot ngunit ang kaibahan ay hindi ako nagtutulog. Dahil totoong nangyayari na ito.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!