Kabanata 22

11.6K 207 6

Kabanata 22
Patayin mo ako

Hindi maalis sa aking isipan ang mga naganap sa pagitan naming dalawa. Malinaw na malinaw iyon sa aking isipan at hindi iyon nililisan ang aking utak. Damang dama ko pa rin si Kerwin sa aking katawan kahit oras na ang lumipas.

Hindi ko akalain na magiging ganito ang marka niya sa aking katauhan. Nakakabaliw isipin ang mga nangyari at nais ko iyon balikan. Ngunit sadiyang pagod na pagod kaming dalawa para iyon ay ulitin pa. Sa susunod na araw na lang siguro o kung kailan naming maisipan. Nais ko pa muling malasahan si Kerwin Castañeda.

"Ayos ka lang?" Dinig kong katanungan ni Kerwin na nagpalingon sa akin. Abala siya sa pagmamaneho ng kaniyang jeep truck upang ako'y ihatid pauwi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko gustong bumalik sa tahanan namin. Nais ko pang manatili sa kaniyang tabi at gugulin ang buong oras na kasama siya. Kung may kapangyarihan lamang ako na patigilin ang oras, iyon ay ginawa ko na.

Tumango tango ako sa kaniya. Ningitian naman niya ako at naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking kaliwang kamay. Pinisil niya ang aking palad at pinagsalikop ang aming daliri. Ang haplos niya sa aking palad ay naghatid ng kung anong pakiramdam sa akin na nagpanatag ng aking loob. Ganoon kalaki ang kaniyang epekto sa isang tulad ko.

"Pinagsisihan mo ba?" Kahit hindi kompleto ang katanungan niya, alam ko na ang ipinahihiwatig niya. Naramdaman ko ang kirot sa boses niya dahilan para ako ay ma-alarma. Mali ang iniisip niya.

Umiling iling ako bilang kasagutan sa kaniyang katanungan. "Hindi. Hinding hindi ako nagsisisi Kerwin." Isang ngiti ang aking iginanti sa kaniya. Ngumiti rin naman siya pabalik at itinuon ang buong pansin sa daanan.

"Sabi nila, ang gawaing iyon ay para lamang sa mag asawa."

"Pero bakit natin ginawa?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Kasi sigurado na ako na ikaw pa rin hanggang huli Aleandra." Itinigil niya ang sasakyan sa isang gilid ng tulay na aming kinalalagyan. Tanaw mula rito ang malawak na dagat ng Cordova. Ang kalangitan ay unti unti nang nagiging lila na hinaluaan ng kulay kahel na ulap dahil sa paglubog na ng haring araw. Napaka bilis ng oras!

Nadama ko uli ang abnormal na pagtibok nitong puso ko. Kulang na lamang ay iluwa ito ng katawan ko dahil sa napaka bilis nitong pagtibok. Napabuntong hininga ako upang pakalmahin ang naghaharumentado kong dibdib. Ngunit hindi iyon nakatulong dahil agad niya akong siniil ng halik. Naging dahilan iyon upang mas lalo itong pumintig pintig.

Marahas ang mga atake na iginagawad niya sa akin. Hindi na ako halos makahinga pa. Ang dila niya ay mahusay na nakipag espadahan sa akin at wala na ata itong balak magpaawat pa. Naramdaman ko ang ngipin niyang bumaon sa pang ibaba kong labi at marahan niya iyong kinagat kagat. Napaungol ako nang mahina dahil sa sensasyon na muling namumuo sa pagitan ng aking hita. Shit! Heto nananaman.

"Shit! Nakaka adik ka baby." Mapanghibok niyang utas at paulit ulit na idinampi ang kaniyang labi sa akin. Gusto ko sanang tugunan ang kaniyang sinabi ngunit wala na akong lakas pa upang umimik muli. Nabibihag ako ng kaniyang mga mapupusok na halik at haplos sa akin na may kapangyarihan na ako ay pahinain at paamuhin.

Ikinulong ko ang kaniyang mukha gamit ang aking palad. Idiniin ko pa ang labi namin sa isa't isa ngunit ako ay kaniyang pinigilan. Hinawakan niya nang marahan ang aking kanang pulso at inilapat iyon sa aking kanang hita. Bigo kong tinanaw ang mga mata niya at ang sulok ng labi niyang naka angat. Maliit na galaw lamang ng kaniyang labi ay nagpapakita ang puyo niya sa pisngi na magkabilaan.

"Tama na. Sa susunod naman. Baka hindi na kita maiuwi pa, Aleandra." Mahina siyang tumawa at hinawakan ang aking palad. Hinalikan niya ang buko ng aking daliri at tinanaw ang aking dalawang mata. Ngumiti siya sa akin nang matamis na akin namang nasuklian. Simpleng mga bagay lamang ang mga ito. Ngunit kahit gaano pa ito kasimple ay may kapangyarihan iyon na pansamantalang pawiin ang mga problema ko.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!