Kabanata 32

9.6K 159 0

Adult content!
Kabanata 32
Tiyaga

Hinanda ni Kerwin ang mga gagamiting panligo. Habang ako naman ay tahimik na nakaupo sa kama, hinihintay siyang matapos. Naririnig ko ang ginagawa niyang pagkukumahog na ayusin ang banyo at ihanda ang mga gagamitin doon. Napapangiti na lamang ako habang iniisip ang kalagayan niya sa loob. Nailalarawan ko sa isip ko ang imahe niyang natatarantang inaayos at nililinis ang banyo sa kwarto.

Hindi naman nagtagal at natapos din siya sa paglilinis ng kabuuan nito. Hingal na hingal siyang lumabas mula sa loob at inangat ang laylayan ng kaniyang suot na kulay abo na sando. Bakat doon ang matipuno niyang dibdib at ang dulo nito. Tila ba'y nagmamakaawang masilayan ng mga mata ko. Lumunok ako nang makailang beses at tumayo sa kinauupuan ko. Sa mga oras na ito, nalimutan ko ang trauma na nananatiling nasa katawan ko. Nilulunod ako ng kakaibang sensasyon at pananabik na ngayon ko lang ata naramdaman matapos ang hindi pag niniig kahapon. Ang pagtugon sa tawag ng aming mga laman ang tanging paraan na nakikita ko upang bawiin ang oras na nasayang sa pag iiwasan naming nitong gabing nagdaan.

Tumayo ako sa kama, sa aking balikat ay ang puting tuwalya. Siya naman ay nag aabang sa pintuan at inilalahad sa akin ang daanan. Pumasok ako sa banyo at nasilayan ang malawak na espasyo na laan lamang para sa pagligo. Hindi ko alam kung magkano ang mga ginastos niya sa lahat ng pagpaggawa ng bahay na ito. Mukhang malaking halaga ang naiwaldas niya para rito. Hindi ko na napigilan ang pananahimik at sinubukan nang magtanong.

"Magkano ang mga nagastos mo sa pagpapaggawa ng tahanan na 'to?" Katanungan ko at umapak sa simple at malinis na kulay puting tile. Hindi maliit ang banyo at hindi naman ganoon kalakihan. Tamang tama lamang para sa dalawa o tatlong tao na magkasya. Pinagmasdan ko ang paligid, hinihintay ang kaniyang kasagutan. Narinig ko ang ginawa niyang pagsara ng pinto at pagpapakawala ng hininga.

"Mga sampung libo lang naman." Wow. Napakalaking pera 'non.

"Kasama na ang mga kagamitan?" Pinaikot ko ang paningin sa paligid ng banyo. Nakatirik sa sulok ang malaking imbakan ng tubig at nakasabit sa pader ang dalawang tabo na parehong asul ang kulay. Magandang pagmasdan iyon sa kulay kremang pintura na bumabalot sa paliguan. Sa isang sulok naman ay nakapatong ang mga samu't saring panglalaki at pambabae na produkto. Nakita ko roon ang mga facial creams at pampahid sa balat. Naroroon din ang toothbrush at toothpaste. Kompleto ang lahat.

Nilagpasan niya ako, tumungo sa kabilang bahagi ng banyo at may pinihit doon na nagpaandar ng gripo upang punuin ang kabilang sisidlan. Nakasuot pa rin siya ng saplot at naghihintay ako sa oras na hubarin niya iyon nang tuluyan.

"Dalawampung libo kung isasama ang mga kagamitan." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko ay nagbibiro siya ngunit nang masilayan ang seryosong expressyon sa kaniyang mukha, napag alaman kong hindi talaga iyon biro lamang. Sa kaniyang pananalita, alam kong seryoso talaga siya!

"Wow! Matagal mo siguro itong pinag ipunan." Namamangha kong sabi at tinanaw ang mga mata niyang tila ba'y naaaliw sa aking pagiging madaldal. Humakbang siya sa aking kinaroroonan, masuring tinititigan ang aking mga mata. Naramdaman ko tuloy ang init na bumabalot sa kaniya, ni hindi pa nga nagkakalapit ang aming mga balat.

"Matagal na matagal na, Aleandra. Simula nang magustuhan kita, nagsimula na akong mag ipon. Sinabi ko sa sarili ko, ikaw ang magsisilbing inspirasyon ko para magsipag sa trabaho. Hindi ko akalain na heto na ang pinagbungahan ng paghihirap ko. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na gagawa ako ng bahay para sa babaeng mahal ko. At nang unang beses kong maramdamang tumibok 'tong puso ko para sa'yo, alam ko na sa mga oras na iyon, na ikaw at ikaw lang ang isisigaw nito hanggang sa huling hininga ko." Aniya. Napalunok ako. Ang puso ko ay walang humpay sa paghaharumentado.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!