Kabanata 38

7.7K 113 1

Kabanata 38

February 2, 2011

Maaga akong nagising kinabukasan. Binabaha ang kwarto ng liwanag na tumatagos sa bintana na kagagawan ng haring araw na hula ko ay bagong sikat pa lamang. Nasilayan ko ang lalaki na tanging bumubuo ng araw ko sa aking tabihan. Mahimbing ang tulog at mukhang pagod na pagod dahil sa mga naging kaganapan nitong gabing nagdaan. Napangiti ako sa ala ala, muling nahiga at ginawang unan ang braso niya. Ah, napakasarap sa pakiramdam ang magising sa umaga kapag ito ay iyong makikita.

Binalot ko siya gamit ang aking kamay. Napakainit ng katawan niya at muling namumuo ang pagnanasa ko para sa kaniya. Inamoy ko ang pamilyar na amoy ng isang Kerwin Castaneda at ipinikit nang mariin ang mga mata. Mukhang maaga pa naman kaya susulitin ko muna ang mga oras na katabi ko siya.

Tumalikod ako mula sa pagkakaharap sa kaniya, inuunan pa rin ang kaniyang matipunong braso. Napangiti ako nang madamang binalot niya ang katawan ko gamit ang kaniyang bisig na nakadagan sa baywang ko. Nag alab ang katawan ko nang gumapang ang mahusay niyang kamay pailalim ng suot kong puting sando. Agad na hinagilap nito ang kinalalagyan ng dibdib ko at nang mahanap na niya iyon, kinapa agad niya ito gamit ang kaniyang malaking palad. Kinagat ko ang labi ko dahil sa pananabik na ginising ang aking kamalayan. Nagkunwari pa rin akong tulog sa kabila ng panunudyo niya. Ah, ang sarap ng haplos niya.

"Hmm." Dinig ko ang mahinang ungol na umaalpas sa mumunti niyang bibig. Ang kaniyang mga daliri ay naging abala sa paghila at pagpapaikot ikot sa dulo ng aking kaliwang dibdib. Hinihila at pinaglalaruan niya iyon sa isang kabaliw baliw na pamamaraan na siya lamang ang makakagawa sa akin. Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata, ang pagitan ng aking hita ay unti unti nang naglalawa. At ang sunod kong napagtanto ay nilisan na ng kaniyang kamay ang dibdib at dumako sa aking kalamnan, puson at ang aking naglalaway na pagkababae. Nagsusumamo na maramdaman siya ngayon din.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Dumagan siya sa aking likuran at marahang hinahalikan ang aking tainga. Idinilat ko ang aking mga mata at nagkunwaring nagpoprotesta. Umungol ako bilang pagtutol at hinarap ang kaniyang mga nakangiting mga mata. Lumunok ako dahil sa kaniyang pamamaraan ng pagtitig sa aking mukha. Sa kaniyang tingin pa lamang ay damang dama ko na ang pagmamahal na mayroon siya para sa akin, at mukhang permanente na iyon at hindi na maalis.

"Hmm, Kerwin. Natutulog pa ako." Ungol ko. Nagpatuloy lamang siya sa paghalik sa tainga ko, sa balikat ko at sa leeg ko. Suminghap ako, naninikip na ang mga laman ko at uhaw na uhaw na ito. Nagmamakaawa na itong matugunan ang mga pangangailangan nila bilang bahagi ng katawan ko. Kinagat ko ang labi ko, hinayaan siya sa ginagawa niyang pagpapaligaya sa isang tulad ko.

"S-saglit lang 'to." Paos niyang tugon, hinila pababa ang panty ko. "D-dumapa ka please." Pagmamakaawa niya. Humagikgik ako nang mahina at sinunod ang kagustuhan niya, ang makita siyang nagmamakaawa at nag nanasa ay mas lalong nagbibigay pangangailangan sa aking sistema. Sinisilaban ako ng aking nararamdamang init para sa kaniya. Ah, nakakapaso ang pakiramdam nang haplusin niya ang aking pang upo sa isang banayad at malambing na pamamaraan. Damang dama ko ang magaspang na tekstura ng kaniyang mainit na palad sa aking pang upo na hinahaplos niya. Pinapaligaya at minamany-obra sa kaniyang alam na paraan.

Inangat niya ang aking sando patungo sa aking ulo. Hinubad ko iyon para sa kaniya at hinayaan siya magkaroon ng kalayaan upang maabot ang aking dibdib. Dama ko ang hubad niyang katawan sa aking likuran habang unti unti siyang pumapasok sa aking ari. Naghiwalay ang mga laman ko sa isa't isa upang hayaan siyang makapasok sa akin. At sa wakas ay tuluyan na niyang nabaon ang kaniyang pagkalalaki. Kapwa kaming napaungol nang malakas nang kami ay naging isa. Ang kumikibot niyang palad ay dumako sa aking dalawang dibidb at ito'y pinisil at piniga. Halong kirot at sarap ang aking nadama habang swabe siyang gumagalaw sa aking likuran.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!