Kabanata 47

7.7K 104 4

Kabanata 47

Marry

Sa malawak na veranda sa likuran ng mansyon, tahimik kong pinagmamasdan ang madilim na kalangitan na pinaiilaliman ang malawak na plantasyon, upang malihis ang hindi magandang pakiramdam sa aking katawan. Nakaupo ako sa isang bangko na yari sa bakal habang nakapatong ang dalawang siko sa lamesa, nakapalumbaba. Hindi ko tiyak kung gaano ako katagal nandoon. Ilang pagkain at inumin na rin ang naubos ko at wala pa rin akong balak tumayo mula sa pagkakaupo.

Bigla akong may naalala. Ah, ang kaganapan kanina. Tahimik kong ginugunita ang mga bawat pangyayari kanina sa harapan ng hapag kainan. Hindi ko akalain na pinaplano na talaga ng mga Espinosa sa kasalukuyan ang magaganap na kasalan sa aming dalawa ni Hoseff. Kinukurot nito ang puso ko, dahil hindi ko kailanman ginusto makasal sa isang taong hindi nilalaman ng aking puso. Para na rin akong nakipag sundo na ipapatay ang sarili kahit labag iyon sa kalooban ko.

Malamig na sa labas, unti unti na rin kasing lumalalim ang gabi. Napayakap ako sa sarili, hindi ko lubusang maisip na nakayanan kong mabuhay nang wala si Kerwin. Na nakayanan ko ang lahat nang hindi siya kasama o nakikita. Nakasanayan ko kasi ang makita siya tuwing umaga hanggang gabi, nasanay ako sa mga haplos niya at mga salitang binibitawan niyang napaka laki ng epekto sakin.

Napaisip ako bigla kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kung nakakakain ba siya ng maayos o umiiyak ba siya tuwing naalalang wala na ang kaniyang Lola't lola at ang kanilang bunso. Kung umiinom ba siya o inaalagaan ba siya ni Timothy nang maayos. Ang dami kong mga katanungan sa isipan ko na patungkol sa kaniya at naghihintay ng sagot. Nais ko siyang tanungin ngunit hindi ko iyon magagawa dahil nga taliwas iyon sa pinaplano kong distansya. Masisira lamang ang plano kong iwasan siya kung aalamin ko ang mga kasagutan sa aking katanungan.

Hindi ko maiwasang masaktan kapag iniisip na hindi siya nakakakain ng maayos, umiiyak bago matulog, nagpapakalasing upang pansamantalang makalimutan ang kirot. Hindi iyon ang nais kong kalabasan ng lahat. Ang nais ko ay ayusin niya ang sarili niya, muling bumangon at magsimula. Tuparin ang mga pangarap niyang naudlot nang dahil sa pagmamahal niya sa akin na kaniyang ipinaglaban. Naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng aking mga mata. Pumilig ako upang pigilan ang mga lintik na luha. Ah, hindi ko na siya dapat iniisip. Lalo na ngayong ikakasal na ako kay Hoseff. Letse. Ang sakit isipin na tuluyan ko na talagang kakalimutan ang ala ala namin kahit masakit. Kulang ang ilang taon para kalimutan ang lahat ng pinagdaanan namin.

"Hey." Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Hoseff. Siguro, para madaling malimutan ang dati kong mahal, kailangan kong mahalin si Hoseff tulad ng ginawa kong pagmamahal kay Kerwin. Kahit masakit, kailangan kong gawin. Lahat naman makikinabang. Magiging payapa at maayos ang lahat. At sana, mapagtagumpayan kong mahulog sa kaniya kahit alam kong mahirap. Mahirap dahil ang puso ko ay naging tapat sa iisang tao na kailangan kong iwasan. Nakakapagod din kasing masaktan. At isa itong paraan upang matigil ang kirot na aking nararamdaman, sa tuwing naiisip na hinding hindi ko na pwedeng makasama ang taong pinangarap kong makasama nang matagalan. Yung taong aking pakakasalan. Yung taong magiging ama ng aking mga anak.

"Hi." Ningitian ko si Hoseff. Naramdaman kong pumilipit ang kalamnan kong nanlalamig. Kahit ang sistema ko ay tutol sa mga ginagawa ko para sa kaniya. Dahil nakasanayan na rin nila si Kerwin lamang ang maari kong ngitian sa ganoong paraan. Tinanaw ko ang dalawang puswelo sa kaniyang magkabilaang kamay. Amoy na amoy ko ang matapang na kape na hinanda niya para sa aming dalawa. Inilapag niya ang tasa sa aking harapan at naupo sa isang bakanteng upuan.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Untag niya, sumimsim sa kape. Suot suot niya ang puting cotton tank top na matinding yumayakap sa kaniyang matipunong pangangatawan. Isang sweat short na kulay itim naman ang pang ibaba niya. Muli akong nag angat ng tingin sa kaniya, ang nanliliit niyang mga mata ay nakatitig lamang sa aking mga mata, ang kilay niyang makapal ay nakikiayon sa damdamin na nararamdaman niya, bahagyang magulo ang buhok niya at nalalaglag ang ilang hibla nito sa kaniyang noo. Napakaguwapo ngunit napakapanganib ng lalaking ito.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!