Kabanata 08

16K 267 5

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 0 8
Makita ka lang

Nakalimutan ko kaagad ang mga iniisip nitong mga oras na ito. Ang makasama si Kerwin ay naghahatid ng kung anong ligaya sa sistema ko. Tinutulungan ko siya ngayon na anihin ang mga ubas na handa nang anihin ngayon. Kanina pa siya nagmamaktol na hindi ko na kailangan gawin iyon dahil bisita lamang ako dito. Hindi ko naman siya hahayaang mapagod na lamang at makitang nabibilad sa araw. Hindi ko matitiis iyon.

"Sure ka ba talaga sa trabaho mong ito Kerwin? Hindi ka nagsisisi?" Aking katanungan at inilapat sa ibang kamay ang payong na aking hawak hawak. Siya'y aking pinapayungan kung saan man siya magpunta para anihin ang mga prutas na dapat nang anihin dito sa Hacienda.

Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Hindi naman. Kung nagsisisi man ako, iyon ay dahil hindi na kita makakausap na madalas." Mahina siyang humalakhak.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Huwag mong isipin iyon Ker. Lagi naman tayong makakapag usap eh. Kapag may gusto, may paraan." Ani ko at pumitas ng isang ubas at inihagis sa basket na nagsisilbi nitong sisidlan.

Nagkibit balikat lamang siya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa ginawa niyang galaw. Ano ang ibig sabihin 'non?

Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon sa halip na isipin. Ayokong ipagduldulan sa isipan ko ang aking mga maling iniisip.

Maya maya pa ay malapit nang matapos ang mga gawain ni Kerwin. Habang inaani ang mga natitirang ubas, nakarating kami sa bahagi ng taniman ng Hacienda kung saan nagtitipon tipon ang mga trabahdor. Inaapakan nila ang mga ubas at alam ko isa itong proseso kung saan gagawin nila itong mga alak. Ningitian ako ng mga trabahador habang yung iba naman ay pinagmamasdan ako na may mga pagtataka sa kanilang mukha. Marahil dahil ngayon lamang nila ako nakita.

"Pareng Kerwin." Pag bati ng isang lalaking mukhang may edad na. Inangat naman ni Kerwin ang kamay niya sa ere bilang pag bati rin sa matanda. "Sino yan? Kasintahan mo? Eh sino pala si Mada'am Selena sa buhay mo?" Nagtawanan ang mga trabahador.

Maliban sa akin na tumawa nga ngunit may kirot na nararamdaman sa aking puso. Hanggang dito ba naman, hindi ako lulubayan ng Selena na iyon? Totoo nga bang gusto ni Kerwin ang babaeng iyon? Punong puno ng katanungan ang utak ko. Ngunit bawat isang katanungan ay naduduwag akong alamin ang sagot.

Mahinang tumawa si Kerwin. "Kaibigan ko lang po siya. Di'ba Aleandra?"

Hindi ko akalain na sa mga oras na iyon, mawawasak ako nang husto. Napalunok akong sinubukang tanggalin ang bikig sa lalamunan ko at ang pagkurap ng mga mata ko ay naging mabilis hindi tulad ng aking inaasahan. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya at wala silang kaalam alam dahil isang nakangiting maskara ang nakikita nila. Kung subukan ko kaya iyon tanggalin? Malalaman kaya ni Kerwin na ako'y nasasaktan  sa sinabi niya?

"Hindi ba Aleandra?" Pag uulit ni Kerwin sa katanungan niya dahilan para magbalik ang nawawala kong ulirat.

Pilit ko siyang ningitian. Ginawa ko ang lahat ng makakaya para mag mukha kapani paniwala. Tumango tango ako sa kaniya at sa mga trabahador na may mga ngiti sa labi bilang pag sang ayon sa sinabi niya. Sa totoo lang, gusto ko na pagsasampalin ang sarili dahil ako'y nagpakatanga. Bakit ba kasi ako patuloy na umaasa? Kaibigan lang naman ang maibibigay niya! Huwag ka na maghangad Aleandra.

"Ah. Akala ko kasi, pinagpapalit mo na si Selena." Muling humalakhak ang mga trabahador. Napakamot sa ulo si Kerwin at lihim na ngumiti. Ang ngiting ipinapakita niya sa akin kapag siya ay nahuhuli kong nakatitig sa akin. Ang sakit lang kasi hindi lang pala ako ang nakakapag bigay ng ngiti na iyon sa kaniya. May iba pa pala. At iyon ay si Selena. At hindi lang ikaw Aleandra.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!