Kabanata 19

11.2K 188 4

|| Dear, Jerah. Bakit mo ko inunfriend? Ang sakit kaya. Hahahaha. Langya ka. Ge. Di ka naman nagbabasa ng wattpad. Nagmumukha akong tanga habang sinusulat to. Ahe ehe. Anyway, ipapakilala ko na sa kabanata na ito ang mga tauhan sa susunod na Cordova series. Yay ||

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 19
Hampas lupa

Labag sa kalooban ko ang mapa rito. Hindi tanggap ng sistema ko ang mapasama sa taong ito. Patuloy akong hindi mapakali sa kinauupuan ko at hanggang makatulog ako ay ipinagdadasal ko na sana panaginip lamang ang lahat ng ito. Mahaba ang biyahe patungo sa pagdarausan ng pagdiriwang. O baka sa tingin ko lang ay iyon ay matagal dahil ako ay nakatulog agad dahil sa antok na dumalaw sa aking sistema.

Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok pababa ng aking braso. Agad akong napabangon at nakaramdam ng matinding kirot sa aking kamay nang subukan ko itong higitin palayo. Nakalimutan ko ang katotohanan na nakaposas pala ang mga kamay ko. Shit.

"Tanggalin mo na kasi 'to. Hirap na hirap na ako!" Naiinis kong utas at ipinakita sa kaniya ang kamay kong pulang pula na. Isang tamad na tingin at ngisi lamang ang naibigay niya na sadiyang ikinainis ko naman. Para bang wala siyang pake kung ako ay nahihirapan na. Masunod lamang ang mga nais niya.

"Hindi ka mahihirapan kung hindi ka malikot. Stop moving and you'll be fine." Aniya at sinenyasan akong lumapit sa kaniyang kinaroroonan. Pinandilatan ko lang siya at matalim na tinitigan. Hindi ako lalapit sa kaniya at aking titiisin na lamang ang ngalay na nararamdaman. Ayokong lumapit sa kaniya at kung siya man ang lalapit, ako ay lalayo sa kaniya. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako sa sarili na huwag siyang lapitan dahil para sa akin ay iyon sa isang kasalanan!

"Don't be stubborn. Come closer." Aniya sa isang malambing na tono at marahang hinaplos ang palad ko. Nakaramdam ako ng pangangailangan na layuan iyon kaya aking kinurot ang palad niya nang tigilan na niya ito. Napangiwi siya sa sakit na naramdaman at inilapit ang palad sa kaniyang mukha dahilan para madala rin ako. Napadapa ako sa upuan na kinauupaun ko at tiningala ang mga mata niyang nagdidilim.

"Ugh! You. You! Fucker!" Mariin niyang utas at matalim akong tinitigan. Napalunok naman ako sa pag iiba ng kaniyang timpla at ang pagiging mapanganib ng kaniyang kalagayan. Dinalaw ako ng matinding kaba at ako ay labis na nagsisisi, na iyon ay aking ginawa sa kaniya.

"I'm trying to be sweet. I'm not hurting you. Why do you have to do that? Papakawalan din naman kita kapag nakababa ka na tayo sa sasakyan. Pero nang dahil sa ginawa mo. . ." Bahagya siyang humilig sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong braso. "I'm going to handcuff you. . . In my bed tonight."

Mas lalo pa siyang humilig sa akin at mas lumaki naman ang namumuong takot sa akin. Napalunok akong itinulak siya; marahan upang hindi na siya magalit pa. Ayoko ng sinabi niya. Ayoko ang mga ibinabalak niya. Hindi iyon tama. At ako na ang iiwas sa aming dalawa. Ayokong magkaron ng pagkakasala kay Kerwin na ako'y pinagkakatiwalaan. Ayokong mawala ang tiwala niya sa akin ngayong kami ay bago pa lamang.

Hindi ko na sinundan pa ang mga sinabi niya. Hanggang makababa kami ng sasakyan, ay wala kaming imikan. Pinagbuksan kami ng kawaksi niya ng pintuan at agad naman kaming lumabas nang sabay. Mabilis niyang tinanggal ang posas sa aming kamay at mabilis niya iyong itinago sa loob ng kaniyang bulsa. Ako naman ay nakatitig lamang sa mga mata niyang walang damdaming ipinapakita.

"You'll be sleeping with me." Nag igting ang kaniyang panga. "That's your punishment."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya at ang puso ko ay nagwala sa kaba. Ang sistema ko ay napuno ng pangamba at may kung ano ang nagsasabi sa akin na tumakbo na at layuan siya. Para bang nasasakal ako kapag kasama siya at ito ay aking ikamamatay kung ako ay magtatagal pa.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!