Kabanata 03

29.7K 419 11

(c) K i n g s t o n J
K a b a n a t a - 0 3
Iniwan

Pinagmasdan ko si Kerwin na itali ang lubid na kumakabit sa kaniyang kabayo na nagngangalang Racer. Regalo raw ito sa kaniya ng kaniyang yumaong Ina. Namatay raw ito dahil sa Breast Cancer. Wala na silang magulang at ang kanilang lolo't lola na lamang daw ang kanilang nagsisilbing katuwang sa buhay. Tanging si Racer at ang itim na bracelet na lamang sa kaniyang kamay ang naiwang ala ala niya galing sa kaniyang Ina.

Si Racer naman ang nagsisilbi niyang kaibigan. Simula pagkabata ay kasama na raw niya ang kabayong ito. Kahit ano raw kasi ang mangyari, nandito lang ito para sa kaniya. Ito raw ang napapagsabihan niya ng problema bukod sa kanilang aso at kapatid na si Timothy. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkahabag ng malaman iyon. Para kasing ang lungkot ng buhay niya at naikekwento niya lamang ito sa kaniyang kuya at alagang hayop. Kaya napakalaking bagay sa akin na naikwento niya ang mga iyon. Ibig sabihin, komportable na siya sa akin at pinagkakatiwalaan na niya ako.

Pagkatapos niyang itali si Racer sa isang sulok, agad siyang tumungo sa aking tabihan at umupo sa isang maliit na bato na katabi lamang ng bato na aking inuupuan. Narinig ko ang pag baluktot ng mga tuyong dahon na naapakan ng kaniyang putikang riding boots. Kasabay 'non ay naamoy ko kaagad ang mabangong samyo na nangangaling sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang ginagamit niya upang maging mabango siya. Nagpe-perfume kaya siya? Siguro nga.

"Ilang taon ka na nga uli, Aleandra?" Ibinaling niya ang tingin sa akin. Gayun din ang ginawa ko dahilan para magkasalubong ang mga mata namin. Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang kung anong tumutusok na sensasyon sa aking kalamnan. Napaiwas na lamang tuloy ako upang matigil na ang kakaibang nararamdaman.

"Bente anyos na ako. Ikaw?" Kahit alam ko na ang edad niya, tinanong ko pa rin iyon. Nais kong mapahaba ang usapan na ito. Nais kong maging masaya siya sa piling ko at hindi mabagot. Baka isipin niya kasing wala akong kwentang kausap at ayoko mangyari iyon. Umaasa nga ako na sana ay hindi ito ang huli naming pag uusap. Marami pa akong gustong malaman sa kaniya. Hanggang hindi pa siya nagiging sikat sa mga kababaihan ng Cordova, kailangan ko na silang unahan. Kailangan kong mangibabaw sa mga mata niya. Yung tipong ako lamang ang nakikita niya. Teka. Bakit ko nga ba iyon naiisip bigla? Mali! Maling mali. Dapat aking itatak sa aking isipan ang mga sinabi ni Geneve.

Nag iwas siya ng tingin at pumulot ng maliit na bato. "Twenty one na ako." Ibinato niya iyon sa tubig at pinagmasdang mabuti ang mga maliliit na isda na lumayo palayo sa parte kung saan niya hinagis iyon. Nawili ako sa pagtingin sa tubig na bumilog dahil sa pangingistorbo ng bato. Nakatitig ako roon ngunit hindi nagtagal nang magsalita muli ang lalaking nasa tabihan ko.

"May tanong ako. Okey lang ba sa'yo?" Sunod niyang katanungan at muling pumulot ng bato at ginawa uli ang ginawa niya kanina.

Wala ako sa sariling tumango tango at binali bali ang sanga na aking napulot sa lupa. "Ano ba iyon?" Aking katanungan at inihagis muli sa lupa ang binali na sanga.

Narinig ko ang ginawa niyang pag buntong hininga. "May boyfriend ka na ba?"

Nagharumentado nang paulit ulit ang puso ko sa ginawa niyang katanungan. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya at naabutan siyang nakatitig sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay. Hinihintay niya ang aking kasagutan! Pero bakit niya ba iyon naitanong? Hindi kaya-?? Mali. Hindi. Ayokong mag assume na tinatanong niya ako dahil nais niya akong ligawan. Di'ba ayon nga sa kuya Timothy niya, wala pa iyon sa isipan ng isang Kerwin Herreras Castañeda?

Umiling iling ako. "Wala pa."

"Crush?" Nasilayan ko ang ngisi na ginawa niya. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Ang mga ngiti niya ay kahawa hawa talaga. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaputi ang ngipin niya at ang maayos nitong pagka hanay hanay. Para siyang isang modelo ng mga toothpaste sa mga comemrcial.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!