Kabanata 31

9.3K 164 4

Kabanata 31

Panaginip

Umikot ang paligid nang maramdaman kong mawalan ako ng balanse. Mabuti na lamang at nasalo kaagad ako ng magkapatid bago ko pa maramdaman ang sahig na sasalo sa akin. Binitawan agad ako ni Timothy, marahil sa pagiging matalim ng titig sa kaniya ni Kerwin. Agad akong hinawakan ni Kerwin sa likuran at kinabig palapit sa kaniya. Napasandal ako sa balikat niya at ipinulupot ang kamay sa kaniyang batok. Nang tingalain ko ang kaniyang mga mata, nasilayan ko ang pagtatampo at pagpipigil ng galit. Umirap ang kamalayan ko. Hindi nito nagustuhan ang pagtatampo ng binata. Parang hindi niya kasi ako pinagkakatiwalaan kahit alam naman niyang hindi ko siya ipagpapalit at iiwan.

"Ayos ka lang? Nahihilo pa?" Sunod sunod niyang katanungan. Pabulong iyon at sa hindi malambing na paraan. Natawa na lamang ako sa aking isipan. Mukha kasi akong tanga. Nagtataka kung bakit nawala ang pagiging malambing ng tono ng kaniyang pananalita. Bigla ko nga pala naalala. Nagseselos siya sa amin ng kapatid niya! Grrr. Nakakainis. Nakakagigil sa galit. Masyado siyang napapraning na ako'y may ibang gugustuhin! Hindi niya maintindihan at maitatak sa kaniyang isip na kahit anong mangyari, siya at siya pa rin ang aking pipiliin.

"Nahihilo." Walang emosyon kong sabi ngunit mababakas doon ang matinding pagtatampo na mukhang mas nilagpasan ang kaniya. Nang magkaroon ako ng lakas na makatayo nang mag isa, agad akong humiwalay sa kaniya at naglakad mag isa palayo sa kanilang kinaroroonan. Hindi ko na tinanaw ang mga mata nilang dalawa, dire-diretso lamang ako patungo sa hagdanan. Kahit ayoko pa umakyat sa taas dahil sa takot na muling maalala ang krimen, iyon ay aking isinigawa pa rin. Fuck. Naalala ko nanaman ang bangkay. Muli tuloy akong nahilo. Subalit nakaya ko rin naman.

"Saan ka pupunta? Yung pagkain mo, hindi mo pa nauubos! Huwag matigas ang ulo!" Natigilan ako sa pagtataas niya ng tono. Nabigla ako roon. Naitulos ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang gumawa ng hakbang pa. Ang puso ko ay binalot ng matinding kalamigan na nakakaasiwa. Pakiramdam ko ay tinutusok ang aking anit nang mapagtanto ang lahat. Sinigawan niya ako! Sinigawan! Bakit ba ako labis nasosorpresa? Siguro dahil unang beses niya pa lamang iyon ginawa? Nasasaktan ako. Shit. Tila ba'y tinutusok itong puso ko nang paulit ulit. Naluha ang kamalayan ko. Hindi inaasahan na magagawa niya iyon. Nasaan na ang maaruga at malambing na Kerwin na nakilala ko? Nawala na rin ba tulad ng pagkawala ng kaniyang magandang timpla nitong mga nakaraang araw?

Lumunok ako. Maka ilang beses. Ang magsalita nang may bikig sa lalamunan ay lubhang mahirap para sa akin na mukhang nanghihina pa rin. Sana naman ay mawala na itong masama kong pakiramdam na hindi alam ang pinagmulan. Ni hindi ko nga alam kung paano ito nagsimula!

"Pupunta ako sa kwarto! Matutulog! Kaya pwede ba, huwag kang epal sa mga gagawin ko!" Mabibigat na hakbang ang aking ginawa sa unang tatlong baitang ng hagdanan. Bago ko pa malampasan ang mga natitirang baitang, narinig ko ang ginawa niyang pagdadabog. Malakas na sinisipa ang lamesa't upuan dahilan para bahagya akong mapatalon.

"Ker! Ano ba?!" Pagsasaway ng kaniyang nakakatandang kapatid. May mga ilan pa itong sinabi na hindi ko naintindihan, dahil lubha itong mahina para maabot pa ng aking dalawang tainga. Nangilid na ang mga luha ko. Hindi na nagawang lumingon pa. Mukhang nagsimula na ang paligsahan sa pataasan ng pride. Nanlamig ang sikmura ko nang dahil 'don. Ngayon ko lang ba lubusang makilala ang tunay na Kerwin na hindi ko nagawang kilalanin noon? Shit. Shit! Huwag naman sana. Sana dala lamang ito ng bugso ng damdamin dahil sa selos at mga kaganapan kanina. Pero kahit anong pagpapakalma ng subconscious ko, naririto pa rin ang pamilyar na kirot sa dibdib ko. Hindi maalis alis kahit anong gawin ko.

"Sige! Bahala ka! Kung ayaw mo kumain, edi wag! Hindi na kita pipilitin. Pagod na ako. Leche!" Pakiramdam ko, nagdurugo ang mga tainga ko sa mga narinig. Ang marinig ang salitang iyon sa kaniya sa isang pagalit na pamamaraan, ay isang asin sa sugat na tinamo nitong puso ko. Kung sino pa ang taong dapat nagpapagaan ng loob ko, siya pa ang nagpapabigat nito. Hindi ko na napigilan ang mga muling parating na luha. Muli nilang hinagod ang pisngi kong nangangapal. Humugot ako ng hangin at ito'y pinakawalan. Ah, hindi pa rin maluwang. Patuloy na naninikip itong puso kong punong puno ng patalim na siya mismo ang lumikha.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!