Kabanata 28

10.4K 180 3

Adult content!

Kabanata 28

Sorpresa

Tulala ako buong biyahe. Nakatanaw sa ilaw ng buwan na nagsisilbing ilaw namin bukod sa ilaw ng sasakyan. Nakatulong iyon upang gabayan kami sa tinatahak naming daan. Hindi pa rin ako makapag salita. Kinikimkim ang sakit sa puso ko dahil sa pagsisisi na iniwan ko si Jennica, kasama ang aking mga magulang. Pinapagalitan ko ang sarili ko sa aking isipan. Dapat ay sinama ko na lamang siya. Karapat dapat lamang sa aking mga magulang ang mawalan ng anak. Tutal, hindi naman nila nagagampanan nang maayos ang tungkulin nila bilang aming magulang.

"Nagsisisi ka ba?" Katanungan ni Kerwin at naramdaman ko ang palad niyang hinawakan ang aking kamay at pumailalim. Nakita kong pinagsalikop niya ang aming mga daliri at ipinagdiin ang aming palad sa isa't isa. Sinikap kong tingalain ang kaniyang mga matang nakatanaw sa bahagyang maliwanag na daan na pinapaligiran ng mga punong kahoy.

Nilingon niya ako matapos maramdaman ang titig ko. Agad kong nasilayan ang mata niya na kung saan nakikita ang liwanag ng buwan at samu't saring emosyon. Pilit ko siyang ningitian at magalang na umiling. Sa totoo lang, bahagya ako nakakaramdam ng pagsisisi. Hindi dahil siya ang aking pinili, kundi dahil iniwan ko ang aking nag iisang kapatid. Labis na pagsisisi ang aking natatamo nang dahil 'don. At susundan ata ako ng konsensya ko hangga't hindi ako sumusuko.

"Sigurado ka ba? Bakit ang tahimik mo? Baby, hindi ako sanay." Sumabay ang malambing niyang boses sa ingay na ginagawa ng mga dahon na nakikisayaw sa hangin. Nakakakilabot ang kalaliman ng dilim ngunit ang kamay ni Kerwin na matinding nakakakapit sa akin, ang nagbibigay palatandaan na ako'y ligtas sa panganib.

Muli ko siyang ningitian sa abot ng aking makakaya. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi kayang matapalan ang lungkot at konsensya na nanunuot sa aking mga ugat. Parang isang maliit na benda lamang ang ngiting iyon laban sa napaka lalim at malaking sugat. Hindi kayang mabigyang lunas. Hindi kayang mapagtakpan.

"Sigurado ako." Nag iwas ako ng tingin. Hindi kinaya ng aking mga mata ang tumitig sa mapunuri niyang titig.

Bumuntong hininga siya. Binitawan ang aking kamay at muling inilipat sa manibela ng sasakyan. Napaawang ang labi ko nang masilayan ang ginawa niyang pag bitaw sa aking palad. Naku po. Mukhang naiinis na siya sa hindi ko pagtatapat. Mababakas iyon sa pamamaraan niya ng pag igting ng kaniyang perpektong panga at kung paano niya higpitan ang hawak sa manibela.

"Baby, kasintahan mo ako. Hindi ko gusto ang paglilihim mo. Tayo na nga lang ang magkakampi, ngunit pinagtataguan mo pa rin ako. Mahal kita at hindi kita kahit kailan huhusgahan. Kaya ngayon, please. Sabihin mo na para hindi na rin ako mamoblema." Banayad niyang sabi ngunit mababakas ang pagkainis. Ang kaniyang kaliwang siko ay ipinatong niya sa nakasaradong pintuan ng kotse at inabot ang kaniyang buhok. Ginulo iyon at hinaplos. Doon niya nilabas ang inis. Sa kaniyang buhok na naging magulo na ngayon. Ngunit hindi iyon nagpabawas sa kaniyang pagiging guwapo. Mas nagpaigting pa nga iyon.

Humugot muli ako ng buntong hininga. Pinagsisihan na pinahalata ko ang tunay na nadarama. Oo, tama siya. Dapat hindi ako naglilihim sa kaniya. Kami na nga lang ang magkatuwang, nagkakaintindihan, at nagmamahalan, bakit pa ako magtatago sa kaniya ng mga bagay bagay? Kinagat ko ang aking labi at nahihiya siyang pinagmasdan. Minamaneho niya ang sasakyan gamit ang isang kanang kamay, ang mga mata ay seryosong nakatitig sa daan. Makikita roon ang pag iingat.

"Sorry kung nilihim ko. N-nagsisisi lang ako dahil iniwan ko ang kapatid ko roon. Ni hindi pa nga ako nakakapag paalam ng maayos. Masakit iyon bilang kapatid niya. Naging malaki ang parte niya sa aking buhay. At ang isiping mawala siya, hindi ko masyadong kinakaya." Pumiyok ako sa huling sinabi at nakaramdam ako ng bikig sa lalamunan. Suminghap at sumandal ako sa kinauupuan, iniwas ang tingin sa kaniya at tinagilid ang ulo upang ibaling ang paningin sa bintana.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!