Kabanata 34

8.2K 133 4

Kabanata 34

Kilabot

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas upang pagmasdan ang larawan na nasa aking palad. Bawat paglipat ng mga larawan ay dumadagundong ang puso ko at nasa delikadong estado na ang lindol na nagaganap sa dibdib ko. Napalunok ako. Mga ilang beses bago mawala ang paninikip nito. Ang sunod na larawan na nasilayan ko ay ang larawan namin ni Kerwin na magkahalikan. Hubo't hubad at walang saplot ni isa. Hindi ko akalain na kaya nila itong kuhunan sa kabila ng kadiliman. Nanginginig kong nilukot ang larawan at pilit na kinalimutan ang nalaman. Subalit subukan ko mang kaligtaan na lamang, pilit nitong ginugulo ang bawat sulok ng aking isipan. Ah, hindi isang magandang senyales para sa aking kalagayan. Paniguradong madagdagan na nanaman ang aking pagkabalisa.

Narinig ko ang mga hakbang ni Kerwin papasok ng aming tahanan. Nilingon ko siya at itinago ang isang kamay sa likuran, mas pinili kong ilihim ang lahat sa halip na isiwalat sa kaniya. Oo, alam kong isa nanaman 'tong katangahan na posibleng pagsimulan nanaman ng alitan sa pagitan naming dalawa. Pero mas makakabuti kung itatago ko muna ito dahil ayokong masira ang timpla niya. Mukhang masaya pa siya at nakakakonsensya kung iyon ay masisira dahil sa hatid kong masamang balita.

"Mukhang tensyonado ka. May masama ba?" Nangunot ang noo niya at inilapag ang napsak sa ibabaw ng upuan sa sala. Pansamantala niya ring inilapag ang tolda sa sahig at kinain ang distansya sa pagitan naming dalawa. Heto nanaman ang dumadagundong kong puso. Mukhang hindi ko nagawang itago ang bugso ng damdamin ko.

Pinaibabawan ako ng takot at mukhang lubhang mahirap itago 'yon. Lalo na ngayong, tagaktak ang pawis ko at malikot ang mga mata ko. Nayayanig din ang katawan ko nang dahil sa katotohanang, naririyan lamang sila sa tabi at naghahanap ng tiyempo. Tiyempo na bawiin ako at patayin ang lalaking mahal ko. Naku po. Napaka sakit na imahe naman iyon.

"Aleandra. Please. Sabihin mo sa'kin. May problema ba?" Gamit ang dalawa niyang kamay, hinawakan niya ang magkabilaan kong braso upang pigilan ako sa panginginig. Nangunot ang kaniyang noo nang masilayang pilit kong inilalayo sa kaniya ang kanan kong kamay kung saan nakatago sa aking likuran. Nanlaban ako ngunit agad ding napasuko. Nasa harapan na ngayon ang kamay ko at mabilis kong isinuko ang mga litrato. Nang mahawakan na niya iyon, napahagulgol na ako. Sunod sunod at walang humpay ang pag agos ng luha dulot ng takot. Takot dahil sa litrato at takot na baka mag away nanaman kami tulad ng mga nag daang araw.

Niyakap ko ang sarili habang siya naman ay nakatitig sa larawan. Kumuyom ang panga niya at sumiklab ang nag aalab na galit sa kaniyang katawan. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at idinapo ang mga iyon sa aking paa na nanginginig sa kasalukuyan.

"Paumanhin at hindi ko kaagad nasabi sa'yo. N-natatakot ako na baka masira niyan ang timpla mo. Paumanhin uli, Kerwin. H-hindi na ako maglilihim muli. Pangako." Sunod sunod na pag iyak ang ginawa ko pagkatapos 'non. Nagawa ko pang magsalita sa gitna ng walang tigil na pagluha ng mga mata ko. Narinig ko lamang ang buntong hininga niya. Naku po. Mukhang galit na galit siya. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata dahilan para magtuluan ang mga natitirang luha. Naging malinaw ang paningin ko at sa isang marahang paraan, nag angat ako ng tingin sa kaniya.

Nasilayan ko sa mga mata niya ang hindi inaasahang emosyon. Nasaksihan ko ang pag iingat 'don at ang labis na pag aalala, at takot? Wala akong alam. Sa mga katapangan na ipinakita niya, malabong makita ang takot at pangamba sa kaniya. Kung pwede ko lang taglayin din ang mga katangian na mayroon siya, marahil hindi ako magiging ganito.

Nais kong maging tulad niya. Hindi sumusuko at walang laban na inaatrasan. Yung walang kinatatakutan maliban sa mawala ang taong mahal niya. Gagawin niya ang lahat, maprotektahan lamang ang mga taong mahal niya, kahit kapalit pa nito ang kaniyang buhay. Nabigla ako nang ibalik niya ang nawawala kong huwisyo sa pamamagitan ng pag balot niya sa katawan ko ng maiinit niyang bisig. Tinugunan ko iyon at natagpuan ang kaligtasan. Isiniksik ko pa ang sarili sa kaniya at dinama ang kainitan ng kaniyang katawan na may kakayahang pawiin ang lahat ng aking kinatatakutan.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!