Kabanata 18

10.5K 195 0

/ Oh God. Ang bilis ng panahon. Kabanata 18 agad tayo. Parang kailan lang, kating kati akong simulan 'to. Haha. /

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 1 8
My own ways

Naitulos ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. Ni makapag salita ay hindi ko man lang magawa at tila ba'y nanuyo ang aking lalamunan. Tumigil ang pag inog ng mundo ko at ang tanging naririnig ko lamang ay ang boses ng mga magulang ko at ang naghaharumentado kong puso. Ang makita siya ay tunay na matuturing na isang kagula gulantang na sorpresa para sa sistema ko.

"Hi Aleandra. Its nice to see you again." Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at kinain ang distansya sa pagitan naming dalawa. Akma sana akong aatras palayo sa kaniya ngunit agad akong nahuli ng kaniyang mga kamay. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking palad at ako naman ay halos tumakbo na palayo sa kaniya ngunit hindi ko maisagawa. Nang aking idapo ang tingin kay Paolo, napag alaman kong naguguluhan ang mga tingin niya. Tila ba'y napapaisip kung ano si Hoseff sa aking buhay.

"N-nice to see y-you too." Nagpumilit akong mag ingles kahit utal utal ako. Wala lang talaga ako sa wastong huwisyo para umisip ng karapat dapat na tugon sa sinabi niya. Punong puno kasi ng katanungan ang aking isipan. Una; kung bakit siya narito at ang ano ang pakay niya. Pangalawa; bakit bihis na bihis sila Ina at Ama.

Ngumisi siya ngunit nawala iyon nang masilayan niya ang lalaki na aking kasama. Naging malinaw ang kunot sa noo niya dahilan para ako ay ma-alarma sa kung ano man ang iniisip niya.

"Who is he?" Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan nang siya ay magsalita. Napatingin naman ako kay Paolo at nilapitan siya; upang protektahan siya sa kung ano man ang gagawin ni Hoseff sa kaniya. "Siya ba ang bago mo?!" Matapang na katanungan ni Hoseff sa akin. Si Paolo naman ay nakatulala lamang sa kaniya at kunot noong pinapakinggan ang kaniyang sinasabi. Para bang napapansin niya na para bang may mali.

"Kumalma ka nga, pwede ba?!" Napag taasan ko siya ng boses na naging dahilan kung bakit mapatayo sila Ina at Ama. Ibinaling ko ang tingin sa kanilang kinaroroonan at nasilayan ang mga hindi pag sang ayon sa kanilang mga mata. Ayaw nilang binabastos ko ang taong sinasanto nila. "S-sorry. P-pinsan ko lang siya. Wala kang dapat ikagalit." Wika ko at nag iwas ng tingin sa kaniya.

Kasabay 'non ay ang pag bagal ng pag hinga niya. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at bumalandra sa aking mga mata ang ngiti niyang malademonyo kung titignan. Matalim ko siyang tinitigan at nang maramdaman ang matalim na titig ni Ina, ningitian ko rin siya. Mahirap na at baka kung ano pa ang gawin nila kung hindi ko susundin ang kanilang kagustuhan na makisama sa isang mayaman.

"Um.. Mauna na po ako tito tita. Aleandra." Tumango tango si Ina at Ama matapos magpaalam si Paolo. Tinanguan ko na lang din siya at pinagmasdan siyang makalayo.

"Sabi ko sa'yo eh, pinsan ko lang siya." Pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

"Good." Mahina niyang sabi ngunit sapat na para aking marinig. "Anyway, I came here para sunduin ikaw at ang pamilya mo. We will celebrate the new year in our Hacienda." Nakapamulsa niyang sabi at ibinaling ang tingin kay Ina na mukhang sabik na sabik na at si Ama na mukha pa ring seryoso at halata na ang pagka bagot na nadarama.

Pinagmasdan ko ang mga pagkaing inihanda ng aking pamilya at mula roon ay nakita ko si Jennica na bihis na bihis na rin at papalabas pa lamang ng pintuan. Nagliwanag ang mga mata niya nang ako ay makita ngunit agad iyon nawala. Labag sa kaniyang kalooban na ipagdiwang ang bagong taon sa Hacienda ng Espiñosa. At kahit ako at nararamdaman ang nadarama niya.

"Pero nakapag handa na kami ng pagkain. Hindi mo na kami kailangang alalahanin. Kaya naman naming mag diwang nang kami kami lang." Ani ko at napangiwing itinuro ang mga masasayang na pagkain sa aming hapag.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!