Kabanata 24

10.6K 198 1

Kabanata 24
Muling paghaharap

Nakatunghay lamang ako sa kawalan ng aking kwarto. Patuloy na iniisip ang mga kaganapan. Nakatutulong ang pagiging mag isa sa pag iisip ng mga tamang desisyon. Kanina ko pa pinag iisipan kung gagawin ko ba talaga ang balak kong makipag tanan sa kaniya.

Napabuntong hininga akong tinanaw ang isang larawan namin ng kapatid ko sa lamesa. Tila ba'y pinapaalala sa akin ang maaring mawala kung iiwan ko sila.

Paano si Jennica?

Iyon ang aking problema. Ayaw kong iwan ang kapatid ko sa puder ng aking magulang nang mag isa. Pero paano ko matutupad ang aking kagustuhan na makipag tanan sa kaniya? Kagustuhan naming iyong dalawa. Muli akong napabuntong hininga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Napakalaking problema itong pinapasok ko. Pero anong magagawa ko? Sa paghihirap nito, sumasaya ako. Sa parusang ito, sumasaya ang puso ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto dahilan para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa silid na ito.

Pumihit ako patalikod upang lingunin ang taong pumasok at napag alaman kong kapatid ko iyon. Muli kong ibinalik ang pwesto ko kanina at ibinaling muli ang tingin sa kawalan.

Si Kerwin, ang mga sulat at ala ala na lamang ang mayroon ako. At si Jennica ay isa na rin doon. Ang magulang ko ay hindi na kabilang sa mga bagay na iyon dahil hindi ko naman dama na isa kaming pamilyang buo. Dahil kahit kompleto kaming lahat ay pakiramdam ko ay kami ay magkakahiwalay at durog.

"Ate, kain ka na." Alok niya at humakbang patungo sa kama.

Naramdaman ko ang pag lubog nito dahil sa ginawa niyang pag upo. Kakatapos lamang nilang kumain at hindi ako nakisalo. Ayoko munang harapin ang mga magulang ko sa oras na ito. Namumuno ang galit sa sistema ko ngayon at baka kung ano pa ang masabi ko. Hindi ito ang tamang panahon upang makipag usap sa kanilang dalawa. At kung susubukan ko man ay magmumukha lamang akong sirang plaka. Hindi naman nila ako pinapakinggan.

"Wala akong gana." Tamad kong sabi sa kaniya. Taliwas ang sagot ko sa tunay na isinisigaw ng aking katawan. Sa totoo lang, kumakalam na kanina pa ang aking sikmura. Kanina pa ako pinipilit kumain ngunit ayoko munang humarap sa kanila. Narinig ko ang ginawa niyang pag buntong hininga.

"Hindi iyan pwede Ate. Kailangan mong kumain." Aniya tila ba'y sa aming dalawa, siya ang pinaka matanda. Bumuntong hininga rin ako; hindi pa rin siya pinagmamasdan. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Gusto kong ilabas itong mga natitirang damdamin na hindi ko nailabas kanina. Kailangan kong mapag isa.

"Balak mo bang patayin ang sarili mo Ate?" Tanong ni Jennica. Kinutuban ako sa nais iparating ng mga sinasabi niya. Alam ko naman kung saan ito patungo. Iyon ay aking nararamdaman.

Hindi ako umimik. Hinihintay ko lamang ang mga kaniyang susunod na sasabihin.

"Nang dahil sa kaniya Ate? Hindi ka na kakain? Handa mong ibuwis ang buhay mo para sa kaniya? Nag iisip ka ba Ate? Matalino ka. Alam ko 'yon. Isipin mong mabuti kung nakakabuti ba sa'yo yang pagmamahalan niy--."

"Nasaan na ang Jennica na nakilala ko? Akala ko ba suportado mo ako? Akala ko ba magkapartner tayo? Bakit parang kampi ka na ngayon sa kanila ni Ama?" Sumabog ang galit sa aking sistema dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko na iyon napigilan pa. Pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa pamamahay na ito. Ay mali! Hindi pakiramdam iyon. Tunay ngang wala akong kakampi dahil lahat ay pinagtutulungan ako.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!