Kabanata 11

12.3K 214 2

(c) K i n g s t o n j
K a b a n a t a - 1 1
Alas tres ng hapon

Naramdaman ko ang mainit na kamay na humahaplos sa pinsgi ko. Nagtindigan ang mga balahibo ko at nais ko na lamang isara ang mga mata ko; natatakot na malaman kung nasaan ako at sino ang kasama ko. Hindi maitatanggi sa sistema ko na nasasarapan ako sa haplos niya sa aking pisngi. Para bang kinakabisa niya ang mga linya rito upang hindi malimutan. Para bang inaangkin niya ang bawat sulok ng aking mukha sa pamamagitan ng paglakbay ng mga daliri niya. At ayokong itigil niya ang ginagawa niya.

May narinig akong tumikhim na naging dahilan para maudlot ang paghaplos ng isang kamay sa aking pisngi. Narinig ko ang pag usog ng upuan at kasunod nito ay ang tunog ng pagsara ng pintuan. Hindi ko alam pero kasabay 'non ay awtomatikong dumilat ang aking mga mata; na naging dahilan para makita ko si Hoseff na pinupunasan ang kaniyang nakabalandrang katawan gamit ang kaniyang tuwalya.

Kumalabog ang puso ko nang makita ang kaniyang katawan nang malapitan. Ang malinaw na linya sa kaniyang baywang ang nagbibigay palatandaan kung saan nakapwesto ang bagay na nakatago sa suot niyang sweat shorts. Mula roon ay bakat ang bagay na kaniyang tinatago. Napalunok akong iniwas ang tingin doon. Pakiramdam ko ay nag alab ang katawan ko sa init na nadama nang idapo ang tingin 'don. Kailangan ko na talagang pigilan ang mga mata kong ito. 

"Are you okay now?" Isinabit niya ang tuwalya sa kaniyang balikat at naupo sa sofa na aking inuupuan. Hindi ko alam kung nasaan ako pero maihahalintulad ang lugar sa isang opisina. Ganito siguro kapag mayaman. May mga sariling opisina sa kanilang tahanan.

Sinubukan kong maupo ngunit naging makirot iyon. Napangiwi tuloy akong sumandal sa sandalan ng upuan na kinalalagyan ko. "H-hindi pa. Nakikita mo naman d-di'ba?"

Ngumisi siya at narinig ko ang ginawa niyang mahinang pagtawa. Mas lalo ko siyang sinimangutan. Kaligayahan ba para sa kaniya ang makita akong nahihirapan? Inirapan ko na lamang siya at humalukipkip na naupo nang maayos sa upuan. Iginala ko ang paningin sa opisina ng kaniyang tahanan na ang bawat sulok ay sumisigaw ng karangyaan.

Ang pader ay napapalibutan ng mga malalaking lalagyan ng aklat na hindi ko alam kung kaniya bang binabasa. Parang sayang lamang ang iba dahil naiiwan na lamang na naka hilera sa lalagyan. Sa gitnang bahagi ng opisina ay isang lamesang gawa sa bakal at babasaging materyal. Nakapatong dito ang isang computer o laptop na may umiilaw na mansanas sa harapan.

"Do you want to eat?" Untag niya dahilan para matigilan ang aking mga mata na lakbayin ang kaniyang opisina. Muli kong idinapo ang tingin sa mga mata niyang nag aalab at nakita ron ang mga emosyon na nababalot sa kaniya.

Tumagal ang titig ko sa kaniyang mga mata bago sagutan ang kaniyang katanungan na naghihintay ng kasagutan. Umiling iling ako at ningitian siya nang pilit lamang. Hinding hindi na talaga ako sasakay ng kabayo niya. Baka ito pa ang maging mitya ng aking kamatayan. Ayoko nang maulit ang naganap kanina. Pakiramdam ko ay nagkabali bali ang mga buto ko sa aking katawan.

"My parents are outside. I want you to meet them." Simple niyang sabi. Simple ngunit nagpadala ng ibayong kaba sa akin. Napalunok ako nang paulit ulit dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano magiging pakikitungo nila sa akin at baka hindi nila ako magustuhan. Maraming katanungan ang umikot sa aking isipan. Una ay kung mabait ba ang kaniyang mga magulang at ang pangalawa ay tanggap ba nila ang mga mahihirap na mamamayan? 

Tumayo si Hoseff mula sa pagkakaupo sa kaniyang upuan at tumungo sa aking harapan. Naglahad siya ng kamay sa akin upang tulungan akong makatayo sa aking kinauupuan. Agad ko naman iyong tinanggap ngunit nawalan ako ng balanse kaya napasandal ako sa kaniyang harapan. Napahawak ako sa kaniyang balikat at naging magkalapit ang aming mga mukha. Naamoy ko kaagad ang shower gel na ginagamit niya. Napakabango nito at amoy matamis na prutas.

His Passionate Vengeance (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!